Jump to content

Photo

Mga Magulang ni Sarah Geronimo, wala pa ring tiwala sa anak!

  • Please log in to reply
12 replies to this topic

#1 ILoveSarahGee2425

ILoveSarahGee2425

    8X Platinum

  • Member
  • 2,658 posts

Posted 04 August 2012 - 06:46 PM

Mga Magulang ni Sarah Geronimo, wala pa ring tiwala sa anak!
Wednesday, August 1, 2012, 1:36

Oh My G! ni Ogie Diaz

WALANG MASAMA sa paraan ng pagpapalaki ni Mommy Divine sa kanyang anak na si Sarah Geronimo. Naniniwala rin kami na isa sa mga dahilan kung ano ang status ngayon ni Sarah eh, dahil ‘yan sa mapag-arugang kamay ni Mommy D. Alam na nating lahat ‘yon.

Ang hindi namin alam ay kumbakit ganu’n na lang kahigpit si Mommy D sa mga nagkakagusto o nanliligaw sa anak niyang hindi naman dose anyos, kundi beinte kuwatro anyos na. Ano pa’ng hinihintay niyang right guy na ibibigay ng Diyos sa kanya? Ano ba ‘yon, Mommy? ‘Pag palpak ba ang relasyon ng isang tao sa kanyang kapwa, demonyo na ang nagbigay sa kanya no’n?

Hindi ka naman Diyos, mommy. Ka-initial mo lang po ang Diyos para makapagsabi o makapagdikta kung sino ang nararapat na kapartner ni Sarah sa buhay. Puwede namang sa una, gusto mo ang lalaki, eh. Magpapakasal ‘yan. So ‘yun na ba ang senyales na ‘yon ang gusto ng Diyos para sa anak mo? ‘Yung lalaking pinakasalan niya, dahil ‘yun ang gusto n’yo ng asawa mong si Daddy Delfin?

Pa’no kung along the way eh, mara-ming misunderstandings at pag-aaway ang mag-asawa? Tapos, maghihiwalay? Ano po? Sisisihin n’yo ang Diyos, dahil hindi naman pala ‘yon ang right guy na ‘yun ang una n’yong akala?

Paano ho matututo ang anak n’yo kung lagi na lang kayong pinamumugaran ng takot sa dibdib n’yo na baka mauwi sa maling lalaki ang anak n’yo?

PERFECT PO ba ang pagsasama n’yo ni Daddy Delfin? Kahit kelan ba, hindi nagmuntik-muntikanan na kayong magkahiwalay kahit me mga anak na kayo?

‘Yun ho ba ang takot n’yo na “ipamamana” kay Sarah balang-araw?

‘Yung iba ho kasi, ang iniisip: kaya kayo natatakot eh, baka nga mainlab si Sarah, tapos, mada-divert na si Sarah sa personal happiness niya, tapos, kayong pamilya niya ay makalimutan na, gano’n ba?

Sa ipinamulat n’yong “family orientation” kay Sarah, we don’t think, kalilimutan n’ya kayo porke inlab siya. Hindi. Sa inyo pa rin ‘yan kakapit ‘pag masaya siya, lalo na ‘pag siya’y umiiyak na.

Sa nangyayari ngayon na hindi n’yo pinagkakatiwalaan si Sarah na maging responsable sa lahat ng actions niya eh, pinalalaki n’yong marupok ‘yung bata. Na ‘pag nawala na kayo, maghahabol ang bata, dahil hindi niya alam kung ano’ng gagawin, dahil nga pinalaki n’yong dependent forever sa inyo. Hindi n’yo pinalaking pinatibay ng panahon at pagsubok sa buhay ‘yung bata.

Beinte kuwatro na ‘yan, mami. Ang kilig na nararamdaman niya ay sa pelikula na lang niya nailalabas, pero sa totoong buhay ay ikinukubli na lang niya, dahil nga sa takot sa inyo na mas madalas na hindi kayo pabor kesa pabor.

Gusto n’yong palakihin ang anak n’yo na may takot sa Diyos, pero ang nangyayari, sa inyo muna unang may takot at pangalawa na lang sa Diyos.

Grow up, Mommy! Mabait na bata si Sa-rah. Hindi niya sasayangin ang tiwalang “ireregalo” n’yo sa kanya na noon pa sana. Pero hindi pa naman huli ang lahat. Puwede pa, mommy. Basta tanggapin n’yo lang sa inyong sarili na sanitary napkin na po ang gamit ng anak n’yo, hindi na po lampin.

Oh My G!
by Ogie Diaz
http://www.pinoypara...tiwala-sa-anak/

#2 rsv_18

rsv_18

    Triple Platinum

  • Member
  • PipPipPip
  • 1,118 posts

Posted 04 August 2012 - 11:10 PM

:52sgThumb: agree ako dito. my opinion lang naman....gusto ko lang lumigaya si SARAH sana maintindihan din yun ng parents nya.

#3 rosary

rosary

    Double Platinum

  • Member
  • PipPip
  • 695 posts

Posted 04 August 2012 - 11:32 PM

Peace to all!

Ok lang naman to give our opinion because we are all entitled to that. But if it is being said with malice, hindi na maganda. Sana hindi na dinadala dito ang ganitong klaseng articles.
Obviously, there is something here that is not right. Kasi merong involve na hatred and malice. Character assassination na ang gustong iparating nito.
We should learn how to discern what is the truth. I pray that OD will realize that he is fighting a woman of God. Sarah may not speak and retaliate but she will call on the name of the Lord. Kaya matakot kayo. Her vindication is from the Lord.

May you be enlightened. God bless!

#4 sgruckz

sgruckz

    Platinum

  • Member
  • Pip
  • 497 posts

Posted 05 August 2012 - 08:59 PM

Hindi ko alam ang ico-comment ko sa article na ito. Hati kasi ang puso ko dito, 50% agree 50% hindi. Pero sana lang hindi na isinama pa yung personal na relasyon ng parents ni Sarah bilang mag-asawa...

If Ogie is really on Sarah's side hindi niya titirahin si Mommy D. nang ganito kasi for sure masasaktan si Sarah...

But yes, he has a point...

#5 ate G

ate G

    Popster

  • Moderator
  • 7,496 posts

Posted 06 August 2012 - 02:15 AM

thanks for sharing. Sana more on constructive criticism lang ang mga comments and no below the belt please.

#6 Loislane46

Loislane46

    Champion

  • Rising Jr. Member
  • 50 posts

Posted 06 August 2012 - 05:36 AM

There are things easier said than done. People who don't sincerely care could always say,"Let her/him be...hayaan mo siyang masaktan para matuto." and believe that they meant well. Sabi nga po, PREVENTION is always better than cure.I'm not saying that Sarah should not be given the freedom to make choices, but as I've always said Sarah is her own person...and to use this angle over and over, just so we would lose focus on who's the other half of this saga...and what he has done and what he has not done is such a mean ploy...and may be, it's not that she doesn't trust her...may be, she just doesn't trust some people around her...and i guess, somehow she seems to be proving herself right.

#7 iyah_ronquillo

iyah_ronquillo

    Gold

  • Member
  • 209 posts

Posted 06 August 2012 - 07:14 AM

Peace to all!

Ok lang naman to give our opinion because we are all entitled to that. But if it is being said with malice, hindi na maganda. Sana hindi na dinadala dito ang ganitong klaseng articles.
Obviously, there is something here that is not right. Kasi merong involve na hatred and malice. Character assassination na ang gustong iparating nito.
We should learn how to discern what is the truth. I pray that OD will realize that he is fighting a woman of God. Sarah may not speak and retaliate but she will call on the name of the Lord. Kaya matakot kayo. Her vindication is from the Lord.

May you be enlightened. God bless!

There are things easier said than done. People who don't sincerely care could always say,"Let her/him be...hayaan mo siyang masaktan para matuto." and believe that they meant well. Sabi nga po, PREVENTION is always better than cure.I'm not saying that Sarah should not be given the freedom to make choices, but as I've always said Sarah is her own person...and to use this angle over and over, just so we would lose focus on who's the other half of this saga...and what he has done and what he has not done is such a mean ploy...and may be, it's not that she doesn't trust her...may be, she just doesn't trust some people around her...and i guess, somehow she seems to be proving herself right.

thanks for sharing. Sana more on constructive criticism lang ang mga comments and no below the belt please.

i agree po...salamat po..tama po kayo..SArah is her own person...sabi naman din ni mommy, kahit anung gusto nila, gusto pa rin ni Sarah ang masusunod.

#8 ining1

ining1

    Quadruple Platinum

  • Member
  • PipPipPipPip
  • 1,216 posts

Posted 06 August 2012 - 07:40 AM

There is nothing wrong in trying to protect their children. As Mommy Divine said"kahit anong gusto nila" , it is still SG'S decision....in other words she has the final say!!! They have rules. As far as I know, as long as the children are under the roof of the parents, children have to abide by the rules.The problem was not the Geronimo's, the public don't own them... the problem is there are people who has a tunnel vision and just wanted to hear what they wanted to hear.
SarahG and Gerald are public figures but the public don't own them....

#9 Grendaizer

Grendaizer

    6X Platinum

  • Member
  • PipPipPipPipPipPip
  • 1,951 posts

Posted 06 August 2012 - 08:00 AM

madali lang sabihin ganito ganyan kung hindi mo anak si Sarah Geronimo...lol

saka pag pasensiyahan niyo na si OD... matindi pangangailangan niyan... lol

#10 SGSuperb

SGSuperb

    Champion

  • Member
  • 141 posts

Posted 06 August 2012 - 08:15 AM

Hmmm... Sana po sa tuwing magsusulat nang mga POV sa mga nangyayari o mag comment sana isipin po una si Sarah on how she would feel if she would be reading it. Sa tuwing may masakit na nasasabi patungkol sa mga magulang nya sigurado po ako na tripleng sakit mararamdaman ni Sarah if mabasa nya kasi mahal nya mga magulang nya.

Sila lng po talaga nkakaalam kung ano mga nangyari and i guess we dont have the right to blame any of them.

I totally agree na she is in her own person. Kaya sana po no hurtful comments nor ill feelings. Respeto lng po talaga.

Basta as popsters we will always be there for Sarah no matter what.

#11 sarsmiami

sarsmiami

    12X Platinum

  • Member
  • 3,626 posts

Posted 06 August 2012 - 10:07 AM

Thanks for sharing. I will always be supporting Sarah

#12 osang04

osang04

    Champion

  • Member
  • 90 posts

Posted 07 August 2012 - 10:50 AM

of the whole article of OD, the only thing I got concerned of is, "what if a mishap happens with her parents, what if she will be left behind, then what is she going to do? that would be the time that she'll be vulnerable because like what Juday said, hindi lamang ang trabaho, pamilya at friends ang mundo, that not everyone has a good soul, na may masamang tinapay din. i think this is the time that she needs to experience what kind of environment she has, how to handle things on her own, which are all part of growing up. and with all due respect to her parents, Sarah's one wish is her freedom, na hindi palaging de numero ang kilos. kawawa naman siya kung dumating ang time na mawala na ang parents niya. she'll be lost dahil all her life parents niya ang nagte take care of ng buhay niya, hindi nagte take care of sa kanya, kung hindi ng buhay niya. i love and admire Sarah eversince i knew her. this is just my opinion... I wish that Sarah will come up to a decision that will make her happy and whatever decision she'll make, sana suportahan ng parents niya. Kung mag-try man siya at masaktan, at least she tried what she wanted to try to do. doon pa nga lalong masusukat kung gaano ka supportive ang parents niya.

0 user(s) are reading this topic

0 members, 0 guests, 0 anonymous users