Jump to content


Photo

hn Lloyd Cruz and Sarah Geronimo hope to do a sitcom together in the f


  • Please log in to reply
6 replies to this topic

#1 outrigger

outrigger

    One SG Force

  • Moderator
  • 15,154 posts

Posted 17 February 2013 - 07:34 AM

John Lloyd Cruz and Sarah Geronimo hope to do a sitcom together in the future
2/17/2013 10:07 PM
by: Bernie Franco


Panibagong yugto sa kanyang buhay na naman ang haharapin ni Sarah Geronimo dahil matapos iere ang last episode ng kanyang musical show na Sarah G Live last week, sasabak muli ang Popstar Princess sa isang hamon na susubok sa kanyang kakayahan hindi bilang isang singer kundi isang aktres.

Kamakailan ay inanunsyo ni Sarah na isang drama anthology ang susunod niyang magiging proyekto at excited dito ang singer-actress.

“Magiging aktres naman po tayo ngayon. Hahasain po natin ‘yan. Ibat-ibang co-actors… mabibigyan ako ng pagkakataon na makatrabaho ang mga hinahangaan sa drama,” ani Sarah.

Sa hiwalay na panayam, very optimistic si John Lloyd Cruz sa bagong hamon para sa kanyang leading lady sa upcoming movie na It Takes A Man And A Woman.

Papuri pa niya kay Sarah, “Natural sa drama (si Sarah). Kahit ano’ng gawin niya, naniniwala ako na mage-excel lang siya.”

Dagdag pa ni John Lloyd, natutuwa siya na maging parte at saksi sa growth ni Sarah mula nang maging magkapareha sila sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya years back, na siyang naging daan para isilang ang kanilang patok na team up.

Gift nga kung ilarawan ni John Lloyd ang tandem nila ni Sarah dahil nabiyayaan sila ng magandang chemistry.

Hindi lang naman onscreen partnership ang nabuo sa dalawa, kundi pagkakaibigan na rin. Ayon nga kay Sarah, “’Yung pagkakaibigan po meron po talaga kami and sabi ko nga pag kasama ko ang taong ‘yon at 'pag kausap ko, I can be just myself, and pwede kong sabihin lahat ng pwede kong gustong sabihin,” lahad ng singer.

“Hindi niya ako huhusgahan, hindi niya ako mamaliitin. Ganun siyang klaseng tao at alam ko maraming mga malalapit sa kanya na makakapag-attest dun sa sinasabi kong ‘yon.”

Napag-usapan nga ng dalawa na since ang kanilang upcoming movie ay ang kanilang third at last film sequel, isang sitcom naman ang gusto nilang magawa in the future.

“Naisip lang namin ‘yon,” kwento ni Lloydy. “Sabi ko kasi sa kanya, ‘Anong susunod pagkatapos nito?’ ‘Mag-sitcom na lang tayo,’” ang sabi raw nila.

Sang-ayon naman dito si Sarah na makagawa ng proyekto with John Lloyd na light lang.



Source: http://www.push.com....jRfCpik.twitter

#2 sarsmiami

sarsmiami

    12X Platinum

  • Member
  • 3,626 posts

Posted 18 February 2013 - 09:32 PM

Sitcom exciting din

#3 jinx_luv_sarah

jinx_luv_sarah

    Quintuple Platinum

  • Member
  • PipPipPipPipPip
  • 1,795 posts

Posted 19 February 2013 - 05:06 AM

sana talaga matuloy :Wans Pray:

#4 sgruckz

sgruckz

    Platinum

  • Member
  • Pip
  • 497 posts

Posted 21 February 2013 - 12:28 AM

Gusto-gusto ko talagang mag-sitcom si Sarah. Sana nga mangyari ito...

#5 tata917

tata917

    8X Platinum

  • Member
  • 2,424 posts

Posted 22 February 2013 - 09:54 PM

Thanks for sharing...hoping na saana matuloy tong cnasabing SITCOM..

#6 tata917

tata917

    8X Platinum

  • Member
  • 2,424 posts

Posted 25 February 2013 - 07:05 PM

OK OK OK LLYODY...ISANG REGALO SI SG.PARA SAIYO...SO DAPAT ALAGAAN MO AT ITAGO MO SIYA KSI SYA ANG PINAKAMAGANDANG REGALO NA NATANGGAP BUONG BUHAY MO..LOLL..ECHOS..

#7 anjanela

anjanela

    Platinum

  • Member
  • Pip
  • 316 posts

Posted 23 March 2013 - 04:11 AM

yes sitcom! sana matuloy.




0 user(s) are reading this topic

0 members, 0 guests, 0 anonymous users