Jump to content


Photo

Part 1. Director Cathy Garcia-Molina reveals why John Lloyd Cruz did n


  • Please log in to reply
4 replies to this topic

#1 FULGOR

FULGOR

    Double Platinum

  • Member
  • PipPip
  • 700 posts

Posted 18 March 2013 - 08:56 AM

Part 1. Director Cathy Garcia-Molina reveals why John Lloyd Cruz did not pursue Sarah Geronimo

Rey Pumaloy

Posted Image
Kinumpirma ng direktor na si Cathy Garcia-Molina na muntik nang magka-inlaban sina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo habang ginagawa nila ang kanilang naunang dalawang pelikula. Pero pinigil daw ng dalawa ang kanilang sarili dahil hindi pa puwede. Sabi ni Direk Cathy, "Kaya nga po ako bilib kay John Lloyd po kasi puwede naman po niyang ipilit pero hindi, e. Ang respeto niya kay Sarah na… maghintay siya.”
Photo By: Noel Orsal

Naging usap-usapan sa presscon ng It Takes A Man And A Woman noong Linggo, March 13, ang pagiging emotional ni John Lloyd Cruz.
Nagulat ang lahat ng media sa loob ng Dolphy Theater sa naging reaksiyon ng aktor pagkatapos itanong sa kanya kung naka-relate sila ni Sarah Geronimo sa characters nila sa movie.

Nilinaw naman ng aktor na malapit sa kanyang puso ang role niya sa movie at nalulungkot siya dahil natapos na ang shooting nila.
Pagkatapos ng presscon proper ay pinalibutan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press ang direktor ng pelikula na si Cathy Garcia-Molina para usisain ang tungkol sa pagiging emosyunal ni John Lloyd.
Sabi agad ni Direk Cathy, “Hindi lang siya nag-expound. Addict yun, a! Ako ang pinaano, a!"
Paliwanang niya, “In every movie we make, kasama ang saya, kasama ang problema.
“And really, whenever I do films with Sarah, medyo mahirap dahil sa limitations na involved with Sarah.
“I told her, ‘It’s never about you.’ Kasi Sarah is napakadaling katrabaho, napakabait. But it comes along with a lot of limitations.
"And I think, you know about it... and I’m willing to talk about it, e—yung cut-off niya.”

TAKE TWO. Parang hindi nakuha ni Direk Cathy ang tanong tungkol kay John Lloyd kaya muli naming binanggit ang tungkol sa pagiging emosyunal ng aktor.
Ulit naming tanong kay Direk Cathy kung masyado bang na-attach sa project si John Lloyd at parang ibinigay niya ang kanyang buong puso sa pelikula.
“Which Lloydie always does!” pagsang-ayon naman ng direktora.
Giit namin kay Direk Cathy, ngayong lang naging emosyunal si John sa tatlong pelikula niya with Sarah. May problema kaya sa lovelife ng aktor?
“Ay hindi, hindi. It’s not about that!” depensa niya.
“Ano lang talaga siguro… ano ba? Masaya lang kasi yung shooting, e.
“Ahm… really Sarah and Lloydie ngayon, medyo… are not higher din sa kung paano sila mag-usap.
“Ah… siguro tumanda na rin siguro sila, e.
“Naalala ninyo yung sinabi niya [John Lloyd] na parang private conversation nila na... it really happened on my set.
“Dalawa silang nag-uusap, bigla nila akong tinawag na, ‘Direk! Direk! Di ba?'
"Sabi ko kay Sarah… parang, ‘You don’t choose love, love chooses you?’ Ganyan-ganyan…
“So parang… in terms of ano, maraming conversations sila.”
Sa set niya rin ba nangyari yung kinuwento ni John Lloyd na naging emotional siya nang may nagsabi sa kanyang, “You’re a good person?”
“It’s in the movie,” mabilis na kumpirmasyon ni Direk Cathy.
“Well… puwede ko bang sabihin? … si Luis! Si Father! It’s a nice ano…”
Na parang natumbok si John Lloyd ng ganoong dialogue? Kasi marami rin namang pinagdaanan si John Lloyd.
“Yes, yes! Kasi, di ba? Lloydie is Miggy, e,” banggit ni Direk sa character name ni John Lloyd sa movie.
“Si Miggy has everything, Lloydie has everything. And so it seems, ha?
“But at the end of the day, what matters most is being a good man.
“He might be the best actor, he might be the most sikat ngayon, but at the end of the day, ang minamahal naman natin kung sino yung mabuting tao, e.”

RESPECT. Sa presscon, inamin ni Sarah na parang muntik na siyang ma-in love kay John Lloyd.
Sinabi naman ni John Lloyd na hindi niya niligawan ang kapareha dahil sa respeto nito sa kung ano ang sitwasyon ng aktres.

Mahirap ba ang posisyon ng dalawa niyang artista sa ginawa nilang pagpigil sa isa’t isa na ma-in love sa natapos nilang dalawang movie?
“Opo, opo… Ay! Um-opo talaga ako! Dyusko, Lord! Opo!” bulalas ni Direk Cathy saka nagpatuloy.
“Opo, kaya nga po ako bilib kay John Lloyd po kasi puwede naman po niyang ipilit pero hindi, e.
“Ang respeto niya kay Sarah na… maghintay siya.”
Paano niya naramdaman ang hirap ni Sarah na sinisikil niya ang damdamin niya para kay John Lloyd noong mga panahong iyon?
“Ay, siyempre po, bilang ako yung director, di ba?
“Ang relationship ko sa mga artista, napapasok ko ang personal, napapasok ko ang loob.
“So, alam ko, alam ko kung gaano kahirap kay Sarah ang maging masunuring anak and, at the same time, napagbibigyan ang maraming hiling ng mga tao.
“It’s very difficult… di ba? Lahat naman tayo dumaan sa ganito, e.
“Yung pipiliin mo—sarili mo ba susundin mo o ang magulang mo?”
Natanong din sa presscon kung dahil ba sa pagkakaroon ng problema nina John Lloyd at Sarah sa isa’t isa kaya natagalan bago nagkaroon ng part three ang pelikula nila.
May balita kasing nasaktan si Sarah sa huling pelikulang pinagsamahan nila ni John Lloyd kaya hindi agad naikasa ang ikatlong film project nila.
Itinanggi ni Direk Cathy ang espekulasyon na umasa si Sarah na magkakatuluyan sila ni John Lloyd.
“Ay, no, no! Sarah will never have that. Kasi si Sarah ang ayaw… si Sarah ang nag-i-stop, e.”
Hindi ba ang parents ni Sarah ang pumigil sa dalawa na magka-debelopan?


- read rest of article here
http://www.pep.ph/ne...ah-geronimo/1/1

a very telling interview by CGM! :D

note: part 2 is about CGM and her BF, no need to be posted!

Edited by FULGOR, 18 March 2013 - 09:10 AM.


#2 outrigger

outrigger

    One SG Force

  • Moderator
  • 15,154 posts

Posted 18 March 2013 - 05:39 PM

I agree, fulgor. Very revealing nga ang interview na to. :) It’s also interesting to hear it from point-of-view of someone outside Sarah-John Lloyd. :)

#3 tata917

tata917

    8X Platinum

  • Member
  • 2,424 posts

Posted 18 March 2013 - 08:42 PM

thank you for sharing

#4 sgruckz

sgruckz

    Platinum

  • Member
  • Pip
  • 497 posts

Posted 18 March 2013 - 09:54 PM

thanks for sharing this...

#5 jinx_luv_sarah

jinx_luv_sarah

    Quintuple Platinum

  • Member
  • PipPipPipPipPip
  • 1,795 posts

Posted 20 March 2013 - 04:07 AM

waaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhh....




0 user(s) are reading this topic

0 members, 0 guests, 0 anonymous users