Jump to content


Photo

Sarah nagno-nosebleed sa kaka-English, intimidated kina Lea, Apl, at B


  • Please log in to reply
2 replies to this topic

#1 FULGOR

FULGOR

    Double Platinum

  • Member
  • PipPip
  • 700 posts

Posted 12 April 2013 - 09:18 AM

Sarah nagno-nosebleed sa kaka-English, intimidated kina Lea, Apl, at Bamboo; Panliligaw kay KC inamin din Apl.de.Ap, pinakamahal ang TF sa The Voice!

Ni Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) | Updated April 13, 2013

Posted Image

MANILA, Philippines - Si Sarah Geronimo lang ang nagta-Tagalog sa apat na coach ng The Voice of the Philippines. Syempre slang at inglesero ang mga kasama niyang sina – Apl.de.Ap, Lea Salonga and Bamboo.

Kaya naman dinadaan na lang ni Sarah sa tawa at biro. Pero aminado siyang intimidated talaga siya sa mga bigatin niyang kasama sa talent show na mag-uumpisa na sa Hunyo.

“Hindi n’yo po alam kung gaano kalakas ang kabog ng dibdib ko. Dinadaan ko lang sa pa-Ingles-Ingles na barok,” natatawa niyang sabi kahapon sa presscon nilang apat. Biro pa niya nagno-nose bleed siya sa tatlong kasama. “Magta-Tagalog po ako rito.

Si Apl.de.Ap at si Lea, talagang hindi na masyadong ini-expect na magta-Tagalog, pero slang din pala si Bamboo na ang sabi’y lumaki sa Amerika.

Going back to Sarah, nakaka-relate si Sarah sa The Voice dahil aminado naman siyang dumaan siya sa maraming auditions bago siya nagkaroon ng pagkakataon na manalo sa isang contest.

Nabanggit din niyang willing siyang sundan pa ang pelikulang It Takes A Man And A Woman, ang movie nila ni John Lloyd Cruz na balitang nakaka-300 million na. “Gusto ko pong ulitin ang sinabi ni John Lloyd na kung makakapag-come up kami ng better script doon, why not? Kasi maganda po namin siyang natapos. Ang ganda po ng istorya ni Laida at Miggy, sinuportahan sila. Basta naniniwala ako na magagawa namin kung may maganda pang material,” paliwanag ng Pop Princess.

Anyway, magsisimula ang kumpetisyon sa The Voice of The Philippines sa isa-isang pag-awit ng mga lalahok sa blind auditions kung saan pipili ang coaches kung sino sa mga sasalang ang nais nilang mapabilang sa kanilang team para i-mentor.

Sa oras na sila ay makapagpasya ay pipindutin nila ang kanilang button na siyang uudyok sa kanilang swiveling coaches’ chair para umikot paharap sa entablado at para na rin masilayan na nila ang mukha sa likod ng ginintuang boses na kanilang napili. Kapag mahigit dalawang coach ang pumili sa isang artist, kinakailangan nilang magdebate at kumbinsihin ang artist na sila ang piliing coach nito.

Matapos mapili ang mga miyembro ng kani-kanilang koponan ay magsisimula na ang mga coach sa pag-mentor at pagsasanay sa kanilang mga artist at pagbabanggain ang dalawa sa mga ito sa ikawalang round na tinatawag na “battle rounds.” Dito ay magpapatalbugan ang mga artist sa battle stage at ibibigay ang lahat para mapabilib ang kanilang coach na siyang gagawa ng malaking desisyon kung sino sa kanila ang papauwiin at sino sa kanila ang uusad sa susunod na round ng kumpetisyon— ang live performance shows.

Sa round na ito papasok ang kapangyarihan ng sambayanan dahil maari na nilang iboto ang kanilang mga paboritong artist at salbahin ito mula sa eliminasyon. Sa grand finals, bawat coach ay may isang manok na lang na ilalaban sa kantahan sa pambato ng kalabang coaches at isa lamang sa apat na grand finalists ang kikilalaning The Voice of the Philippines.

Sasamahan ng The Voice Philippines ang 40 iba pang bansa na gumawa na rin ng sarili nilang bersiyon ng The Voice sa telebisyon kabilang na ang popular na US version na pinangungunahan ng host na si Carson Daly at kinabibila*ngan nina Christina Aguilera, Adam Levine, Cee Lo Green, at Blake Shelton bilang coaches.

Sino ang mapapabilang sa Team Sarah, Team Bamboo, Team Lea, at Team Apl?

Ay may tinanong nga pala kami kung sino sa apat ang may pinakamahal na talent fee?

Walang kakurap-kurap na sagot niya, siyempre si Apl.de.Ap bilang siya ang may international status sa kasalukuyan. Meron din naman siyempre si Lea, pero base sa sagot nang tinanong namin, ang dating member ng Black Eyed Peas na nagpasikat ng maraming* kanta ang may pinakamalaking bayad sa kanilang apat.

At inamin nga pala ng hiphop sensation na nanligaw siya kay KC Concepcion. Pero tumigil daw siya nang malamang karelasyon nito si Piolo Pascual.

“I was serious at the moment, you know. But unfortunately, time didn’t connect well and I got too busy. But, you know, we are still friends.”

Balita pa noong binigyan niya ng necklace ang anak ni Megastar Sharon Cuneta.


http://www.philstar....-lea-apl-bamboo

#2 tata917

tata917

    8X Platinum

  • Member
  • 2,424 posts

Posted 13 April 2013 - 06:05 PM

huwaw,,,,pero ako...walang kakurap-kurap na sagot...no matter what...balikbaliktarin man ang `THE VOICE OF THE PHILIPPINES...iisang team lang talaga ako

walang iba kundi ``TEAM-SARAHG.`` lang talaga ako...go go go princess ko. :52sgThumb: :29sgGoRosa: :13bungi1:

#3 sakurachan

sakurachan

    7X Platinum

  • Member
  • 2,220 posts

Posted 18 April 2013 - 03:28 PM

nauunahan kasi na maconscious sa pagsasalita ng english eh ang ganda naman ng diction and pronunciation niya. di naman kailangan slang. oh well nagagawa naman niya makipagsabayan sa ibang coach nung presscon. proud fan ako. :D

thanks for sharing!




0 user(s) are reading this topic

0 members, 0 guests, 0 anonymous users