Jump to content


ROTC Las Vegas, June 12, 2005


  • You cannot reply to this topic
149 replies to this topic

#13 cicima

    Hall of Famer

  • Member
  • 23,358 posts

Posted 13 June 2005 - 03:19 PM

ROTC Las Vegas - June 12 - Sunday at Henderson Pavillion

Wow, it's my turn to share unforgetable, exciting and crazy happenings during the concert with all of you.

Nasa pavillion kami ng maaga, 4:30PM, dahil we're hoping, maaabutan namin ang
pagdating nila doon at baka they will allow us to take pictures. Mas maaga pala sila, nasa loob na daw at kumakain. We just stayed there caused we want to be the first in line. Pero after a while, nag-umpisa nag magdatingan ang mga tao.
Supposed to be, 6PM ang pag-open ng gates pero 6:15PM na nagpapasok, at 7PM dapat ang start ng show, nag-start ng 7:20PM.

Bigla na lang nagsigawan ang mga tao, yon pala lumabas ang mga champs habang nag-start tumugtog ang band. Kasabay noon, biglang nagtakbuhan ang maraming tao galing sa likod at umupo sa mga bakanteng seats sa bandang gitna.
Malaki ang Henderson Pavillion kaya hindi napuno, pero yong mga $100 seats were all taken, at yong $88 ay halos puno yong center, pero may bakante ang left/right sides. So, doon nagtakbuhan ang mga tao samantalang kami, napatanga at medyo natakot dahil akala namin may gulo. Mabuti hindi napatigil ng pag-perform yong mga champs. Walang nagawa ang guards at ushers maging sa pag-gamit ng video ng mga tao kaya nilabas ko na rin yong akin at nag-umpisang kumuha.

Raymond -- sabi ng grupo sa row namin, guapo daw, maganda ang boses pero medyo badoy ang pagdadamit. Solve na iyon dahil binigyan ko siya ng dollars at sinabi kong palitan yong wardrobe niya. Kinanta yong single niya, then ipinakilala niya si Sheryn ang pinakamakulit daw sa kanila.

Sheryn -- has a very good voice at marunong magpasaya ng audience. This is only my opinion, okay yong patawa ni Sheryn kaya lang masyadong mahaba, hindi para sa show na maraming nagpe-perform. Dahil excited na akong makita yong iba, kung puwede lang magmakaawa sa kanya para tumigil at kumanta na ng makalabas na ang mga susunod. At sabi noon kapwa ko medyo hindi na bata, routine daw ni Pilita Corales yong ginagawa niya and I agree (Sa mga bagets, Pilita is the mother of Jackie Lou Blanco, also a very good and popular singer.)
Hanggang sa pag-introduce niya kay Christian, ang haba ng ad-lib.

Christian -- ang lakas ng sigawan ng mga kabataang bagets na babae. Maganda ang pagka-kakanta ni Ian, very smooth ang pag-abot niya sa mga matataas na notes. Ng bumaba sa audience, napilitang umakyat uli sa stage dahil pinag-kaguluhan at hindi na makaabante. After singing solo, he called Rachelle to sing a
duet, then, inintroduce niya si Rachelle at umexit na.

Rachelle -- baka may nag-advice sa kanya to interact with the audience dahil nakipag-chat muna siya bago kumanta, pero halata ang pagka-shy niya. Rachelle is one of the new young singers who have incredible singing voice.

Frenchie -- ito ang marunong magpatawa ng tamang-tama lang, yong hindi ka aabutan ng pagka-inip. Wow, talagang ang lakas ng tawa ng mga tao ng sabihin niya na hindi daw siya mataba, maliit lang yong iba, skinny daw sila at siya naman ay slim. Then, noong kumanta na, parang walang kahirap-hirap.

Mark -- Siya lang ang naka medyo formal ang outfit sa mga lalake, pag-labas, sigawan ang audience lalo na ang mga girls. Like Ian, bumaba siya pero hindi siya umatras kahit pinag-kaguluhan ng husto. Ang lakas ng loob, bumaba sa one side ng stage, lumakad hanggang sa other side at doon umakyat uli. Ilang staff ang umalalay sa kanya para makausod sa dami ng tumakbong papunta sa kanya.
After 1 song, tinawag na niya si Sarah. Kasama sa intro niya ang pag-sabing beautiful si Sarah, sigawan ang mga tao. They sang "Let the Love Begin," kiniss niya si Sarah bago iniwan.

Sarah -- habang kinakanta niya ang "Lumingon ka lang" bumaba din siya at isa pang malakas ang loob dahil ganoon din kay Mark ang ginawa niya. Kasama ang Daddy niya sa pag-alalay sa kanya dahil talagang sobrang dami ng tao ang sumugod. Dahil sa gulo siguro, nagkandaligaw-ligaw siya at hindi niya mahanap
ang way, dinig ng lahat ang tawa niya habang sinasabing "mali ang napasukan ko."
As usual, habang kumakanta siya, panay palakpak at sigaw ng audience sa lahat ng kinanta niya at sa bawat high notes. And as usual, she was given a standing ovation after her solo act.

Lahat ng kanilang performance together were excellent. Doon sa intro, sigawan bawat pasok ng isa, pero noong si Sarah na nag-ala Michael Jackson, ubod ng lakas ang sigaw at halos bawat step niya ay pinapalak-pakan na may kasamang sigawan ng malakas.

Noong kumant silang magkakasama ng Basketball, Totoy Bibo, etc. etc., isa pang
patok na number. Nagtawanan ang mga tao ng si Frenchie na ang kumanta ng Basketball dahil sinugod yong mga lalake sa lugar nila habang kumakanta siya, nagtakbuhan at nagtago pa sa side si Christian. Si Sheryn naman, dahil sa likot
nabitawan yong microphone niya kaya nag-tawanan sa kanya ang mga kasama niya, napapatalon pa si Rachelle sa katatawa, at nagtawanan din ang mga tao.

Doon sa biritan, hindi masyadong mahaba ang pag-whistle ni Rachelle pero hinabahan niya yong pag-abot niya noon isang high note. As usual, si Sarah uli ang may pinakamagandang acceptance from the audience.

Yong closing song medley nila ay binigyan din na standing ovation pero habang nagpe-perform pa sila, may mga tao ng nag-alisan. Yon pala, nagpunta na sa
picture/signing area para mauna sa line. Buti kami, mabilis din ang paglabas kaya nasa middle kami ng line. Only those who bought CD/souvenir programs were allowed to meet the champions. Bumili kami ng isang package pero lahat kami pumila at more than one CDs ang dala ng bawat isa sa amin. Ang Cds ko lang ay panay Sarah so yong pictures sa souvenir program ang pina-autograph ko sa iba. Ng na kay Sarah na ako, inuna ko yong picture niya sa program. Nagte-thank you na siya ng binaba ko sa harap niya yong mga CDs. Nagulat, akala niya siguro, wala akong CD niya, ng makita na tatlo pa, ang sabi na nakangiti, "Ay, thank you po." Sabi ko, you're so pretty Sarah, bumungisngis ba naman at ang sagot, "Ay, thank you po Tita." Muntik ko na siyang pinagha-halikan dahil Tita ang tinawag niya sa akin at hindi Lola. Paano ko ba naman hindi magugustuhan yong batang yoon.

I hope, hindi kayo nakatulog sa haba ng kwento ko. The video, I will need the help of an expert dahil si Lola Cici hindi alam ang gagawin kung paano ida-download ito. I got to go, ang dami pa ng kailangan kong kwentuhan, yong mother-in-law ko, my sister-in-law who had to work kaya hindi nakasama, etc.
Happy reading. :yay

#14 rhodadc26

  • Jr. Member
  • 24 posts

Posted 13 June 2005 - 03:22 PM

wow nice reviews...of course that's are beloved sarah...san p kayo...hehehe...teka am pretty sure pina dry clean nla outfits nla diba...joke...

#15 reese

    Graphic Artist

  • Graphic Artist
  • 4,115 posts

Posted 13 June 2005 - 04:21 PM

YAY GO KUYA JB! i know u idolize sarah very VERY much and im so happy that u finally got to see her perform live. worth the wait right? hehehehe. i can't wait for your detailed review!! :thumbs:

#16 cicima

    Hall of Famer

  • Member
  • 23,358 posts

Posted 13 June 2005 - 04:38 PM

Can you pls tell me what I need to do to be able to upload ROTC Las Vegas
concert picture. Thanks. :help:

#17 msindependent

    Popster

  • Moderator
  • 12,108 posts

Posted 13 June 2005 - 04:43 PM

:roflmao: hahahaha.....

ATE CICIMA! you are the BOMB! hahahahahha...grabe! sobrang hapi ako sa REVIEW NYO! hahahahahaha..grabe! hehehehehehe........


THANKS JB FOR THE PICS! heheehehhe....AS IN GANDA NG SHOTS MO! can't wait for your REVIEW! heheheehhehe....... :lol:


#18 Hannahbanana149

    Triple Platinum

  • Member
  • PipPipPip
  • 1,194 posts

Posted 13 June 2005 - 04:55 PM

Grabe ang galing ng review mo parang nandoon din ako. hehe. Buti pa kayo pina autograph ng mga gaurds dyan eh d2 sa LA hindi. INIS!!! Di ko tuloy natanong kay Sarah kung nagustuhan nya yung gift. hehe. Thank u po sa review mo. Very nive work! ^ ^

#19 cicima

    Hall of Famer

  • Member
  • 23,358 posts

Posted 13 June 2005 - 05:07 PM

Here are some of the pictures form ROTC Las Vegas--Happy viewing! :wave:

Posted Image

#20 cicima

    Hall of Famer

  • Member
  • 23,358 posts

Posted 13 June 2005 - 05:12 PM

Another Sarah's pic! :thumbs:

Posted Image

#21 cicima

    Hall of Famer

  • Member
  • 23,358 posts

Posted 13 June 2005 - 05:19 PM

More pix

Posted Image

#22 cicima

    Hall of Famer

  • Member
  • 23,358 posts

Posted 13 June 2005 - 05:25 PM

and more.....I don't know how to upload more than 1 pix :lolz:

Posted Image

#23 cicima

    Hall of Famer

  • Member
  • 23,358 posts

Posted 13 June 2005 - 05:30 PM

here's another pix

Posted Image

#24 cicima

    Hall of Famer

  • Member
  • 23,358 posts

Posted 13 June 2005 - 05:36 PM

One more.....

Posted Image





1 user(s) are reading this topic

0 members, 1 guests, 0 anonymous users