Mark, na-tense sa suot ni Rufa Mae
--------------------------------------------------------------------------------
Kay Mark Bautista naman nali-link si Rufa Mae Quinto matapos siyang maging malapit sa bokalista ng South Border na si Duncan Ramos.
Sumasaya si Rufa Mae kapag nababanggit ang pangalan ni Mark.
"Natutuwa ako kay Mark. Di ba, nag-guest ako sa concert niya sa Aliw Theater?
"Sabi niya sa akin, na-tense siya noong makita niya ‘yung suot ko. Sabi ko nga sa kanya, ‘Ano ka ba? Pan-shopping ko lang ‘to, ‘no!’ Ha! Ha! Ha! Ha!
"Since noong concert, naging close na kami sa isa’t isa," masaya niyang kuwento.
Inamin ni Rufa Mae na nagpapalitan sila ng text messages ni Mark pero wala pang ligawang nangyayari.
"Nagti-text lang siya sa akin, sinasagot ko naman. Masyado namang mabilis kung may ligawan.
"Saka, papahinga muna ako. Kasi siyempre, sunud-sunod naman ‘yung pag-slide ng lovelife ko, di ba?
"After Rudy (Hatfield), eto kay Duncan… Teka, muna, pahinga muna ako sa ganyan.
"Iyung kay Duncan, oo naman, minahal ko ‘yung tao. Special nga siya sa akin, di ba? Friends din kasi namin no’n at saka ‘yung buong grupo ng SB.
"Itong kay Mark, tingnan natin after ng concert ko. Isa siya sa guests ko. Kailangang ma-tense din ako sa kanya pag nakita ko siya.
"Ano? Maghuhubad siya on stage. Sige, okey lang. Tutal, ang title naman ng concert eh Bombshell Unleashed. Ha! Ha! Ha! Ha!" halakhak niya.
Napangiti si Rufa Mae sa isyung interesado ang Fil-Am boxing champ na si Brian Villoria na makita siya. Dumating sa Pilipinas si Brian at ang una raw nitong hinahanap ay siya.
"Nagkakilala na kami niyan sa LA. Hanggang doon lang. After that, wala na. Hindi kami nagpalitan ng cell numbers.
"Kung gusto niya akong makita, madali lang naman ‘yon, eh. Nakikita naman ako lagi sa telebisyon, saka marami akong friends na may alam kung paano ako makokontak.
"Ano ba ‘yan? Singing ang focus ko now. Baka kapag naging kami ni Brian, maging boksingera naman ako!
"Noong kami ni Dingdong, naging politician din ako. Sumasama ako sa mga campaign niya.
"Noong naging kami ni Rudy, nagkainteres ako sa basketball; ‘yung kay Duncan, sa singing naman.
"Pag naging kami ni Brian, makikita ninyo ako sa Las Vegas, nakikipag-boksing para sa bayan! Ha! Ha! Ha! Ha!
"Hoy! Huwag ninyong kalimutan, sa May na ‘yung concert ko sa Aliw Theater!" bilin niya.
***
http://www.abante-to.../showbiz_rp.htm