
Sobrang sikat na talaga ni Sarah Geronimo
BABY TALK Ni salve V. Asis
Ang Pilipino STAR Ngayon 01/31/2006
Sobrang sikat na talaga ni Sarah Geronimo. Kahit saan siya magpunta ang reaction ng tao especially ng mga bata, grabe.
Nang magpunta kami sa Cebu for the launching ng Little Big Star, hindi talaga mapigilan ang tili ng mga bata. And take note, alam na alam nila ang kanta ng popstar.
At ang usual na isinisigaw nila, "Sana maging katulad mo ako Ate Sarah."
‘Yung isa ngang contestant na nakasali sa circle of 30 finalists sa LBS Cebu, si Robert, nakatingin lang kay Sarah the whole time na kumakanta.
Pero kahit na sobrang sikat na niya, humble pa rin si Sarah. No’ng nasa Cebu nga, simple lang siya. Kahit nakakailang take habang nagti-taping, wala siyang reklamo.
Tapos na kasi sana ang first part ng taping dahil nakakanta na siya, na-interview na ang mga contestant pero mali pala ang blocking. So kailangang ulitin the whole thing. So kanta na naman siya at ulit na naman ng first part ng programa. Pero wala siyang reklamo, instead patawa-tawa lang. Say nga ni Nini Valera of Inquirer na kasama naming dumayo sa Cebu: "Hindi pa lumalaki ang ulo ng batang ito."
Hindi ‘yun ang first and last na nag-retake sila habang nagti-taping. Pero wala talagang angal ang popstar.
Hindi siya katulad ng isang aktres na pag kailangan ng retake, nagagalit. Bakit daw kailangan siyang i-retake eh maganda naman ang ginawa niya. Eh kaso talagang hindi satisfied si Direk.
Well, Ms. Actress, kung gusto mong magtrabaho pa, gayahin mo si Sarah o kung hindi ka na happy sa work mo, concentrate ka na lang sa lovelife mo.
Kaya nga siguro sinusuwerte si Sarah dahil sa attitude niya sa work.
http://www.philstar....00601317304.htm














