

Angelika dela Cruz, wala nang pera!

Ang Pilipino STAR Ngayon 08/29/2006
May ipinagagawa palang Bar and Grill Restaurant sa Malabon ang aktres na si Angelika dela Cruz pero natigil daw ngayon ang construction sa hindi malamang dahilan ng mga kapitbahay.
Tinext kami ng kapitbahay ng aktres at ang sabi’y "Pakitanong nga po kung bakit natigil ang pagpapagawa ni Angelika ng bar and grill resto niya? Kasi po usap-usapan dito na kaya raw natigil ay dahil wala na siyang pera, totoo po ba? E, di ba sikat siya, marami naman siyang pera?"
Tinext back namin ang nasabing kapitbahay na baka hindi maasikaso dahil maraming trabaho ang aktres o kaya’y may iba itong inuuna.
Naloka lang kami sa sagot sa amin, "Ah, ganun po ba? Kasi po, ang usapan dito sa amin, ‘di raw kumita yung concert ni Lavinia sa Bituing Walang Ningning kaya wala na siyang pera. Natalo na siya ni Dorina."
Susme, ikabit pa ang isyu sa soap drama? E, bakit nga ba nahinto ang pagpapagawa mo, Angelika?
* * *
– REGGEE BONOAN
Philstar - 29Aug06















