the show started around 5pm na ata. the main floor level of the venue was packed, pero yung sa balcony, hindi na napuno. ibig sabihin ba non hindi tinitipid ng mga fans si sarah? kasi willing gumastos eh!
for the 3rd (?) song, kumanta si sarah ng "Lumingon Ka Lang" and headed towards the right side of the stage (facing the audience). dun sa area na yon kami nakaupo. nasa first row kami, at katapat ng seat ko yung landing ng stairs. so when she started heading towards the stairs, sabi ko, pagkakataon ko na to! umiwas pa sya sa mga cables na medyo nakalawit bago sya nakarating sa steps. she headed down, and i was shouting the life out of me. "saraaaaah!!" hahaha! =P
as soon as she stepped on the landing, i felt a sudden rush. CARPE DIEM!!! shempre, mega-sugod ako kay sarah bago pa sya makahakbang palapit sa amin! hahaha! sinalubong ko sya, sabay kiss sa left cheek nya! *LOL* if i remember it right, she leaned forward a little, parang welcoming the kiss pa nga eh. grabeeee!!!! nakakatuwa! anlambot-lambot ng cheeks nya! ambango-bango pa! tapos medyo nakahawak ako sa shoulders ata yon or likod nya, lambot-lambot at medyo powdery sya. siguro dahil sa makeup kaya powdery? ngayon ko lang naisip, nakakahiya kay sarah kasi nanglalamig kamay ko non! ninenerbiyos kasi ako eh! pero naunahan ako ng kakapalan ng mukha ko, kaya ako ang unang sumugod sa kanya.
bago pa nakalapit yung iba, tumabi ako kay sarah para magpa-video or picture. itong mister ko, nagulat ata sa ginawa ko, kasi natameme lang sya sa amin at nataranta sa pagkuha ng pic!! wala tuloy akong kuha! *sayang talagaaaaa!!! ungh!* he finally got the camera on video mode, pero siguro 1 second lang yung shot ko na katabi ko si sarah, kasi umalis na ko kasi merong lola at bata na magpapapicture din. hindi ko naman kasi alam na all those times na nakatutok sa amin ni sarah yung cam, hindi naman pala nagrerecord yung camera! =P dapat ata nagpaka-selfish ako ng onti at tumabi pa ng mas matagal kay sarah para may mas matagal na video naman ako. hehehe! pero oki lang, it's the experience that counts. ;-) grabe talaga!
at hindi man lang ako nakapag-thank you sa kanya sa pagpapa-unlak ng kiss at video clip! ni hindi ko nga nasabi yung matagal ko nang gustong sabihin sa kanya eh, na "ang galing galing mo, i'm a big fan!" *LOL* tagal kong pinagisipan yung sasabihin ko na yon ha, pero nung nakita ko na sya, wala na kong ibang nagawa kundi kumiss at bumungisngis sa tabi nya. hahahah!! anyways, i was so star strucked talaga! nataranta ako, bigla na lang akong tumakbo pabalik sa seat ko!
her performance was astounding. may mga times na nakatunganga lang ako sa kanya, hehe! si mister ang kumuha ng pics, kasi gusto nyang ma-enjoy ko every moment nung concert without worrying about the pics eh. so talagang nakapako lang tingin ko kay sarah everytime she's on stage. she's sooo beautiful! she's a little taller than i am, maybe because of her shoes? we're probably the same height lang. she's such a great performer! i can't think of words to describe her and her talents. mister even commented, "magaling pala syang sumayaw" when she did the Beyonce moves and the Michael Jackson medley. ang galing nya mag-moonwalk ha. gumagaling na lalo syang sumayaw! and she's so pumped up sa mga dance sequence nya. something that's hard to keep up kung mag-isa ka lang nagsasayaw sa stage. anyways, i feel proud as a fan tuwing may nagsasabi ng "ang galing nya!!" hehehe!
she really wowed everyone that night. there were like 3 standing ovations, pero if i remember it right, hindi po full house. meron pa rin mga nakaupo. (mga KJ? hehehe!) it's fascinating na sobrang diverse ng fan base nya dito sa US. merong bata, lola, lolo, yuppies na boys en gerls, mga teeners, mga mid-life crisis sufferers, meron pa ngang sanggol eh (my cousin, na sinama namin kasi walang magbabantay, hehehe!) meron din mga non-pinoy. napansin ko lang na mas tumayo pa sa standing ovation yung ilang puti kesa sa ilang mga pinoy. oh well. kanya-kanya lang yan.
whenever sarah walks over to our area, we keep waving our arms frantically. shempre most of the time, she waves back. hehehe! there were some young ladies behind us na sobrang kukulet, so talagang enjoy kami kasi walang KJ dun sa area namin. sigawan nang sigawan! i had a great time talaga! lalo na nung si mark ang nagpeperform, nagwala na yung mga gurls dun sa area namin! suguran silang lahat! hahaha!
yung tita ko naman, hinarass si mark bautista. sya naman ang unang kumiss dun kay mark. pareho kaming buena mano kina mark at sarah. hahaha! sabi ng tito ko, nagugulat daw sya sa mga unang lumalapit dun sa mga artista, then he realized na kami pala ng tita ko yon. hahaha! =P sulit ang VIP tickets! sakto lang yung seats namin, tapat ng stairs ng stage!
the concert ended after around 2 hours. there was an autograph signing afterwards, pero since gagabihin na kami masyado (have to drive back to NY, then catch a VERY early morning flight to FL), hindi na kami pumila. aabutin siguro kami ng 2 hours don. second to the last pa naman kami! there will be other chances, hopefully. =)
grabe, i'm more into sarah na lalo ngayon! ang galing nya magperform live, wala akong masabi talaga! parang hindi 18 year old yung kumakanta. i haven't seen an artist with so much stage presence, so much passion in her craft, so much power in her voice, and so much humor. tagos sa buto yung pagkanta nya. and her diction is perfect. hindi nya kinakain yung words nya, and i would say nag-improve na yung breathing nya pag kumakanta sya at sumasayaw at the same time. she's also so goofy, sa mga spiels nya. she's not afraid to make fun of herself to solicit a laughter from the audience. hehe!
i was hoping that night would never end. grabe, ang galing galing ni sarah! pati na rin sila mark, kris at jimmy! wala akong itulak-kabigin sa mga performances nya, lahat maganda! =) congrats sarah! you're such a talented young lady, you'll go places pa talaga!
ay, ang haba na pala. audio clips ng spiels to follow po. =)
daming pics, pero di lahat malinaw eh. no time to sort them out, so i just uploaded everything. hehehe! here you go:
TOS Atlantic City Pics
some short video clips sa youtube. got a few more, pero di ko ma-rip from a dvd vr. i'll post them pag naayos namin. here you go ulet:
opening number part1
opening number part2
my "split second" with sarah, hehehe!
ako yung naka-cream na jacket na katabi nya sa simula nung vid. tuwang-tuwa sa galak ang itsura ko dito! hehehe!
some fans with sarah
part of the mj medley
mark with the gurls
Edited by sarah_geronimitis_patient, 22 November 2006 - 07:41 AM.















