Jump to content


mission impossible

Member Since 22 Jul 2006
Offline Last Active Oct 30 2011 12:47 PM
-----

Posts I've Made

In Topic: Sarah pangarap gumawa ng Christian album[

04 June 2011 - 09:15 AM

Me I believe 100 percent now that Sarah is a sister in Christ, after watching that snn interview of her na she is now planning to have an all pure christian songs with all excitement in her face talagang napa WOW! ako.I think last year was the turning point on Sarah's life after she experienced pain and trials sa personal life lalo na sa career, Sarah discovered na there is more deeper meaning in life that no fame, money,people or material things can satisfy.

Its amazing if matuloy yung plan and desire ni Sarah to sing for the Lord this will be the first time na magkakaroon ng isang very prominent and most popular female star in the Phil entertainment industry na magkakaroon ng all christian songs.Its amazing and exciting to know that the Lord God love Sarah and will used her talent and influence to draw people to know God and be close to him through Sarah's voice and music.

King David is a singer and the psalm of David in the bible are songs of David for the Lord if you read his lifestory ma iinspire kayo how God worked in his life and used him to influence people. God is the same yesterday today and tomorrow and He still continue to used and work in peoples life and I can say that God has a purpose in Sarah's life



Si Mr. Gary Valenciano lang ang alam kong Filipino singer na nakapag-release ng CHRISTIAN Album dito sa Pilipinas pati na sa Amerika. Hindi ko alam kung ilan 'yung Christian album niya pero isa rito 'yung Shout4Joy na meron ding separate version na Shout4Joy - Minus One. Meron ding international Christian album si Mr. Gary V. na nirecord sa USA at released din duon. "Out of the Dark" ang title ng Christian album n'ya. Hindi nirelease dito sa Pilipinas 'yung album pero mapalad ako na nakita ko ito duon sa tindahan na pag-aari ni Miss Maricel Laxa-Pangilinan sa SM Megamall sa Lower Ground Floor, harap ng SM/ACE Hardware. Building B yata 'yun, 'yung sa side ng Shangri-La. Iba't-ibang Christian items ang nasa tindahan ni Ms. Maricel, mga books, bible, gospel album in cd and tape, gospel movies in dvd, mga key chain, book marks, etc. Pero karamihan ng itinitinda niya ay books kaya parang Christian bookstore 'yung store ni Ms. Maricel. Duon ako nakabili ng around 5 CD's siguro 'yun. Pinang-regalo ko sila. 1996 o 1997 o 1998 yata nuong time na 'yun at Php450 per cd yata ang price nya nuon. Kaya lang wala na yata ‘yung store ni Ms. Maricel sa SM Megamall. Sa pagkakatanda ko, ‘yung last copy ko ng “Out of the Dark” e ipinadala ko kay Ms. Sarah nuong 2007.

(Kung interested kayo na magkaroon ng copy ng international Christian album ni Mr. Gary V., try ninyong tumawag kay Mr. Jojo Villalva sa 726-4614 (Recording and Publishing Department ng Manila Genesis). Last time na nag-inquire ako sa Manila Genesis several years ago ay mayroon silang “Out of the Dark” na on sale. Php500 pesos yata ang price. Palagay ko patuloy pa rin ang pagbebenta nila ng album hanggang ngayon.)

At kung matutuloy ‘yung Christian album ni Ms. Sarah, siya ‘yung second Filipino artist at first female Filipino artist na mayroon Christian album. Dahil dito sa dream ni Ms. Sarah na magkaroon ng Christian album, napaisip ako na mukhang born-again Christian na nga si Ms. Sarah. Hindi naman ako magtataka kung Christian na nga siya kasi halos pareho sila ni Mr. Gary V. ng values, ng kabaitan, palagi nilang ina-acknowledge ang Diyos sa kanilang mga tagumpay, parehong super magalang, parehong wholesome at walang kissing scene sa mga movie at tv projects, at marami pang iba. Ilang taon na ba si Mr. Gary V.? Going 47 years old na siya sa August 6 pero ni minsan wala akong nalaman o nakita na nagkaroon siya ng kissing scene, sexy scene o bed scene sa kanyang mga movie, tv, music video, poster, concert, or commercial projects. At ang nakakagulat e until now, nandiyan pa rin siya sa show business at patuloy na umiimpluwensiya para sa ikakabuti natin. Hindi siya sumabay sa “agos ng showbiz". Si Ms. Sarah (kasama si Daddy Delfin at Mommy Divine) e ganoon din, hindi rin sumabay sa “agos ng showbiz". Saludong-saludo ako kay Mr. Gary V.. Almost perfect example siya na dapat nating sundan. Sa kababaihan, si Ms. Sarah naman ngayon ang nag-sisilbing role model, pati na rin sa kabataan at mga bata. Oo, nagkamali si Ms. Sarah sa isang lalaking walang backbone, immature, at hindi marunong gumalang sa kanyang mga magulang (puwede ko ngang idugtong na isa rin siyang “duwag” na lalake.) Mabuti na lamang at natauhan si Ms. Sarah sa kanyang pagkakamali. Salamat sa Diyos at hindi siya pinabayaan. Mabuti na lamang at hindi ganoon kabigat ang kanyang pagsuway at hindi siya lumampas sa limitation niya. Kumbaga, in control pa rin siya sa sitwasyon at duon sa lalake, dahil nga siguro sa ayaw niyang madismaya ang parents niya sa kanya. Napanatili pa rin niya ang kanyang purity kahit na sinuway niya ang kanyang mga magulang at binali niya mismo ang kanyang paniniwala sa pagkakaroon ng God’s best man. Salamat din sa kanyang mga magulang dahil sa halip na komprontahin, sitahin, pagalitan o pangaralan nila si Ms. Sarah, mas minabuti nilang idinaan na lamang sa araw-araw na panalangin sa Diyos ang kanilang suliranin sa kanilang anak.

Mga two weeks ago siguro ‘yun, napanood ko sa Wil Time Bigtime sa TV5 ang isang contestant na humahanga kay Ms. Sarah. Batang babae siya,10-14 years old na sumasali rin sa mga singing contest. Tinanong siya ni Willie kung sino ang paborito niyang singer. Si Sarah ang sagot nuong batang babae. Tapos tinanong ni Willie kung ano ang mensahe niya para kay Sarah kung nanoood siya ngayon. Ang sagot ng batang babae ay sana masundan niya ang yapak ni Ms. Sarah, at gaya ni Ms. Sarah, makikinig at susunod din siya sa kanyang mga magulang.

In Topic: Sarah pangarap gumawa ng Christian album[

03 June 2011 - 10:50 AM



Sarah pangarap gumawa ng Christian album
SHOWBIZ NEWS NOW NA! Ni Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon)
Updated June 03, 2011 12:00 AM

Nakatakdang pumunta sa Amerika si Sarah Geronimo para muling mag-aral at pagbutihin pa ang kanyang talento. Isasabay na rin ng Pop Princess ang pagbabakasyon.

“Ayun, tuloy na po. Mag-voice and dance lessons lang po ako at konting bakasyon lang. Five weeks lang, madali lang ’yun,” nakangiting bungad ni Sarah.

Matagal nang plano ni Sarah na mag-enroll sa mga nasabing lessons. Ginagawa niya ito para sa lahat ng kanyang mga tagahanga na nagtitiwala sa kanyang kakayahan.

“Parang I feel na napakaraming opportunities na naibibigay po sa akin at gusto ko na bawat proyekto na ibibigay sa akin especially singing, bibigyan ko talaga ng magandang performance para hindi naman nasasayang ’yung tiwala nila sa akin at saka may naipapakita rin akong bago sa audience,” dagdag pa ng Pop Princess.

Pagkatapos ng short courses sa singing at dancing ay balak ng young singer na gumawa ng isang dance album at isang Christian album.

“Yes! Gustung-gusto ko ’yun. Dream ko talaga na makagawa tayong mga Filipino artists ng isang Christian album, ’yung puro Christian songs, inspirational,” pagtatapos ni Sarah.

LINK: http://www.philstar....ubCategoryId=96



I will support SARAH 101% on this one. Its been my dream for Sarah to record a Christian/Praise & worship album for ages and its already been on Sarah's mind pala.

Madaming local artists, major influence nila ang HILLSONG music like Piolo, Christian,Rachelle, Yeng, KC who like Sarah follows Hillsong and Darlene Zschech on twitter.

Bagay kay Sarah kantahin ang mga songs ni Ms. Darlene, halos pareho sila ng vocal range!

Sana matuloy ito and it will be a dream come true for me to see my favorite Local singer record an album about God.


WITH ALL I AM by HILLSONG



:) Mr. Nowelle, Tataymemen, born-again Christian n po b si Ms. Sarah Geronimo? :|


Dunno how to describe it pero they are CHRISTIAN CATHOLIC, sa Victory Church sila nag-aatend ng mass but at the same time, devoted Catholic din sila?

Ako, naguguluhan kung ano talaga religion nila.



Mr. Nowelle, eto ung sinabi ni Mommy Divine sa YES! magazine March 2011(Sarah- Her First Real Heartbreak, page 52 - Divine: The Devoted Mother): She calls herself a "Catholic Christian," and says the entire family goes to the Victory Christian Fellowship to w.o.r.s.h.i.p. The family has not changed its religion, she says: "Kasi wala namang relihiyon na sinabi ang Diyos, e, di ho ba?... Ang gusto lang e sumunod sa Kanya, ganoon lang."

Kung sa Victory Christian Fellowship sila nag-aattend kapag linggo, hindi sila nag-aattend ng mass kundi nag-aattend to w.o.r.s.h.i.p GOD. At wala na rin akong nababasa na nagsisimba sila sa Catholic Church. Dati, duon sa Catholic Church na malapit sa house nila sa Quezon City sila nagsisimba.

As early as 2007 kasi e na-obserbahan ko na maraming words si Ms. Sarah na maririnig mo lang kadalasan sa isang born-again Christian. Mga halimbawa:

1. "True love waits" na madalas niyang binabanggit sa mga interview niya kapag tinatanong siya tungkol sa pag-ibig. In fact, may regular seminar nga ang isang Christian organization na "True Love Waits" ang title. Open ito sa lahat na nais maintindihan ang kahalagahan ng true love at purity (babae man o lalake). Naka-attend na nga ako nito sa may area ng Batasan, dito sa Quezon City.

Please look for "True Love Waits" sa mga Christian bookstores (Philippine Christian Bookstore; OMF Literature sa Boni, Mandaluyong; Back to the Bible Bookstore sa West Avenue malapit sa SM City North EDSA; etc.) Manual yata ito. Mura lang at may matututunan kayo dito.

2. "God-fearing" ang nais niya na maging kasintahan at makakasama habang buhay.

3. Nag-quoquote siya ng mga galing sa Christian Songs na inawit ng mga kilalang gospel singers n born-again Christians.

4. Ang mga close friends niya ay mga born-again Christian like Erik Santos, Mark Bautista and Christian Bautista.

5. Ms. Sarah attends bible study with Mark Bautista's group.

6. Ms. Sarah and the whole family regularly attends w.o.r.s.h.i.p service at Victory Christian Fellowship.

7. Yuong mga showbiz personalities na binanggit sa "Why the persistent gay rumors about non-womanizing actors?" sa Philippine Star dated October 18, 2009 ay mga kilalang born-again Christians gaya nila Piolo Pascual, Gary Valenciano, Jericho Rosales, Coney Reyes at Kitchie Nadal. And Ms. Sarah's name was also mentioned.

Here is the link:

http://www.philstar....ubCategoryId=86

8. Ms. Sarah waits for God’s best man for her. Ito ay madalas niyang banggiting sa mga interview sa kanya. Ang "waiting for God's best" ay consistent na itinuturo sa mga born-again Christian.

9. May duet si Ms. Sarah with Gary Valenciano na Christian/Gospel song sa ASAP noong 2007. Yuong "Light of a Million Mornings" na kasama sa album ni Ms. Sarah na Sweet Sixteen was sung by Sandi Patty, a Gospel Music Hall of Fame inductee (2004, USA).

10. Yuong interview nga sa kanya sa SNN (June 1, 2011) e dream niyang gumawa ng Christian album na puro Christian songs.

Here is the link:



Link #2:

http://pinoynovo.blo...yon-060111.html

In Topic: Sarah pangarap gumawa ng Christian album[

03 June 2011 - 08:49 AM

Sarah pangarap gumawa ng Christian album
SHOWBIZ NEWS NOW NA! Ni Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon)
Updated June 03, 2011 12:00 AM

Nakatakdang pumunta sa Amerika si Sarah Geronimo para muling mag-aral at pagbutihin pa ang kanyang talento. Isasabay na rin ng Pop Princess ang pagbabakasyon.

“Ayun, tuloy na po. Mag-voice and dance lessons lang po ako at konting bakasyon lang. Five weeks lang, madali lang ’yun,” nakangiting bungad ni Sarah.

Matagal nang plano ni Sarah na mag-enroll sa mga nasabing lessons. Ginagawa niya ito para sa lahat ng kanyang mga tagahanga na nagtitiwala sa kanyang kakayahan.

“Parang I feel na napakaraming opportunities na naibibigay po sa akin at gusto ko na bawat proyekto na ibibigay sa akin especially singing, bibigyan ko talaga ng magandang performance para hindi naman nasasayang ’yung tiwala nila sa akin at saka may naipapakita rin akong bago sa audience,” dagdag pa ng Pop Princess.

Pagkatapos ng short courses sa singing at dancing ay balak ng young singer na gumawa ng isang dance album at isang Christian album.

“Yes! Gustung-gusto ko ’yun. Dream ko talaga na makagawa tayong mga Filipino artists ng isang Christian album, ’yung puro Christian songs, inspirational,” pagtatapos ni Sarah.

LINK: http://www.philstar....ubCategoryId=96



I will support SARAH 101% on this one. Its been my dream for Sarah to record a Christian/Praise & worship album for ages and its already been on Sarah's mind pala.

Madaming local artists, major influence nila ang HILLSONG music like Piolo, Christian,Rachelle, Yeng, KC who like Sarah follows Hillsong and Darlene Zschech on twitter.

Bagay kay Sarah kantahin ang mga songs ni Ms. Darlene, halos pareho sila ng vocal range!

Sana matuloy ito and it will be a dream come true for me to see my favorite Local singer record an album about God.


WITH ALL I AM by HILLSONG



:) Mr. Nowelle, Tataymemen, born-again Christian n po b si Ms. Sarah Geronimo? :|