Jump to content


jayenz

Member Since 21 Aug 2008
Offline Last Active Mar 23 2011 05:32 AM
*****

Topics I've Started

Mark Bautista does not want to rush Sarah Geronimo

11 May 2009 - 11:06 PM

Mark Bautista does not want to rush Sarah Geronimo
Archie de Calma
Tuesday, May 12, 2009
02:36 PM
(www.pep.ph)
Sa recent tour abroad ni Mark Bautista, kasama na naman niya si Sarah Geronimo. Kumbaga, nasolo na naman niya ang babaeng mukha yatang tanging itinatangi ng male singer sa puso niya.

"Yung sa amin ni Sarah, we remain good friends. Yung relationship namin ni Sarah, yung friendly, pero mas kumportable na sa isa't isa. I respect her priorities. Sobra ang priorities niya sa buhay. Nariyan yung career at family niya. Siguro, sa ngayon, mas maganda yung pagiging friends namin. Lalo kaming naging close nitong huling punta namin sa States," paliwanag ni Mark sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Naitanong ng PEP namin kay Mark na posible bang mawala na yung romantic feeling niya kay Sarah kung ganyang masanay na siya sa pagiging kumportable nila sa isa't isa as friends?

"I'm just praying hard na kayanin ko pa ang paghihintay sa kanya," sabi ni Mark. "Binibiro nga niya ako, kung kakayanin ko pa raw kahit 40 years old na ako, hanggang 80 years old? Natakot akong bigla!"

Natatawa na lang si Mark sa sitwasyon niya kay Sarah sa ngayon. Aware naman daw si Sarah na naghihintay lang siya.

"Si Sarah kasi yung tipong ayaw niyang minamadali ang lahat," banggit ni Mark. "Gusto niya yung dahan-dahan. Takot kasi siya, e. Ang parents kasi niya, laging sinasabi, sa panahon ngayon, nakakatakot ang basta makipagrelasyon. Marami kasing kabataang nawawala sa tamang landas. Isa rin yun sa mga factor kung bakit hindi basta nagdya-jump si Sarah on matters like this. Lagi ko lang namang sinasabi kay Sarah, naririto lang naman ako."

SUITORS ARE WELCOME. Pero lumalabas na mayroong ibang napupusuan si Sarah. Hindi man hantad, iba ang dating at kiling na hatid ni Rayver Cruz kay Sarah, kaya hiningi namin ang reaksiyon ni Mark sa bagay na ito.

"Hindi ko naman pwedeng i-keep si Sarah from other people," aniya. "May mga mami-meet siyang bago. Wala akong karapatang pigilan siya. Welcome ang lahat ng gustong makipagkilala kay Sarah. Gusto ko lang na yung mga mami-meet niya ngayon, respetuhin siya. Pati pamilya niya. Yung hindi siya gagaguhin, or magte-take advantage lang sa kanya."

Years na raw ang itinatagal ng kanyang pagiging malapit kay Sarah.

"Parang may na-develop na lang sa aking feelings sa kanya noong almost six years na kami sa business," pagtatapat ni Mark. "Nag-Canada, then Alaska pa kami. Parang doon ko na-realize na seryosohin ko talaga siya. Or, I should say, ang right term diyan, mas na-appreciate ko siya noong minsang mag-tour kami. Na-admire ko siya nang sobra.

"Isa sa qualities na na-appreciate ko kay Sarah, yung kahit paano, nasabi niya sa akin na okay lang na maghintay ako. Pwede naman niyang sabihing huwag na lang pag-usapan, o huwag na lang akong umasa. Pero wala siyang sinasabing ganoon. Time lang talaga ang makapagsasabi kung ano ang pupwedeng mangyari sa amin," pagtatapos ni Mark

http://www.pep.ph/ne...-Sarah-Geronimo

TV5's Juicy chooses Who's Who

26 December 2008 - 07:38 PM

TV5s "Juicy" chooses Whos Who in showbiz (www.pep.ph)
Alex Datu
Friday, December 26, 2008
05:15 AM

Nagkaroon ng taping ang Juicy, a 30-minute showbiz talk show ng TV5 hosted by Alex Gonzaga and IC Mendoza, noong December 18 para sa kanilang New Year episode. Ipapalabas ito sa December 31, Wednesday, 11:30 ng umaga at may replay ito ng 12 ng madaling araw.

This is not a "star-studded" event dahil mga showbiz entertainment writers ang inimbita para iboto ang mga artista na karapat-dapat manalo sa iba't ibang kategorya na ginawa ng nasabing showbiz program.

Ang mga manunulat na naimbita nang gabing 'yon sina (1st batch) Mercy Lejarde, Roldan Castro, Melba Llanera at Fernan de Guzman, (2nd batch) Benjie Felipe, Archie de Calma, Ronnie Carrasco at Janice delos Santos, (3rd batch) Jun Lalin, Rey Pumaloy, Leo Bukas at Richard Pinlac, (4th batch) Tonee Coraza, Joey Sarmento at Alex Datu, (5th batch) Glen Sibonga, Ricky Calderon at Benny Andaya, (6th batch) Joey de Castro, Peter Ledesma at Pete Ampoloquio.

Nagkaroon ng deliberation ang mga manunulat tungkol sa mga artistang kanilang ibinoto at ito'y naganap habang nagro-roll ang kamera. Nagkaroon ng konting pagtatalo sa Batch 3 dahil biglang ipinasok ang Most Nega Actress of the Year na ibinigay kay Marian Rivera kung saan nag-oppose si Rey Pumaloy dahil wala umanong napag-usapan na magkakaroon ng ganung award. Magkaganun man, narito ang list of nominees sa iba't ibang kategorya.


Breakthrough of the Year
1. Cristine Reyes
2. Aljur Abrenica
3. Bugoy Drilon

Comeback of the Year
1. Gabby Concepcion
2. Jennylyn Mercado
3. Mark Anthony Fernandez

Break-up of the Year
1. Jake Cuenca and Roxanne Guinoo
2. Dingdong Dantes and Karylle
3. Jericho Rosales and Heart Evangelista

Favorite Loveteam of the Year
1. Kim Chui and Gerald Anderson
2. Richard Gutierrez and KC Concepcion
3. Dingdong Dantes and Marian Rivera

Juiciest Kiss of the Year
1. Dingdong Dantes and Iza Calzado
2. Polo ravales and Joseph Bitangcol
3. Mocha Girls

Pelikulang Dekalidad
1. Ploning
2. 100
3. Caregiver

Good Newsmaker of the Year
1. Charice sings with Oprah and Celine Dion
2. Dingdong Dantes voted as 3rd sexiest Man of the World
3. Himala ni Nora Aunor wins Best Asian film in history

Favorite Movie of the Year
1. For the First Time
2. A Very Special Love
3. My Bestfreind's Girlfriend

Actor To Watch Out for 2009
1. JC de Vera
2. Robbie Domingo
3. Enchong Dee

Actress To Watch for 2009
1. Rhian Ramos
2. Cristine reyes

Favorite Actress of the Year
1. Sarah Geronimo
2. Marian Rivera
3. KC Concepcion

Favorite Actor of the Year
1. Dingdong Dantes
2. Richard Gutierrez
3. John Lloyd Cruz


Panoorin ang espesyal na episode ng Juicy sa TV5 on December 31, 11:30 ng umaga (may replay ito ng 12 ng madaling araw) para malaman ang mga nanalo sa naturang kategoriya.



Di ko po alam kung saan eto ilalagay or baka may nakapagpost na...pasensya na po...