Jump to content


reenstar19

Member Since 22 Oct 2008
Offline Last Active Sep 05 2010 07:05 PM
*****

Topics I've Started

American Idol Season 9

12 January 2010 - 01:15 PM

this is it na ulit! woot woot! am so exciteedddd! :yahoo:

Mommy D explains why daughter Sarah Geronimo can't have suitor

09 January 2010 - 09:51 AM

Mommy Divine explains why daughter Sarah Geronimo can't have suitors yet
Rose Garcia
Saturday, January 9, 2010
04:36 PM

Posted Image

Last January 7 ay nagdaos ng isang post-Christmas party si Sarah Geronimo at ang kanyang ina na si Mrs. Divine Geronimo para sa entertainment press. Naniniwala sila na malaki ang naitulong ng press sa tagumpay ni Sarah ngayon.

Maituturing na ring isang celebrity si Mommy Divine dahil nakailang TV commercial na ang anak na kasama siya. Matapos magpasalamat sa mga dumalo ay ipinaliwanag niya kung bakit kahit 21 years old na ang anak ay hindi pa rin ito allowed na magpaligaw at magkaroon ng boyfriend.

Aniya, "Salamat po sa mga blessing na ibinigay ng Diyos sa amin, sa mga chances na ibinigay sa amin ng mga tao, and through these people, nakatawid po kami sa panahon na yun. So, dapat lang po na huwag padalos-dalos sa mga bagay-bagay sa magiging hindrance sa pagtupad sa mga pangarap niya.

"Kami po, nagpi-pray na sana, in His time. At saka hindi rin po kasi minsan nakikita sa edad. Minsan tinatanong mo rin po kung kaya na po ba niya emotionally. Kasi po, ang prayer namin, God's will, sana po isa lang. Hindi paiba-iba. Mas maganda, di po ba?

"Hindi ko naman po kinukuwestiyon ang ibang mga bata, pero, kailangan maging maingat ka, di ba?... Kailangang mag-isip hindi yung puro emosyon, kundi babalansahin mo kung 'yan bang gagawin mo, e 'yang lalaki, e masasandalan mo spiritually, emotionally, mentally and financially. Mahalaga po yun sa buhay, di po ba?"

Habang nagsasalita si Mommy Divine, nakangiti naman si Sarah na malapit sa tabi niya.

Sinabi ni Sarah sa hiwalay na interview na siguro raw kapag 25 years old na siya, puwede na siyang mag-entertain ng manliligaw or magka-boyfriend.

"Siguro po makikita mo na siya kung 25, 26, 27, hindi na paiba-iba ang isip. Marunong na siyang magdesisyon. Sa ngayon, talagang definitely, hindi pa," pagtatapos ni Mommy Divine.


------------------------------------------------
ang cute ni mommy D! :lol: talagang may "po" pa. mommy D! :rock:

Sarah Geronimo still doesn't see herself ready for love in 2010

08 January 2010 - 11:10 PM

Sarah Geronimo still doesn't see herself ready for love in 2010
Rose Garcia
Saturday, January 9, 2010
02:29 PM

Posted Image

Nagkaroon ng post-Christmas get-together si Sarah Geronimo with some members of the entertainment press, kabilang na ang PEP or Philippine Entertainment Portal, na ginanap sa clubhouse ng tinitirhan niyang subdivision sa may Mindanao Avenue.

Mapapanood na raw iyong kanyang micro-series ads para sa Sunsilk shampoo.

"Commercial po siya na two minutes lang po per episode. Tapos every Sunday po saka siya nagbi-break ng new episode. Bale every day po yun ipapalabas."

A FILM WITH JUDY ANN. Tuloy na tuloy na rin daw ang pelikula nila ni Judy Ann Santos. Nagkaroon din ito ng ilang mga aberya, kaya "relieved at happy" ang Pop Princess dahil next week na uumpisahan ang shooting nila ng tinaguriang "Face of Soap Opera."

"Pero wala pa pong title [yung pelikula]," sabi ni Sarah. "Yung story naman po, kakabigay lang po kasi ng script kaya babasahin ko pa. Pero ang director po namin, si Direk Wenn Deramas po. It's a drama-comedy po."

Nakapag-brainstorming na siya with Juday at nakikinikinita niyang masaya nilang gagawin ang pelikula.

Sarah will be paired anew with Luis Manzano for her latest project with Star Cinema.

"Excited ako sa magiging chemistry namin since comedy naman. Hindi naman po ito yung loveteam-loveteam na intimate."

SARAH THE ACTRESS FOR 2010. Kung last year nag-concentrate siya sa mga concert tours niya here and abroad, itong 2010, ano naman ang mae-expect sa kanya ng mga tagahanga niya?

"Yung pagiging actress ko! Yes naman! Isa na 'kong actress! Titingnan ko kung actress na nga ba ako this time. Baka tsamba lang yung dati," natatawa niyang biro.

Para kay Sarah, higit pa sa inaasahan niya ang mga nangyari sa kanya sa 2009.

"Ay, sobra! More than enough yun! Kumbaga, yung blessing ni Lord, yun nga po, mula sa concert scene, yung pelikula na naging box-office hits siya. Sobrang ano yun...it's something na unexpected."

Ano pa ba ang gusto niyang ma-achieve?

"Siguro po yung maging hands-on pa ako sa career ko. Yung alam ko every detail na ginagawa kong trabaho, project. Yung may say talaga ako... halimbawa, sa mga shows, sa mga endorsements, yun po...

"In my six years in the business, very blessed talaga ko. Kumbaga, unti-unti po talaga ang progress ng career ko. Saka, yun po... pinag-trabahuhan ko nang mabuti. Mula po sa concert scene, nagsimula po kami sa maliit na venue muna. Hanggang sa lumaki nang lumaki."

FAVORED LEADING LADY. Sa totoo lang, in demand si Sarah bilang leading lady. Ang mga sikat na actors mismo ang naghahangad na makapareha siya.

"Talaga po ba? Totoo po ba 'yan? Sino?" excited niyang tanong. "Siyempre, flattered naman po ako at honored."

Ang sabi nga raw ni Piolo Pascual, kung may limang Sarah lang daw, hihiramin niya muna ang isa para makagawa ng pelikula.

"Wow, naks naman! E, siyempre, ako naman po, matagal ko na rin naman pong pinapangarap na makatrabaho si Mr. Piolo Pascual."

Sino nga ba sa mga actors ngayon ang gusto pa niyang makapareha?

E, yun nga po ang isa sa matagal ko nang inaano, si Papa P. Tapos, si Sam [Milby], why not? At saka, una sa list ko po, siyempre, si Edward, si Robert Pattinson," natatawa niyang sabi.

STILL NO TIME FOR ROMANCE.
Inurirat ng ilang entertainment press ang young actor na si Rayver Cruz, dahil sa mga nali-link daw kay Sarah, si Rayver daw ang pinaka-consistent at persistent sa panliligaw sa kanya.

Binigyan ba siya ng Christmas gift ng binata?

"Ano po, friendship!" natatawa sabi ng dalaga. Pero sa huli ay inamin niyang "pabango... yung gusto ko pong pabango.

"Pero secret po. Baka may endorsement na lumabas na pabango, para safe po," at natawa siya uli.

Matagal nang usapin sa press ang di pa pagkakaroon ni Sarah ni minsan ng romantic involvement. At mukhang sa 2010 ay ganito pa rin ang paninindigan ng aktres, kahit na 21 years old na siya.

"Marami pa po kasing kailangan asikasuhin, e. Marami pa pong factors na kailangang i-consider. Mahirap po, e. Mahirap pong ipaliwanag. Saka na po kapag puwede na."

Alam naman ng marami na nakadepende pa rin sa mommy niya or sa parents niya kung magkakaroon siya ng boyfriend. Sa naturang post-Christmas party, tinanong si Mommy Divine kung ano ang tingin niya sa masugid na si Rayver.

"E, kung magiging ganun nga po siyang talaga, tingnan po natin sa 2020," natatawang sabi ng ina. "Joke lang po naman. Hindi ko rin naman po masasabi yun, di ba?"

DATING. Pero ayon nga kay Sarah, "Alam naman po [ni Rayver] yun na yung friendship po namin na nabuo bago pa magsimula ang pelikula, yun po ang pinapahalagahan namin. Ngayon, nandirito, 2010 na, sana manatili yun. Yun lang naman po."

Imbitahin man siya ni Rayver na mag-date, ang problema pa ni Sarah ay kung paano magkaroon ng panahon.

"Busy po yung schedule. Parang kahit sa pag-aaral nga, nahihirapan akong pagsabayin, so, bahala na."

Kung sakaling magkaroon nga ng tiyempo, "kailangan magpaalam muna siya sa parents ko," ang sabi ni Sarah.

Yun lang kaya ang kulang sa ginagawa ni Rayver, ang magpaalam sa parents niya?

"Hindi ko po alam kung paano sagutin ang tanong n'yo," sabi ni Sarah na tila dinadaan na lang sa tawa ang mga sagot.

BALANCE. But just like any girl, may mga daydreams din si Sarah tungkol sa pagbo-boyfriend.

"E, siyempre naman po, nabi-visualize ko rin po kung paano ba ako bilang isang girlfriend. Paano kaya? Yung ganyan... E, nakikita ko nga po, parang ngayon, hindi pa siya mangyayari. Ang daming priorities pa. Tapos yun nga, yung pag-aaral, nahihirapan din akong pagsabayin bilang home study."

Pero as a girlfriend, nakikita niya ang sarili niyang, "ay naku, sobrang mapagmahal. Siyempre naman, responsible rin na girlfriend at anak. Alam mo rin yung limitation mo. Alam mo yung boundaries at saka siyempre, kailangan mong maibalanse yung work, yung family, yung lovelife.

"'Yan po ang tingin ko, hindi pa po ako ready na i-handle at this point in my life."

Ang sabi ng mommy niya, kung magkaka-boyfriend siya, yun na rin sana ang makakatuluyan niya.

"Ako rin naman po, yun din po ang gusto ko. Ayoko rin po ng palipat-lipat ng boyfriend."

Alam daw ni Rayver na hindi pa talaga siya allowed na magpaligaw at lalo na magka-boyfriend.

"Ay, alam niya po kung gaano ako pinoprotektahan ng parents ko. Alam niya po kung ano ang mga priorities ko... Basta kami, happy po kami na kami ay magkaibigan. Na kami ay nag-uusap.

"Yung nalalabasan ko ng sama ng loob ko. In a way, parang best friend ko na rin siya rito sa business na ito."

ROLE MODEL. Hopefully raw, after 10 years in the business, puwede na siyang magkaroon ng romantic involvement.

"Ilang taon na lang po, four years na lang po!" natatawa niyang sabi.

Paano kung ma-in love siya bago sa tingin nilang takdang panahon, posible kayang itago na lang niya muna ito?

"Mahirap kasi yung itagago mo, di ba? Kasi, paano mo mabibigyan ng assurance ang isang tao na mahal mo kung nagtatago kayo? Paano mo malalaman kung ako lang talaga at siya lang talaga para sa akin kung tago, di ba?"

Natatawa man si Sarah sa mga tanong kung nakakaramdam ba siya ng kakulangan sa buhay, pero inamin rin na "siyempre, may emptiness. Hindi ko naman po ikakaila yun."

Pero aware na aware siya sa pagiging role model niya. "Especially the kids, yung youth, they look up to me na yun nga muna, pag-aaral muna and career..."

Masaya naman daw siya, sabi niya, "Pero siyempre, lahat naman ng tao, may kulang. Personal reasons na 'yan, di ba? Pero the fact na humihinga ka every day, nakikita mo mga mahal mo sa buhay, walang sakit, buhay pa, yun na lang ang tinitingnan ko."

------------------------------------------
goodluck and godbless on your journey miss sarah geronimo!