Jump to content


delay

Member Since 14 Jan 2009
Offline Last Active May 28 2014 05:58 PM
-----

Topics I've Started

Kwela Nobela 2 (The End of the World)

21 May 2014 - 07:03 PM

Kwela Nobela 2
"Ang Hindi Ko Siguradong Pag-ibig"
Chapters 23 and 24

Chapter 23

EXTENDED STORY

May bagong kapitbahay sila, yung mga trabahador ay nilalagay na yung mga gamit papasok sa bahay.

Kasama sa mga usisero na mga kapitbahay ay sila Bob, Peter at Leo na gustong makita kung sino yung bagong lilipat na may-ari sa lugar nila.

"Sino daw yung bagong lipat?" tanong ni Leo.

"Wala pa, hindi pa nagpapakita." sabi ni Peter.

"Akala ko ba nasa honeymoon ka, ang aga naman ng uwe."

"Mapapaaga ka talaga ng uwe kung kasama mo byenan mo sa honeymoon."

Natawa si Bob, "Kasama mo yung byenan mo sa honeymoon? Ang kapal naman ng mukha non."

"Sing kapal ng bloke ng simento." dagdag pa ni Peter, "Tinanong ko nga byenan ko eh, alam nyo po ba yung salitang cockblock? Ang sagot nya, ba't don ba tayo pupunta? Gusto ko sana sa malamig na lugar ... Umuo na lang ako."

"Mas demanding pa sa pupuntahan nyong mag-asawa."

Sa malayo, sumigaw yung byenan, "Pedring! Umuwi ka nga muna, may kailangan ako sayo!"

Pakanta, "Coming mother."

"Dalian mo!" then pumasok na sa bahay yung byenan.

Nakatayo lang si Peter.

Nagtaka si Bob, " ... Di ka ba papasok sa loob? Puntahan mo na byenan mo don."

"Hayaan mo yun, nang makahalata na ayaw ko sa kanya." napangiti si Peter.

"Sumbong kita." sabi ni Leo.

"Sumbong mo, samahan pa kita eh."

Dagdag pa ni Leo, "Sasabihin ko, alam nyo po, ang sabi ni Peter, sa sobrang laki daw ng bunganga nyo, lima dapat dila nyo."

Natawa sila Bob at Peter.

"Ang gusto ko sanang kotse bago ako tumanda, eh yung lumilipad." sabi ni Peter.

Nag-comment si Bob, "Baka naman kailangang may riles yon para umandar."

"Lumilipad nga eh."

"Para nga lumipad, kailangang may riles."

"San mo ilalagay yung riles." natatatawa lang si Peter.

"Ang sa kin lang, kailangang may riles para lumipad."

Nagtaka si Leo, "Lilipad nga eh, ba't may riles pa."

"Yung kotse ni Bob para lumipad, nakakabit sa riles."

Napapangiti lang si Leo.

Merong tumuntong sa nakataob na ref na medyo ermitanyo ang dating.

"Mga kapatid kong taga-rito, ang mabuting salita ng Diyos ay nakarating na sa kin ... Gugunawin na daw nya ang mundo dahil sa pakikialam ng mga taong ayaw makontento sa kung anong pinagkaloob nya para sa ating lahat."

"Ano bang pinagsasabi neto?" nagtaka si Peter.

"Baliw na yata." sabi ng isa pang kapitbahay.

Dagdag pa ng ermitanyo, "Babaguhin ng mga tao ang balanse ng mundo at yon ang magiging hudyat ng simula ng pagkagunaw ... Kaya kung sino ka mang tagapagdala ng pagkawasak! Mas mabuti pang itigil mo na! Itigil mo na hangga't maaga pa! Huwag mo nang hintayin ang pag-iyak ng napakaraming sanggol na mawalan ng mga magulang, mawalan ng magkakalinga para sa kanila, at dito mismo sa lugar natin..."

Pagkatapos ay may dalagang pumigil sa matanda, "Itay tama na po yan ... Halika na po sa loob."

"Pero hindi pa ko tapos magbigay ng babala sa kanila."

"Um." at humingi ng patawad yung babae sa mga tao, "Pasensya na po, pasensya na po sa abala."

Sumigaw ulit yung matanda, "Magbago na kayong lahat! Walang makakapigil ng pagkagunaw kundi kayo lang!"

Tawanan lang yung mga tao sabay umalis na.

"Tara na po itay."

Pumasok na sila sa loob ng kanilang bahay.

"May topak pala yung isang yon eh." sabi nung usisero.

"Uwi na rin ako." paalam ni Leo.

Umalis na ang lahat.

Sa loob ng bahay ni Peter merong kausap yung byenan nya na manghuhula.

Tumabi si Peter sa byenan nya, awkward face lang sya sa ginagawang ritwal ng manghuhula.

Habang nakapikit, ang sabi ng manghuhula, "May nakikita ako, nakikita ko sa bolang kristal nato na malapit na ang pagkagunaw ng mundo."

Nagulat yung byenan, "Naku! Mukhang delikado po yan ... Ano po dapat naming gawin."

"Una sa lahat, kailangang magkaroon kayo neto."

"Ano po yan?"

"Kwintas to na magproprotekta sa inyo kung sakali mang nagugunaw na ang mundo."

"Ay kailangan po namin yan." pag-aatubili ng byenan.

"Singkwenta pesos po bawat isa, ilan po kukunin nyo?"

"Bale, tatlo po kami dito sa bahay ... Tatlo po."

"Mama, wag nga kayong magpapaniwala ... Niloloko lang kayo nyan." pagpigil ni Peter.

Hinampas ng byenan si Peter, "Ikaw nga wag ka ngang maging bastos sa bisita ... Pagpasensyahan nyo na po to, lumaking walang manners tong asawa ng anak ko ... Eto po yung bayad."

"Ikaw iho." tinuro ng manghuhula si Peter, "May nararamdaman akong galit dyan sa puso mo."

"Um, ako? Wala ah."

"Meron ... At para patunayan yan, tumingin ka sa orasang kwintas nato." nag-swing ang manghuhula ng orasan nya, "Sabihin mo, sino ba itong kinasusuklaman mo ... Magsabe ka ng totoo, magsabe ka ng totoo, magsabe ka ng totoo..."

Paulit-ulit na sinabi ng manghuhula yon at nawalan ng ulirat si Peter, dilat lang ang mga mata nya at namalayan na lang nyang nasa ibang lugar na pala sya.

"Nasan na ko." pagtataka nya, "Tao po? May tao po ba dito?"

"Pedring!"

"Neri? Neri ikaw ba yan? Nasan ka?"

"Pedring halika dito, nandito ako."

Tumakbo si Peter sa direksyon na yon.

Sa malayo, nakita nya ang isang batang babae at nilapitan nya to.

"Neri?" nagtaka si Peter.

"Ako nga to Pedring ... Halika umupo ka, tabihan mo ko dito."

Ginawa nga yon ni Peter at nagtanong, "Nasan ba tayo ngayon?"

"Hindi ko pa alam Pedring, pero nandito ka para malaman mo kung anong galit ang bumabalot dyan sa puso mo."

Chapter 24

"Ganun ba ... Pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula."

"O sige tutulungan kita." may kinuha si Neri na mga cardboards, "Sabihin mo agad kung ano ang nasa isip mo kapag nabasa mo na ang salita ... Handa ka na?"

May pinakitang cardboard kay Peter.

Sumagot agad, "Ang nanay mo."

May pinakitang iba.

"Ang nanay mo."

May pinakitang iba ulit.

"Ang nanay mo."

May pinakitang iba pa ulit.

"Sigurado akong ang nanay mo."

"Hmm." nagtaka yung bata, "Alam mo kung anong intrisante sa resultang ito, walang nakasulat sa lahat ng cardboards na pinakita ko sayo ... Alam mo bang ibig sabihin non?"

"'gasp!' May naaalala na ko, nung mga panahong nililigawan kita hanggang sa naging asawa kita."

Iba't ibang pangyayare ni Peter.

- Ipininta ni Peter yung byenan nya at ibinigay to sa kanya ... Ipinukpok lang ng byenan yung canvas kay Peter at lumusot yung ulo ni Peter sa painting ... Nalungkot pagkatapos si Peter.

- Nag-bake ng cake si Peter at ibinigay to sa byenan nya ... Dumakot ng cake byenan nya at ipinahid to sa buong mukha ni Peter sabay hinawakan ng byenan ulo ni Peter at ibinagsak sa cake yung mukha nya ... Nalungkot pagkatapos si Peter.

- Binigyan ng maraming pera ni Peter byenan nya ... Kinuha lahat ng byenan ang pera pagkatapos ay sinampal nang malakas sa mukha si Peter sabay nag-walk out ... Nalungkot pagkatapos si Peter sabay may binatong cream pie sa mukha nya, nalungkot ulit si Peter pagkatapos.

- Naghubad ng tuwalya si Peter sa harap ng byenan nya, hubo't hubad lahat si Peter at walang damit ... Nagtakip ng mata yung byenan nya at nagsisisigaw sabay sinipa sa b a y a g si Peter pagkatapos ay tumakbo ... Lumuha si Peter sa sakit sa pagkakasipa sa kanya.

Balik ulit sa kanila.

"Naalala ko na, naalala ko nang lahat ... Siguro wala akong inisip dati kundi ang tanggapin lang ako ng byenan ko, pero dahil sa kahit na anong gawin ko, laging galit na lang sa kin ang byenan ko, kaya natutunan ko ring magalit na lang sa kanya para maging patas kami."

Nag-agree ang bata, " ... Pedring, kung talagang mahal mo ako, ipangako mong buburahin mo na sa puso mo itong galit na nararamdaman mo ... Alang-alang na lang sa akin, magagawa mo ba yon?"

"I don't know." nag-alangan si Peter, "Medyo naniniwala kasi ako sa kasabihan na, wag mong pilitin ang taong ayaw ... Alam mo bang hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam pangalan ng nanay mo ... Nung minsang tinanong ko sya kung anong pangalan nya, sinigawan lang nya ko ng eat your vegetables! ... At kumain ako ng banana sa paraang hindi dapat gawin ng isang tunay na lalake."

"Pedring, mahal ka ng nanay ko, at tanggap ka rin nya ng buong puso ... Sigurado akong sa oras na masiguro mo to, sya na mismo ang magsasabi ng pangalan nya sayo."

Walang imik lang si Peter.

Ngumiti yung bata pagkatapos ay naging tubig.

Nagulat na lang si Peter at nahulog sya sa gitna ng malalim na tubig at umahon sa itaas na umuulan.

Humingi sya ng saklolo, "Tulong! Tulong nalulunod ako! Tulong! Tulungan nyo ko!"

Balik na ulit sa bahay nila.

Sumisigaw pa rin ng tulong si Peter sa sahig habang lumalangoy na parang nakataob na aso.

"Hoy Pedring!" hinampas ng byenan sya, "Pedring ano bang pinaggagagawa mo! ... Hoy!"

"Tulong ..." nagkamalay na si Peter, "Nasan na ko, nasan na yung manghuhula?"

"Kanina pang umalis, na-wirduhan na sa pinaggagagawa mo."

"Ganun ba." tumabi ulit sa byenan, "Mama, ano po bang pangalan nyo?"

Sumigaw, "Eat your vegetables!"

Naglabas sya ng malaking banana at ibinigay kay Peter sabay walk out.

"Okay." malungkot na nilunok ni Peter yung malaking banana ng isang subuan lang.

Balita sa TV.

"Magandang araw Pilipinas si Tom Benilde po ulit ito ... Sa ibang mga balita, nakakuha ng witness ang source po namin tungkol sa mga nawawalang mga mangingisda nung nakaraang araw lang ... At para sa iba pang mga detalye, ito po ang foreigner correspondent namin na si Britney Smith, na ayaw na ayaw nya talaga sa salitang Tagalog ... Britney, come in."

Sa ibang lokasyon, may blonde na foreigner ang nag-report.

"Yes thanks Tom, hate na hate ko talaga ang salitang Tagalog ... And I am here right now with the one that saw entirely everything, as in all of it, before all the fishermen went missing ... Let us now ask him, or ask, it to be precised."

Nakatutok yung mic sa dagat na background at nagsalita ito.

"Oh my God, nalerkey aketch nang biglang nag-woosh at winash away all the tears ng mga na-chorvang mga papamen ... Hindi ko talaga kineri na magpigil, kasi it happen na lang all of a sudden ... Parang break up lang nila Papa Derek Ramsay at Angelica, na-knowing na lang natin nung tapos na."

---

All Chapters here
http://www.facebook.com/anton.mia.714

- Updates every week -