Jump to content


truthiness17

Member Since 09 Mar 2009
Offline Last Active Oct 11 2010 09:07 AM
-----

Topics I've Started

Direk Wenn on Facebook

05 March 2010 - 12:04 PM

Hello! :)

From tvpolice.blogspot.com. Thursday March 4.

This is the latest shoutout from Direk Wenn on Facebook: "Ang Saya! Kalahati na ako ng Hating Kapatid, 2 days nalang ang Habang May Buhay, Start ng Monday ang Kokey at Ako with my Favorite Toni G.! At magsisismula na rin ang Petrang Kabayo!"
http://tvpolice.blogspot.com/

Sarah Geronimo regrets that she will never see Michael Jackson perform

17 July 2009 - 12:46 PM

Here's some Sarah G. news from abs-cbn.com:

Sarah Geronimo regrets that she will never see Michael Jackson perform
by Bernie Franco | July 18, 2009 12:56 AM
Sarah Geronimo’s dream to perform with Michael Jackson or to see him perform live has vanished with the death of the King of Pop. She confessed at a recent press conference that she got emotional upon learning of the death of the music icon. “Nung bata pa po ako, pangarap ko talaga na makasama siya mag-perform sa stage. ‘Yun talaga ang ultimate dream ko kasi naging influence siya sa akin sa pagkanta, sa aking career,” revealed Sarah.

Michael was supposed to embark on a world tour in July 2009 and Sarah revealed that she was planning to watch one of his concerts. The Pop Princess shared that back in 1996, she had asked her father if they could watch Michael’s Philippine concert, but unfortunately they had failed to catch it. “Iyak ako ng iyak [noon.] Sabi ko talaga pagtanda ko manonood talaga ako ng concert ni Michael Jackson kahit anong mangyari, kahit maubos ang pera pagtanda ko. Tapos heto na nga po, finally magkakaroon na siya ng world tour. Talagang looking forward na po talaga ako,” she said.

She was deeply affected about Michael’s death because her dream is gone. “Masakit po na tanggapin, iyak po ako ng iyak,” she related. ”Pero ganun po talaga. Sabi nga po nila, may dahilan po si Lord kung bakit kinuha na niya ang King of Pop at ginustong makasama siya.”

What she liked most about Michael is the way he interacted with his fans during his concerts.“Parang hindi siya performer lang. Kasi po si Michael Jackson ‘yung connection niya po sa audience, sa bawat tao, iba po talaga. Hindi lang basta nagpe-perform lang onstage for the sake of performing,” she related. “’Di po ba ‘yung iba nagpe-perform ng walang puso? Si Michael ‘yun pa lang pong interaction niya sa audience ‘yung pakikipag-usap niya sa bawat nanonood sa kanya eh iba, kung kaya nako-conquer niya ang venue.”

http://www.abs-cbn.c...on-perform.aspx

Toni Gonzaga, kina-career ang mga concert

15 April 2009 - 02:17 PM

Toni Gonzaga, kina-career ang mga concert
by Arniel Serato | April 15, 2009 8:03 AM |

Pagkabalik ni Toni Gonzaga mula sa Canadian tour nito kasama ang Prince of Pop na si Erik Santos, lumagare naman agad ito sa pagbigay ng kanyang libreng performance sa katatapos lamang na fund raising concert ng Philippine Movie Press Club. Habang nag-aantay ng kanyang set, nagpa-unlak ito ng panayam sa ABS-CBN.com at masaya n iyang ibinalit ang successful show nila sa Canada. “Ang saya saya. Actually kasama ko dun si Erick na kasama ko din diyan mamaya [Zirkoh concert], masaya at successful naman siya kasi di ba ang mga Pinoy lalong lalo na sa ibang bansa sabik talaga sila na makakita ng mga kababayan nila na napapanuod sa TFC malaking bagay sa kanila yun.”

Thankful din ang dalaga na walang naging isyung 'flop' ang kanilang show. “Hindi naman siguro tingin ko naman saka usually ganun naman ata talaga kapag mag-so-show sa ibang bansa, hindi na nawawala yung mga intrigang ganyan. Pero thankful naman kami dahil kahit papaano walang intriga talaga.”

Ibinalita naman nito na magkakaroon siya ng series of shows. “Bar tour actually matagal ngnakaschedule yun dating dati pa yun kaya lang hindi nga napagbigyan nga dahil yung schedule ko sa ABS-CBN medyo tight kasi, hosting, gumawa ng pelikula, nag-soap kaya hindi nagkaron ng chance but since now hindi naman ako tumanggap na or wala pa naman ako pa na regular sa ABS, yung Saturday and Sunday ko lang naman ang meron ako so yun magkakaroon ng panahon ng series of shows.”

Makakasama niya as guest sa naturang bar tour ang kanyang equally talented sister na si Alex Gonzaga. Ano naman kaya ang amsasabi niya na tatahakin na ni Alex ang pagkanta. Pabirong sagot nito, “Parang gusto lang naman niya akong agawan ng trabaho yun lang naman yung napapansin ko dun, hahaha. Tsaka siguro nakikitan nyang yun ang ginagawa ko at natutuwa siya sa ginagawa ko at feeling ko naman siguro na kaya niyang gawin basta ako sinusuportahan ko lang siya sa anuman na gusto niyang gawin.” Dagdag pa nito, happy siya sa naging takbo ng career ng kapatid sa kabilang istasyon at nanunuod din daw siya ng show nito. “Siyempre naman. Nanunuod ako ng Juicy, lagi ko siyang pinapanood. Actually natutuwa ako sa kanya sa Juicy kasi gusto niya talagang gawin yun so I'm proud of that.”

Napapabalita din dati na in-offeran daw siyang mag host sa isang franchise game show sa TV5 pero hindi raw ito nag-materialize. “Actually nasabihan lang ako about that na nako-consider ako, pero hindi ko naman alam kung ano mangyayari dun. Hindi ko kasi alam siyempre yung nag-uusap diyan yung mommy ko [bilang] manager ko and the network and bosses of ABS.” Ayon pa sa kanya, masayang masaya siya sa takbo ng career niya sa ABS-CBN. “Oo naman dahil malaki utang na loob ko sa ABS, siguro kung mapapayagan ako definitely talaga I would want to do it kasi it's an honor for me to host that show, so wala naman problema.” Balita at kumpirmado na ngang napunta ito sa dati niyang kasamahan sa noontime show na si Vic Sotto.

Kamakailan lamang din ay naglabas ang isang magazine ng isyu tungkol sa mga 'most powerful entertainers' at kasama siya sa naturang listahan. Marami rin lang ang nagtaka diumano kung bakit nauna pa siya kay Sarah Geronimo, at nagpaliwanag naman siya sa usaping ito. “Hindi ko po ine-expect na isasama po ako dun actually nabasa ko po yun recently lang. I'm sure mas deserving naman si Sarah talaga and hindi naman ako nakikipag-agawan ng titulo, kahit anung number, kahit wala ok lang pero dahil nilagay nila maraming maraming salamat, malaking utang na loob ko dun sa pagkaka-consider nila sa akin doon pero there are some facts na hindi talaga totoo like yung results nung kinita nung pelikula pero siguro based on the research pero actually marami pong hindi totoo dun sa nakasulat pero I'd also like to take this opportunity to thank Yes! Magazine for giving me a slot in their countdown.”

“Very honored talaga ako na nasama sa listahan and kahit ano pa po ang rank ko diyan basta naisama ako diyan masaya na ako at dun sa may mga reklamo na hindi deserving [ako or anuman] mas deserving yung kanilang mga iniidilo siyempre I respect that kung ako lang po ang masusunod, kayo na po ang masunod, hahaha, kasi hindi naman po ako ang naglalagay doon. Pero nire-respect ko rin po kung ano yung naging opinion ng iba at tsaka nirerespeto ko rin kung ano yung opinion ng magazine. Hayaan na lang po natin hindi ko naman po kakaririn yung posisyon na yun.”

Sabi ng ilang insider ang naging basehan ng acting ni Sarah Geronimo sa A Very Special Love ay ang acting naman niya sa You Are The One dahil ipinapanuod daw ito ng production kay Sarah. Honored at masaya daw siya tungkol dito, “Actually nasabi sa akin ni Sarah yun na pinapanuod sa kanya yung You Are The One and pinanuod nya din yung You Got Me. Hindi lang [naman siguro] pelikula ko yung pinanuod nya lahat siguro mga pelikula na ginawa ni Direk Cathy [Garcia-Molina] pinanuod niya pero nabanggit nga sa akin ni Sarah sa ASAP na pinapanuod sa kanya yung You Are The One, natuwa nga raw siya sa movie.”

Balita din nuong nakaraang taon pa na makakasama niya si Senator Bong Revilla sa comeback movie nito sa Star Cinema ngunit hanggang ngayon wala pa ring linaw kung matutuloy nga ito. “Di na siya matutuloy because he was doing a movie in GMA.”

http://www.abs-cbn.c...ga-concert.aspx