Jump to content


emily

Member Since 02 Nov 2009
Offline Last Active May 05 2011 06:46 AM
-----

Posts I've Made

In Topic: Pantapat kay Sarah

09 February 2010 - 08:38 AM

Toni, kapanta-pantasya ang legs!
abante.com.ph
February 09, 2010



KARAPAT-DAPAT nga kay Toni Gonzaga ang tawag na Multimedia Star. Aba, mula sa pagkanta, pag-arte sa TV at pelikula, pagsasayaw at paghu-host, na­ngibabaw ang talent niya.


Sabi nga, si Toni ang dapat na ipinantatapat kay Sarah Geronimo, na halos tulad niya, ay kayang-kaya ring gawin ang lahat. Tulad ni Sarah, patunay nga ng husay ni Toni ay ang mga awards na ibinibigay sa kanya, tulad ng Best Female Talk Show Host ng Star Award for TV, at Anak TV Seal Roster Award.


Kung may dapat gawin si Toni para lalo siyang umangat, `yun ay ang magkaroon ng solo concert sa malaking venue na tulad ng Araneta coliseum, na gamay na gamay na ni Sarah. Pero sabi ni Toni, paghahandaan niya ang bagay na `yon.

Sa ngayon, kuntento na raw siya sa mga concerts na ginagawa niya. Katunayan, sa Feb. 26 at 27 ay may concert siya, ang ‘Love is… Toni Gonzaga.’


“Sa ngayon, mas okey `yung ganito muna, na parang intimate concert talaga. Excited ako, dahil balik-concert ulit ako. Last year, nag-concentrate ako sa pag­hu-host at acting. Kaya sa concert na ito, todo-handa ta­laga ako. Na-miss ko ang concert na ganito, ‘yung ako talaga ang bida sa stage,” say ni Toni.


Siyempre, muli na namang ipakikita ni Toni ang kanyang asset, ang makikinis na legs. Sabi nga niya, paiksi nang paiksi ang suot niya sa bawat concert na ginagawa niya. At dapat lang naman, dahil legs pa lang ni Toni, pinagpapantasyahan na talaga ng mga boys.


“Baka sa concert ko, tanga na ang suutin ko! Ha! Ha! Ha! Ha!” say ni Toni.


Ang ASAP XV concert series ang producer ng concert ni Toni.


di aQ against kE TOni.,pero ang alam cOh.,si SARAH at ang nag-iisang SARAH GERONIMO naLAng ang nakakapuno ng ARANETA...sbi mo nga po Mr. writer.,gamay na gamay na ni Sarah ang aRAneta..SISIW LAng un ke Bebe eE!..hehehe!..peace..



===

ako, i like toni gonzaga pagdating sa movies at sa hosting, talagang magaling siya dun.. i dont know about the singing, kasi although she sings well, mejo mahina pa ang hatak niya sa crowd.. cguro dapat consistent ang paglalabas niya ng single para di siya nalilimutan ng tao na singer siya.. kasi nastereotype na siya sa hosting e kasi mas dun siya nakikita.. feeling ko lang po.



agree po ako sayo....
i like toni din but kulang pa talaga siya..peace po huh...pero yun po talaga napansin ko

In Topic: Sarah, Kumpirmadong Kay Sen. V.

25 January 2010 - 05:04 AM

Bukod kina Dolphy, Willie at Michael V...SARAH KUMPIRMADONG KAY SEN. VILLAR NA RIN
Bulgar
Liza Endaya
25 January 2010
---------------------

BUKOD sa King of Comedy at kina Willie at Michael V may isa pa raw bata at sikat na aktres ang nakatakdang mag-endorso sa senador. Ayaw pang i-reveal ni Sen. Manny at ng pretty daughter niyang si Camille kung sino. Si SARAH GERONIMO, 'di ba? chika naman sa amin ni Willie.

'Yun na! Bongga!



-------------
If this is true, i'm sure na pinag-isipang mabuti ito ng family ni SARAH at ni Boss Vic. Whoever SARAH endorses, i will vote for him/her coz i know she will never endorses a person na hindi makakatulong sa bayan.



oh noh!!!sana hindi ito totoo..ayoko sana xang mg endorse:(

In Topic: Joy Belmonte favorite si Sarah

19 January 2010 - 05:32 AM

Joy Belmonte favorite si Sarah (Excerpts from Nora Calderon's "Showbiz Update" column, Pang Masa, Jan. 19, 2010):

....Sa sabi sa kanyang kahawig niya ang Box-Office Queen na si Sarah Geronimo, natawa siya, at among the young stars ngayon, si Sarah talaga ang favorite niya dahil sa wholesome character nito at isang good role model sa mga kabataan.

Ii-endorse ba siya ni Sarah? Sana, sabi ni Joy, at ipagpapasalamat niya iyon.


medyo magkahawig cla ng eyes..hehehe
ganda din ng smile n joy

In Topic: Sikat na aktor, sobrang lasing sa bar

18 January 2010 - 07:45 AM

ASHLLOYD pa rin ako..he he kahit anong paninira nila kay JLC



AKO DIN ASHLLOYD PA RIN KAHIT ILANG ISSUES PA YAN!!!
MABUHAY ANG ASHLLOYD!!!!

In Topic: Sikat na aktor, sobrang lasing sa bar

18 January 2010 - 07:38 AM

a] http://www.abante-to...nment_allan.htm
Sikat na aktor, sobrang lasing sa bar
Allan Diones
GUMAWA ng eksena ang isang sikat na young actor nu’ng isang gabi sa isang kilalang bar sa Makati.
Ayon sa mga nakasaksi, hindi makatayo sa sobrang kalasingan ang young actor. Marahil dahil sa grabeng pagkalango ay hindi niya alam na kinuha na niya ang mesa at couch ng ibang nasa bar.
Hindi magising si young actor, kaya ang ending ay binuhat siya ng bouncers palabas ng nasabing lugar.
Hindi malinaw kung bakit nagpakangenge ang sikat na young actor, pero posibleng depressed ito dahil break na sila ng balitang karelasyon niyang magandang aktres.
Nakarating sa magandang aktres ang nakakahiyang eksenang ‘yon ng young actor at hindi nito maiwasang mainis at mai­rita sa nari­nig.
Ang aktres ang nahihiya para sa young actor dahil ang young actor din ang sumi­sira sa sa­rili nito.
Nanghihinayang si magandang aktres dahil parang hindi pinahaha­lagahan ni young actor ang lahat ng blessing na natatanggap nito pati na ang mga taong nagmamahal at nagmamalasakit dito.
Nu’ng gabing mala­sing ang young actor ay mukhang tinawag-tawagan pa niya sa telepono ang magandang aktres kaya lalo itong nabuwisit.
Tila hindi ‘yon ang first time na nagkalat nang gano’n ang young actor kaya napuno na ang magandang aktres at malamang isa ‘yon sa mga dahilan ng breakup nila.
Hindi ito ang unang pagkakataon na nasangkot ang pangalan ng sikat na young actor sa isyu ng paglalasing. Napabalita na rin noon na nalulong siya sa alak at muntik nang mapabayaan ang sarili.
May karelasyon noon na isang young actress ang young actor nang kumalat ang isyung labis siyang nahuhumaling sa pag-inom ng alak.
Boto sana ang pamilya ng young actress sa young actor dahil mabait ito at magalang, isa lang ang ikinaa­yaw nila sa binata -- ang kanyang pagiging alcoholic.
In fairness kay young actor, matapos ang nakakahiyang eksena niya sa bar nu’ng isang gabi ay nagawa niya pang sumipot sa kanyang out of town commitment kinabukasan.
Kahit inabot ng madaling araw ang kanyang ‘wasted moment’ ay nagawa niyang gumising at bumiyahe alang-alang sa trabaho.
Kung hindi mo alam ang pagkakalat ni young actor the night before ay hindi mo ‘yon mahahalata dahil normal na ulit ito kinabukasan at parang walang nangyari.
Isang kaibigan ng young actor ang pinakiusapan namin kung puwede niyang tanungin ang young actor tungkol sa ginawa nitong eksena sa bar, pero nahiya ang nasabing kaibigan na usisain ang young actor tungkol doon.
Ang magandang aktres naman na balitang nakarelasyon ng young actor ay halatang imbiyerna pa rin sa nangyari, pero mas gusto nitong manahimik na lang at huwag nang magpaapekto sa na­sabing insidente.
Isa pa ay ang sikat na young actor lang din ang masisira kung pagpiyesta­han ng publiko ang isyung ito.
Kaya kahit halatang hindi sila okey ay napagkasunduan nilang maging tahimik na lang, para na rin sa ‘peace’ ng isa’t isa.


b] http://www.philstar....ubCategoryId=96

Usap-usapan na madalas siyang makitang umiinom ng alak, and take note, hard drinks daw na si John Lloyd Cruz ang isa sa mga kasama, ayon pa sa source.

Pero in fairness sa aktor, parang fresh si John Lloyd nang mapanood ko sa ASAP kahapon. In fact, parang bagong gising siya. Parang hindi siya nakita noong Friday na hindi makagulapay sa kalasingan sa Fiamma bar sa Makati.Usap-usapan na madalas siyang makitang umiinom ng alak, and take note, hard drinks daw na si John Lloyd Cruz ang isa sa mga kasama, ayon pa sa source.

Goshh ano bang nangyari kay johnloyd at naliligaw ng landas? I am thankful hindi na nadadawit ang name ni Sarah sa mga negative write ups ni loydi, sure ko deep inside naaawa din si Sarah kay loydi but yan ang choice ni loydi so pag dasal na lang natin sya, ang kailangan ni JOHN loyd eh kagaya ni Sarah na good girl yung aakayin sya sa mabuti, kaya siguro mukhang fresh si loydi nung asap kasi nandun si Sarah, well afer nyang patulan si ruffa eh ayaw ko na sya for Sarah :52sgThumb:




naku kahit ilang issues pa yan...ilabas nyo pa if meron pang natira!!!!
basta kami naniniwala kami kung ano yung totoo..at about sa tweet ni ruffa talagang wala c Jl sa eksena...
naghanap lang sila ng issues para magkapera...kung wala kasi ang mga issues na ganyan wala silang kikitain..