Jump to content


Steph_06

Member Since 31 Dec 2009
Offline Last Active May 13 2012 05:18 PM
-----

Topics I've Started

Sarah, walang karapatan kay Gerald (14May12)

13 May 2012 - 05:15 PM

Sarah, walang karapatan kay Gerald

(ALLAN DIONES)

May 14, 2012


WISDOM ang birthday wish ni Sarah Geronimo para sa kanyang ika-24 na kaarawan sa Hulyo 25.

‘Yun ang hiling niya dahil gusto na niyang maging independent. Aminado siyang mahirap maging independent lalo na ang ka­tulad niya na nasanay na lahat ng bagay ay ginagawa ng mga magulang niya para sa kanya.

Alam niyang maninibago siya, pero kailangan niya itong matutunan dahil siya rin ang magiging kawawa ‘pag hindi niya natutunan ang bagay na ‘yon.

Nilinaw niya na hindi ibig sabihin na dahil gusto niya ng independence ay iiwan na niya ang pamilya niya at bubukod na siya.

Hindi niya raw kailangang lumayo o humiwalay sa kanyang mga magulang at ka­patid kundi kailangan niya lang mas ma­ging responsable sa lahat ng bagay.

Aminado rin si Sarah na babae lang siya at meron siyang hinahanap na pagmamahal na iba sa pagmamahal ng mga magulang niya sa kanya.

Pero ang ganu’ng bagay ay ayaw niyang madaliin dahil marami pa siyang ibang priorities sa buhay.

“Basta ako po, kung ano ‘yung will ni Lord, ‘yun ang pinagpi-pray ko. Kasi, kung ang puso lang ang susundin natin, aba, eh may boyfriend na ako, ‘di ba?

“Pero mahirap kasing puso kaagad, eh. Kailangan, malaman talaga natin kung ano ‘yung tama para sa atin. Hindi ‘yung gusto lang natin para sa sarili natin,” da­yalog ng Popstar Princess.

Dagdag niya pa, ang ibig niyang sabihin sa independence ay merong mga bagay na gusto niyang subukan on her own.

May mga desisyon na gusto niyang gawin on her own.

Naiintindihan naman daw ‘yon ng kanyang Mommy Divine dahil nakikita nitong may point siya.

Nakita rin daw ng nanay niya na nag-mature na siyang mag-isip at may maturity na siya emotionally.

Aniya pa, wala ring kaugnayan sa pera ang independence na hinihingi niya.

***

Bahagi ng independence na tinutukoy ni Sarah ay ‘yung paghiling niya sa mommy niya na payagan siyang lumabas with her friends, na minsan ay siya lang at hindi niya kasama ang parents niya.

Pumapayag naman daw ito.

Nang hiritan namin siya na kaya pala nakakapag-date na sila ni Gerald Anderson, ang sagot sa amin ni Sarah ay hindi pa sila nagdi-date ng Kapamilya young actor.

Sa tuwing lumalabas sila ay kasama nila ang mga kaibigan niya o kaya ay mga taga-Viva.

Hindi pa kino-consi­der ni Sarah na date ‘yung dinner nila ni Gerald sa Eastwood. Kung out of town daw siguro, baka puwede pa niyang matawag na date.

Nabanggit ni Sarah sa presscon ng birthday concert niyang 24/SG na hindi pa sigurado ‘yung mo­vie nila ni Gerald.

Ang alam niya ay may iba pang commitment si Gege bago ang project movie project nila.

‘Yung balik-tambalan nila ni John Lloyd Cruz sa pelikula ay nakapag-shoot na si Sarah ng 5 days, pero nahinto sila dahil may ibang project na gagawin si Lloydie. Sa Hulyo pa ulit sila magus-shoot para rito.

Hindi ba magseselos si Gege na magtatambal ulit sila sa movie ni JLC?

“Ay, hindi po. Wala namang gano’n. At saka wala naman po kaming karapatan sa isa’t isa (ni Gerald).

“Wala akong karapatan ding magselos kung halimbawang may ma-link sa kanya. Kasi single siya, single din ako. So, bahala na kung ano pong mangyayari sa amin,” pakli ni Sasa.

Naku, single na ulit si Lloydie. Paano ‘yan kung manligaw ito sa kanya?

“Iba po kasi, eh. Kasi, si John Lloyd, ‘yung le­vel po ng pagmamahal ko sa kanya, bilang kaibigan.

Noon, sobrang crush ko talaga siya noon, sobra!

“Pero kumbaga, minahal ko na rin siya bilang kaibigan at iba na ring level ‘yung tingin ko sa kanya ngayon. Ayoko nang magulo ako. Ayoko na ganu’n ako.

“Malalaman po natin ‘yan lahat, pero sa nga­yon po, ayoko na munang isipin.

At saka gusto ko rin pong maging tapat sa nararamdaman ko. Kung sinuman ‘yon, pag-aralan din ang sarili ko,” seryosong sey ng dalaga.

Welcome ba sina John Lloyd at Rayver Cruz sa concert niya sa Araneta Coliseum sa Hulyo 7?

Sagot ni Sarah ay “Everybody is welcome, basta bibili ng tiket!” sabay tawa.

http://www.abante-to...iz_others01.htm