Jump to content


arlenesmm

Member Since 09 Nov 2004
Offline Last Active Jul 31 2013 04:18 AM
-----

Posts I've Made

In Topic: Sarah finds it hard to describe Gerald (23Nov11)

23 November 2011 - 04:35 AM

Thank you for sharing~

In Topic: Napi-pressure! (23Nov11)

23 November 2011 - 04:34 AM

True! Anyway~ i love them both~ break a leg and God bless~
nabasa natin yan popsters~ nood tayo! Hahahaha

In Topic: Gerald: Sarah is very beautiful (23Nov11)

23 November 2011 - 04:31 AM

I'm starting to like Gerald not just an actor but a person too~ anyway~ so if ever na ready si sarah, liligawan nya? Hahahahaha
Thank you for sharing~

In Topic: Sarah Pinagdarasal Pa Rin Ang Magiging BF (23Nov11)

23 November 2011 - 04:28 AM

Philstar.com
Nov. 23, 2011

Sarah Pinagdarasal Pa Rin Ang Magiging BF
by Boy Abunda


Marami ang nakapansin kay Sarah Geronimo na hawak siya nang hawak kay Gerald Anderson sa nakaraang presscon ng kanilang pelikulang Won’t Last A Day Without You. Ginanap ang nasabing presscon sa Dolphy theater ng ABS-CBN noong Linggo.

“Oo nga. Sorry. Siguro ganun po ako kapag kom­portable ako s a isang tao dahil lagi kaming mag­kasama sa set. Nagkakabiruan at nagkakakuwen­tuhan minsan kaya nadadala ako siguro,” pahayag ni Sarah.

Ayon pa sa Pop Princess ay na kay Gerald ang katangian ng isang maipagmamalaking boyfriend.

“Si Gerald napakabuti niya, noong nakilala ko siya sa set, beyond his good looks, nakita ko ’yung pagiging warm at appreciative niya sa mga suppor­ters. Hindi ko akalain na ganun siya kasi ’yung ibang actors hindi naman ganun eh so nakakatuwa,” kuwento pa ni Sarah.

Sa ngayon ay natatakot pa ang dalaga na mu­ling umibig dahil sa kanyang naranasan noon.

“Sabi ko sa sarili ko, next time na mai-in love ako, I will make sure na ipag­lalaban niya ako. Hindi ’yung ako lang, hindi ’yung babae lang ang naglalaban ng relasyon. Kailangang patunayan sa sarili ko na, ay, itong taong ito kayang harapin ’yung mga magulang ko, kaya akong ipaglaban. Mahal pala ako ng taong ito. Kailangang maging maingat, ’yun po ang natutunan ko,” paliwanag pa ni Sarah.

Ipinagdarasal talaga ng dalaga na sana ay dumating din ang tamang lalaki para sa kanya. “Naniniwala naman ako na darating din ’yan sa tamang panahon. Hindi naman ’yun basta-basta lang magkaroon ng boyfriend. Siyempre gusto natin ’yung pang-long term. Ayoko kasi ’yung papalit-palit. Masakit ’yun sa dibdib,” diretsong sabi ni Sarah. Reports from JAMES C. CANTOS

http://www.philstar....ionSubCategoryId=96


Thank you for sharing and yes, I totally agree with sarah~ she learned her lesson and we should too~ dapat laging may basehan hindi yung sunggab lang ng sunggab~

In Topic: Gerald Anderson’s mom on Sarah Geronimo: ‘Sa nakita ko naman okay siya

23 November 2011 - 04:25 AM


Gerald Anderson’s mom on Sarah Geronimo: ‘Sa nakita ko naman okay siya na bata’

11/23/2011 10:52 AM

by: krissa donida


Posted Image

Kamakailan lang sa presscon ng pelikulang Won’t Last A Day Without You na pinagbibidahan nina Gerald Anderson at Sarah Geronimo, inamin ni Gerald na si Sarah ang pinakamalapit na babae sa kanya ngayon. At nang magkaroon ng pagkakataon ang Push.com.ph na ekslusibong makapanayam ang isa pang babaeng pinakamalapit sa kanya, ang kanyang nanay na si Mommy Evangeline, heto ang naging reaksiyon ng ina, “Hindi ko pa kasi napapansin pero natural lang kasi sa pelikula siyempre nagkakasama.”

Nang matanong naman ang ina kung napapansin niya bang inspirado ang anak these days, “Hindi ko masasabing in love… in love naku, bahala siya, nasa kanya yun. He is big enough to decide. Kung ano talaga ang gusto niya sa buhay niya ‘di makikialam ang Nanay niya. ‘Di naman ako ang makakasama nila, sila naman ang magsasamang dalawa. Ayoko lang may masasaktan, ayoko nun.

Hindi naman naitatago ng ina na very close pa rin siya kay Kim Chiu at nang hingan siya ng kanyang opinion kung ang mas lalong lumalalim na closeness nina Gerald at Sarah ay baka mauwi nga sa pag-iibigan tulad din ng nangyari sa dating ka-love team, heto lang ang suportang mensaheng gusto niyang iparating. ” Bata pa siGerald, gusto ko rin naman yun bilang Mama ni Gerald na go ahead son, para alam mo talaga kung sino talaga ang ano, maging kasama mo sa buhay mo kaya just go on kasi bata pa naman siya.”

Approve po ba kayo kay Sarah? “ Sa akin wala akong problema sinasabi ko na nga sa inyo, si Gerald o kung sinuman ang kasama niya ang magsasama so sila lang talaga. Ako bilang Mama niya lang aadvisan ko lang siya.” Pero ang nakakaintrigang dagdag ng ina, “Wala akong magagawa kahit na sabihin ko sa inyong ayaw ko, e si Gerald gusto, Mama niya walang power doon.”

At nung tanungin na kung magiging close siya kay Sarah tulad kay Kim, ang sagot niya ay, “Okay lang din naman yun tatanggapin ko naman lahat e. Kung sila talagang dalawa walang magagawa ang Mommy niGerald, sasangayon ako sa kanila rerespetuhin ko desisyon ni Ge.”

Natanong din kung nagkaroon na ba ng pagkakataong magkakilala sila ni Mommy Divine, ang ina naman ni Sarah, “Yes! Pero hindi pa kami masyadong nagkakausap talaga. Konting tanong lang pero yung husband (ni Mommy Divine) at ang kapatid ni Sarah ang nag-reach-out sa akin. They are okay, wala akong masabi.”

Do you wanna be close with Mommy Divine? “Maybe someday.”

At nang natanong si Mommy Evangeline kung saka-sakaling manligaw ang anak kay Sarah at mahirapan ang anak, heto na lang ang naisagot niya, “Well, yun na!

Won’t Last A Day Without You will open in theaters on November 30.


[/left]

http://www.push.com....y-siya-na-bata/


matagal nag-sama sina Gerald at Kim kaya natural na naging close na ang mommy ni Gerald dito.....tama naman ang
sinabi niya, kahit ayawan pa niya ang magugustuhan ni Gerald, si Gerald pa rin ang masusunod.....basta ang malinaw
sa ngayon, friends sina SarahG at Gerald at wala pang ligawan nangyayari kaya ke magustuhan si SarahG o hindi ng
mommy ni Gerald ay out of the question.


I totally agree po~