Jump to content


arlenesmm

Member Since 09 Nov 2004
Offline Last Active Jul 31 2013 04:18 AM
-----

Topics I've Started

Sarah Geronimo and Gerald Anderson make brief appearance on Eat Bulaga

29 November 2011 - 04:17 AM

Title: Sarah Geronimo and Gerald Anderson make brief appearance on Eat Bulaga!

Date: 29Nov2011

Source: pep.ph

ABS-CBN stars Gerald Anderson and Sarah Geronimo were special guests on the November 29 episode of GMA-7's noontime show, Eat Bulaga.

A few days ago, on November 25, Joey de Leon appeared on the Kapamilya morning show, Kris TV.


Eat Bulaga! mainstays Ruby Rodriguez and Pia Guanio were tasked to introduce the two guests who appeared live on the show this afternoon.


Ruby observed the crowd and said, "Ang mga Dabarkads excited na."


Pia agreed: "Matutuwa kayo mga Dabarkads kasi bibihira bumisita sa atin ang mga bisita natin ngayon. Nasa bagong movie sila kasama si Joey de Leon...from the movie Won't Last a Day Without You."


Gerald then came out wearing a blue checkered polo while Sarah wore matching white top and pants.


The Popstar Princess greeted everyone: "Good afternoon po sa inyong lahat na nanonood ng Eat Bulaga!"


Gerald also addressed the crowd: "Maraming salamat po sa Eat Bulaga! at kay Tito Joey de Leon, thank you."


Sarah said, "Mamayang gabi na po ang premiere night namin...sa SM Megamall Cinema 9."


Her leading man added, "First directing job po ni Raz dela Torre kaya sana po suportahan natin."


Pia asked the two young stars: "Kamusta naman ang experience n'yo working with Joey?


Gerald replied: "Laugh trip."


The singer-actress added: "Ang bait-bait po ni Tito Joey."


Joey went over to the two young stars and welcomed them to the noontime show. He put his arms around Sarah and said, "Ito ang tanging anak ko."


In the movie, the young actress portrays a radio DJ.

Pia then informed Sarah: "Isa sa mga tanyag na DJs sa buong bansa ang iyong daddy [referring to Joey]."


Ruby added, "'Yan ang kanyang work bago siya naging host. Siya ay talagang orig na DJ."


Joey is cast in the film as the father of Sarah's character, DJ Heidee.


Ruby assured Sarah, "You're always welcome here, Sarah and Gerald, anytime."


Pia added in jest, "Kayo na lang pumunta dito, wag na si Joey pumunta dun."


Ruby ended the segment with a suggestion: "Sharing tayo. Next time kakanta naman si Sarah at sasayaw si Gerald."


Aside from Sarah, Gerald and Joey, Won't Last a Day Without You also stars John Lapus, Martin del Rosario, Young JV and Megan Young.



Gerald says Sarah is "ang pinaka-close ko ngayon na babae" (

22 November 2011 - 08:49 AM

Title: Gerald Anderson-Sarah Geronimo love team gets the "blessings" of Kimeralds; Gerald says Sarah is "ang pinaka-close ko ngayon na babae"

Source: pep.ph

Date: 21Nov2011



Sa muling pagtatambal ni Gerald Anderson at ni Sarah Geronimo para sa kanilang follow-up movie na Won't Last A Day Without You, itinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Gerald:
Wala bang oposisyon mula sa mga Kimeralds ang pakikipag-team-up niya sa iba?

Para sa kanyang sagot, nakangiti at mabilis niyang itinuro ang mga fans na naroroon din sa Dolphy Theater noong Sabado ng tanghali, November 19.

Aniya, "Nandiyan nga sila. Sobra pong natutuwa sila.

"Sa shooting namin ni Sarah, dumadalaw sila.

"At saka, sobrang supportive sila."

CLOSER THE SECOND TIME AROUND. Kumpara raw noong ginawa nila ang unang movie na pinagtambalan nila, this time raw ay masasabi ni Gerald na mas naging close sila ni Sarah.

Mas nami-miss din daw niya si Sarah ngayon kapag hindi kasama.

"Sigurado po ako, kapag natapos na itong shoot namin, mami-miss ko si Sarah. More than po noong first movie namin.

"Pero ngayon, mas nakilala ko na po siya, mas nakapag-usap na kami ng matagal, malalim.

"At sana po, mas magkaroon pa ako ng chance na mas makilala pa siya even after the movie," hiling ni Gerald.

Consistent naman si Sarah sa pagsasabi na kung mai-in-love itong muli, mas gusto nito na ang magiging susunod na mamahalin ay ang mapapangasawa na rin.

May pressure raw ba 'yun sa part ni Gerald?

Sabi naman ni Gerald, "Wala naman po. Siyempre, kahit ako naman po, kahit sino naman pong talaga, ganoon naman pong talaga dapat."

Ayon kay Gerald, loveless pa rin daw siya hanggang ngayon.

"Siyempre po, ang tagal ko rin walang girlfriend.

"Nakaka-miss din. Nakaka-miss din yung may ka-text ka."

Pero nang tinanong kung sino raw ang taong hindi niya kayang wala sa buhay niya sa isang buong araw, buong ningning naman nitong sinabi na si Sarah yun.

"Nakilala ko siya, naging close kami.

"Siya 'yung pinaka-close ko ngayon na babae," diin niya.

Anong level na nga ba ang pagkakaibigan nila ni Sarah ngayon?

"Honestly, mas marami po akong alam tungkol sa kanya na, siguro, hindi alam ng ibang tao."

Paliwanag ni Gerald, "Mas nakapag-bonding kami. Pinag-uusapan namin kung ano ang mga plano namin sa future.

"Sobrang close na po kami as compared sa first movie namin.

"Kaya nga po, kung anuman ang maging outcome ng movie namin, napaka-suwerte ko na nakasama si Sarah sa pelikula."

Posible ba siyang ma-in-love kay Sarah?

Ayon naman kay Gerald, "Posible ba akong ma-in-love kay Sarah?

"Bakit naman hindi?

"'Yang si Sarah, napakabait niyan, napakalambing.

"Si Sarah hindi naniniwala kapag sinasabihan siyang napakaganda niya, pero, napakaganda ni Sarah."

Diretsuhan nang tinanong si Gerald, since loveless naman siya at gayundin si Sarah, ano raw ang nakakapagpa-stop dito para ligawan na nga ang leading lady niya.

YOU CAN'T HURRY LOVE. "Unang-una po, hindi pa po ready si Sarah.

"At saka, nasa stage rin po ako na, ang tagal ko rin pong walang girlfriend," esplika niya.

"Pero 'yun nga po, 'wag na lang po nating madaliin.

"Sarah is a very beautiful girl, pero, 'wag na lang po nating madaliin."

BUDOY GETS RAVES. Samantala, marami ang pumupuri kay Gerald, even si Sarah na nakapansin ng napakalaking improvement daw ni Gerald pagdating sa pag-arte mula nang gumanap itong Budoy.

Sabi ni Gerald sa PEP na talagang masaya siya sa mga natatanggap na positive feedback.

Aniya, "Siyempre natutuwa ako bilang isang actor, 'yun ang gusto natin.

"Pero, marami pa akong gustong i-prove."


URL: http://www.pep.ph/ne...on-na-babae/1/2



Popsters in Japan.

18 November 2011 - 06:19 AM

Since I'm residing now outside the Philippines, I was just thinking about the International Popsters or is there any organization related but surely, there is right? I wanna be an active member of the International Popsters particularly here in Japan. So please, kindly contact me: nikki24labsu@i.softbank.jp

Thank you very much!
Yorushiku onegaishimasu~
God Bless us all!

Sarah Geronimo admits having sleepless nights over showing of her seco

17 November 2011 - 04:40 AM

Title: Sarah Geronimo admits having sleepless nights over showing of her second movie with Gerald Anderson

Date: 17Nov2011

Source: pep.ph


"May pressure talaga at hindi talaga maiiwasan po... Pero ayun, hindi na rin maganda. Hindi na rin ako nakakatulog gabi-gabi. So, huwag na lang magpapadala sa pressure. Kumbaga, i-enjoy na lang ang mga shooting days. Hindi naman tayo magbibilang ng gross, e, kundi kung gaano karami ang mga taong mapasaya natin," says Sarah Geronimo about the pressure of surpassing the box-office grosses of No Other Woman and Praybeyt Benjamin.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sarah Geronimo pagkatapos ng kanyang performance sa All For 1 concert ni Martin Nievera at ng Side A noong Linggo, November 13, sa Araneta Coliseum.

Laking tuwa ni Sarah na nakasama niya ulit sa stage ang Concert King at ang Side A.

Ang nasabing concert ang 30th anniversary presentation ng Viva Entertainment, Inc., kung saan isa si Sarah sa itinuturing na prime artists.

Kuwento ni Sarah sa PEP, "Overwhelming 'tong experience na ito.

"Sobra yung kaba ko! Hindi ako makahinga.

"Ito, medyo bumabagal pa ang tibok ng puso ko.

"Pero, I'm very very happy na andito po ako ngayon and I was invited to perform, siyempre I'm a Viva artist."

Nararamdaman ba niya ang special treatment sa kanya ng Viva bilang contract star nila?

Sagot ni Sarah, "A, hindi naman...

"Kumbaga, nung nag-uumpisa ako, ganun pa rin ang suporta nila, lalung-lalo na si Boss Vicó all-out support.

"Hindi lang siya manager, parang tumatayo rin siyang pangalawang ama ko.

"Sarap sa pakiramdam na meron kang manager na mapagkakatiwalaan talaga."

WON'T LAST A DAY WITHOUT YOU. Kasunod naming kinumusta kay Sarah ang ikalawang pelikula nila ni Gerald Anderson, ang Won't Last A Day Without You.

Noong gabing kausap namin siya, hindi pa naanunsiyo na naurong ang playdate ng pelikula nila from November 23 to November 30.

Kuwento ng Pop Princess, "Ayun, malapit na po kaming matapos ng shooting, since malapit na po kaming ipalabas."

Ito marahil ang dahilan kung bakit naurong ang pagpapalabas dahil hindi pa nga sila tapos sa pagsu-shooting, ayon pa rin sa nabitawang pahayag ni Sarah.

Sa social networking sites, marami ang nagpahayag ng kanilang excitement sa pagbabalik-tambalan nina Sarah at Gerald kaya naman marami rin ang nag-aabang sa pagpapalabas nito.

Unang nagkasama ang dalawa sa Catch Me...I'm In Love na ipinalabas noong March 23, 2011.

Ano ang nararamdaman ni Sarah na marami na ring nag-aabang sa kanilang tandem ni Gerald sa big screen?

Tugon ng young singer-actress, "I'm more than glad na excited na nga silang mapanood, at ayun nga, nandito kami para pakiligin at patawanin sila."


URL: http://www.pep.ph/ne...gerald-anderson


International Popsters

14 November 2011 - 07:50 PM

Since I'm residing now outside the Philippines, I was just thinking about the International Popsters or is there any organization related but surely, there is right? I wanna be an active member of the International Popsters particularly here in Japan. So please, do contact me: nikki24labsu@i.softbank.jp

Thank you very much!

And one more thing, I'm not quite sure if this post should be in this section so just let me know if I need to like, transfer this. Thank you! God Bless us all!