Jump to content


FULGOR

Member Since 26 May 2010
Offline Last Active Yesterday, 12:25 PM
-----

Topics I've Started

Sarah wants to settle down abroad (13May12)

12 May 2012 - 08:58 AM

Sarah wants to settle down abroad

Published : Sunday, May 13, 2012



Written by : Chit Ramos


MATIPID pa ring sumagot si Sarah Geronimo sa interviews, kahit 24 anyos na siya. Hindi naman kasi ganu’n kadaling baguhin ang ugaling kinasanayan niya sa loob ng mahigit 5 taon. Pero, kung magtitiyaga may pasulput-sulpot ding bugso ng damdaming posibleng pakawalan niya sa mismong birthday show niya sa July 7 Sabado, dubbed as “24/SG” 8 p.m. sa Big Dome.


Tulad ng may dream date si Sarah na alam niyang kikiligin siya nang husto kung magaganap.



“Hindi naman po ako nagri-reklamo kung naroon man si Mommy (Divine) sa first time naming paglabas. Ang importante, very special ang kasama ko. Magiging masaya po ito dahil alam kong marunong siyang rumespeto sa mga magulang ko at kapatid. Nagpapaka-gentleman po siya at nag-e-effort talaga,” bulong niya sa akin.



“At kung sakali namang kaming dalawa lang talaga ang magdi-date, gusto ko sana sa lugar na malamig at maganda ang tanawin. Tulad ng Tagaytay. Wala po akong pakialam kung magdadala siya ng flowers o chocolate dahil hindi naman po ako mahilig doon. Kahit wala, okey lang, dalhin lang niya ang sarili niya. At importante na wala kaming worries para maging masaya ang date namin. Ayoko na kasing maglihim dahil nagri-resulta sa gulo.”


Saan naman niya gustong mag-settle down kung saka-sakali? Dito o sa ibang bansa?


“Sa ibang bansa,” walang kagatul-gatol niyang sagot. “Yung sa country side baga ang place. Hanggang doon pa lang po ako, wala pang definite.


Hindi pa po buo ang plano.”



Inamin din niya na may lagi siyang kausap sa cellphone. “Hindi naman po araw-araw, tulad ng sabi ni Ken (younger bro ni you-know-who).


Pero, madalas po talaga. Nakakabuti ‘yun para sa amin dahil matutuklasan namin kung gaano kami katiyaga sa isa’t isa. Kasi nga po, kahit beinte kuwatro na ako, hindi pa rin po namin mamadaliin.



Hinay-hinay lang talaga.



“Definitely, nagma-mature na rin po ako. Unti-unti lang. Nagkakaroon na rin ng sariling pag-iisip. Hindi po kasi lahat ng happiness ay nakakabuti. May mali po somewhere kapag naglilihim. Gusto ko po ‘yung magkaroon ako ng wisdom fit for my age.



“Kung panonoorin n’yo ang concert ko, may mga aawitin akong para sa kanya at para sa akin, lalo na sa nararamdaman ko ngayon.”


Tumbukin mo na, ikako, dahil alam na rin naman ng lahat.



“Guwapo siya, di ba?” anyang may kasamang pagkatamis-tamis na ngiti.



Gets n’yo?




http://journal.com.ph/index.php/ente...le-down-abroad

Gerald at John Lloyd pagsasabayin ni Sarah? (13May12)

12 May 2012 - 08:57 AM

Gerald at John Lloyd pagsasabayin ni Sarah?

SHOW-MY Ni Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) Updated May 13, 2012



Malamang na pareho raw mag-apir sa concert ni Sarah Geronimo, SG/24 na gaganapin sa Araneta Coliseum sina Gerald Anderson and John Lloyd Cruz.


Parehong nakasama ni Sarah ang dalawa sa pe*likula pero mas malakas ang kilig ngayon kina Sarah at Gerald bilang balitang magkarelasyon na ang dalawa.


Pero nang huling makausap ng press si Sarah, wala pa siyang kino-confirm na guest sa kanyang dream concert.



Pag nagkataon parehong nasa Big Dome ang dalawa, naku tiyak na kikiligin ang lahat ng mga ma*nonood lalo na nga’t wala na ring sabit si John Lloyd na minsan na ring na-link kay Sarah pero pinag-usapang naging kontra ang nanay ni Sarah dahil inilihim sa kanila ang ginawa nitong panliligaw sa popstar.



May ginagawa sana silang pelikula pero naudlot dahil inuna ni John Lloyd ang The Mistress na balik-tambalan nila ni Bea Alonzo.


Anyway, isa pang balita ng isang malapit kay Sarah na as of last Friday almost three million na raw ang benta ng tickets para sa 24/SG concert. “Ang lakas. Nung first day na lumabas, marami na agad nagbilihan,” say ng baklitang source na taga-Viva.




http://www.philstar.com/Article.aspx...bCategoryId=96

Sarah: 'We're more than friends' (10May12)

09 May 2012 - 09:03 AM

Sarah: 'We're more than friends'

Sa solo presscon kahapon ni Sarah Geronimo para sa kanyang forthcoming birthday concert na 24/SG na nakatakdang ganapin on July 7 sa Smart Araneta Coliseum, favorite topic siyempre ang nali-link sa kanyang si Gerald Anderson bukod sa kakaibang concert na kanyang gagawin.

Kung ano ba talaga ang status ng relasyon nila ni Gerald ang gustong malaman siyempre ng lahat. Pero sey ni Sarah ay hindi pa naman daw sila at noong una ay hindi niya masabi kung ano ang kanilang label.

Sa mga sagot niya ay parang may mutual understanding (MU) na sila pero hindi naman niya diretsang maamin ito.

Later, sa katatanong sa kanya ay nagdeklara na rin si Sarah na more than friends daw sila ni Gerald but less than lovers.

“Basta mahalagang-mahalaga po siya sa akin bilang kaibigan, at sabi ko nga sa kanya, ’yung friendship namin, ’yun ang hindi mawawala. Mas importante ’yun kaysa sa possible na romance po, kung anuman ang pwedeng mangyari sa amin,” she said.

Inamin naman ni Sarah na medyo tine-test pa niya ang young actor at kung hanggang saan at siya rin naman daw on her part ay gusto niya ring malaman ang feelings niya.

Wala pa ba siyang feelings for Gerald?

“Meron, siyempre po. Pero nakakahiya po on my part, siyempre, babae po ako, hindi ko naman po masasabi sa inyo ang lahat ng nararamdaman ko.”

Muli ay sinabi ni Pop Star na kung muli siyang papasok sa isang relasyon ay magiging open na siya.

“Kasi ayoko nga po ’yung nangyari before na nilihim namin kasi may bad effect kasi ’yun nga, hindi alam ng tao so, ayun, hindi po ako magde-deny kung may boyfriend ako,” say niya.

“Saka mas masarap siyempreng magmahal kapag may freedom ka, ’di ba? Mas proud ka sa mundo na ’eto ang mahal mo,” dagdag pa niya.

Nae-enjoy na rin ba niya ang freedom na makapag-usap sila nang solo ni Gerald ’pag pumupunta sa bahay nila?

“Ah, nakakapag-usap naman po kami nang kami lang, sa bahay, ganyan. Okey naman po lahat, kumbaga, okey na po ito, kesa wala, alam n’yo ’yun?”

Okay naman daw sa parents niya dahil ang gusto lang naman daw ng mga ito ay ’yung may respeto sa mga ito at humaharap sa kanila sa bahay.

“Basta ’yung gesture niya (Gerald) po na pumunta sa bahay para harapin ’yung mga magulang ko, ’yun ang importante po, eh.

“Nakakataba po ng puso ang ganu’n pero ayoko rin po na masyadong matuwa. Siyempre po kasi ’pag masyado kang natuwa, masakit ’pag nawala sa ’yo, ’di ba? Dapat iga-guard din po ang puso natin.”

Natanong si Sarah kung ano ba ang pinakagusto niyang ugali ng young actor at nakapagpatibok ng puso niya, aniya, ito raw ay ang pagmamahal ng young actor sa pamilya nito.

“Responsible. Nakita ko talaga ’yung pagmamahal niya sa pamilya niya, sa nanay niya, sa mga kapatid niya,” she said.

Natanong si Sarah kung magge-guest ba si Gerald sa 24/SG o manonood ba ito at sey niya, sana raw, kung may time ang young actor ay mas maganda kung makakapag-guest ito.

Marami raw kakaiba siyang gagawin sa 24/SG at siyempre, pinakaaabangan din ang kanyang mga isusuot na gowns and outfits.

Ayon sa Viva Concerts, sensual at glamorosa raw ang b-day concert na ito ni Sarah na ididirihe ni Paul Basinilo with musical direction by Louie Ignacio.

Sarah is turning 24 kaya nga 24/SG ang title. For details, call 9115555 or Viva Concerts at 687-72-36.


http://journal.com.p...re-than-friends