Erap, bilib na bilib kay Ai Ai
“Siya ang Box-Office Queen!” -- Erap
Ni Jojo Gabinete
Big news noon ang plano ni Erap na muling gumawa ng pelikula. Si Ai Ai delas Alas ang kanyang napipisil na maging kapareha sa kanyang comeback movie pero sa hindi malaman na dahilan, hindi pa nauumpisahan ang shooting ng comeback movie ni Erap.
Nang kumustahin namin ang paggawa niya ng pelikula, kinumpirma ni Erap na matutuloy ang kanyang balak at posibleng mangyari ito sa taong ito at si Ai Ai pa rin ang gusto niya na makapareha.
“Siyempre, si Ai Ai pa rin dahil siya ang Box-Office Queen. Saka ang pelikula niya ang top-grosser sa festival noong isang taon, di ba?” ang nakangiti na pahayag ng dating pangulo.
Si Sarah Geronimo ang pagkakalooban ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation ng 2008 Box-Office Queen title pero base sa statement ni Erap, na updated sa mga box-office result ng mga pelikulang Tagalog, si Ai Ai ang itinuturing niya na Box-Office Queen.
Link here
------------
syempre si Ms A ang makakatrbaho mo eh...
