Still on Rayver and "gamitan" issue

edited 12:52PM in Staff Level II
From Jobert Sucaldito's "Expose" column, Bandera, June 2Still on Rayver and "gamitan" issue (From Jobert Sucaldito's "Expose" column, Bandera, June 29, 2009):

HALOS nasubaybayan natin ang paglaki ng pangalan ng bagets actor na si Rayver Cruz and I must say na talagang napakamaginoo ng batang ito. Punumpuno rin ng talent si Rayver – he can sing, act and dance. Hindi lang siya basta middle of the road as an artist – he excels in all of them. Lalo na sa dancing. Lalaking-lalaki siyang gumalaw.

Hindi man kami madalas magkita ni Rayver, pero lagi lang siya sa puso ko. Malambing ang batang ito, pero hindi OA ang sweetness niya. Marunong din siyang mag-appreciate ng mga maliliit na bagay na nagagawa mo para sa kanya. Minsan nga, na-mention lang namin sa aming column ang kahusayan niya sa pagsayaw ay nag-text agad siya at nagpasalamat. Unlike some stars na purihin mo na to high heavens, pero ni ha, ni ho ay wala kang maririnig. Pero subukan mong pitikin, Diyos ko, para kang nakapatay ng tao.

Ngayon ay kami ang nasasaktan pag may nababasa kaming hindi magagandang balita about Rayver, lalo na ‘yung lumalabas na ginamit lang daw ni Rayver si Sarah Geronimo para sumikat. Excuse me! Hindi pa man sila nali-link ni Sarah ay kilala na si Rayver, ‘no! Si Shaina Magdayao pa lang ang ka-loveteam niya ay sikat na siya. He may not be as big as Sarah pero he is a star in his own right.

Balikan nga natin ang kahapon. Sino ba ang unang nagpahiwatig ng crush-crush na ‘yan – si Sarah ba o si Rayver? Hindi ba't ang nabalita ay si Sarah ang unang nagpahiwatig na crush niya si Rayver? Pumalag ba si Rayver? He never used that situation para pag-usapan siya, pero ang maganda nu’n, naging friends sila. But did Rayver ever use the issue para pag-usapan siya? Hindi. In fact, mas minabuti pa ng bagets na tumahimik na lang muna. Kung may nagtatanong nga sa kanya about it, halos hindi mo makuhanan ng comment ang bata.

Kahit kaninong reporter ninyo itanong, totoo ‘yan. Kaya it's grossly unfair na pagbintangan ng mga tagahanga ni Sarah na ginamit lang ni Rayver ang singer para sumikat. Excuse me ulit! Iharap nila sa amin ang mga fans ni Sarah na nagsasabing manggagamit si Rayver para malaman nila kung ano ang totoo.

Na-offend daw ang fans ni Sarah nang malaman nilang may magandang friendship daw na nabubuo between Rayver and Melissa Ricks. Hurt daw sila nang malaman nilang nanliligaw daw si Rayver kay Melissa pero sumasakay naman daw ito sa publicity sa kanila ni Sarah. Teka lang muna! Nagka-chance ba si Rayver na makapanligaw kay Sarah in the first place? Diyos ko, sa grabeng pagbabantay ng mommy ni Sarah, sa palagay n’yo ba may lalaking makakalusot para ligawan ang anak niya? That's close to impossible, 'no! Hindi porke big star si Sarah at nagpahiwatig na may crush kay Rayver ay dapat magkandarapa na si Rayver para ligawan siya. Paano kung hindi siya type ni Rayver, aber?

Sa pagkakaalam ko, magkaibigan sina Sarah at Rayver. Kahit hindi man ito aminin ni Sarah, for sure ay naghihintay itong ligawan siya ni Rayver. Si Rayver naman, kahit gustuhin man niyang ligawan si Sarah ay talagang hindi uubra dahil guwardiyado nga si Sarah ng kanyang ina. Kaya hindi natin masisisi si Rayver kung ibaling na lang niya ang kanyang atensiyon sa iba.

Anyway, pakiusap lang sa fans ni Sarah, tigilan n’yo na ang drama ninyo against Rayver. It's not worth a penny. Kung talagang gusto ninyong maging syota ni Rayver si Sarah, magdasal kayo nang taimtim na ma-in love si Rayver sa manok ninyo. Hindi sapat ang ilusyon n’yo!
«1345

Comments

  • edited 12:52PM
    ashtin wrote on Jun 29 2009, 02:41 PM:
    Still on Rayver and "gamitan" issue (From Jobert Sucaldito's "Expose" column, Bandera, June 29, 2009):

    HALOS nasubaybayan natin ang paglaki ng pangalan ng bagets actor na si Rayver Cruz and I must say na talagang napakamaginoo ng batang ito. Punumpuno rin ng talent si Rayver – he can sing, act and dance. Hindi lang siya basta middle of the road as an artist – he excels in all of them. Lalo na sa dancing. Lalaking-lalaki siyang gumalaw.

    Hindi man kami madalas magkita ni Rayver, pero lagi lang siya sa puso ko. Malambing ang batang ito, pero hindi OA ang sweetness niya. Marunong din siyang mag-appreciate ng mga maliliit na bagay na nagagawa mo para sa kanya. Minsan nga, na-mention lang namin sa aming column ang kahusayan niya sa pagsayaw ay nag-text agad siya at nagpasalamat. Unlike some stars na purihin mo na to high heavens, pero ni ha, ni ho ay wala kang maririnig. Pero subukan mong pitikin, Diyos ko, para kang nakapatay ng tao.

    Ngayon ay kami ang nasasaktan pag may nababasa kaming hindi magagandang balita about Rayver, lalo na ‘yung lumalabas na ginamit lang daw ni Rayver si Sarah Geronimo para sumikat. Excuse me! Hindi pa man sila nali-link ni Sarah ay kilala na si Rayver, ‘no! Si Shaina Magdayao pa lang ang ka-loveteam niya ay sikat na siya. He may not be as big as Sarah pero he is a star in his own right.

    Balikan nga natin ang kahapon. Sino ba ang unang nagpahiwatig ng crush-crush na ‘yan – si Sarah ba o si Rayver? Hindi ba't ang nabalita ay si Sarah ang unang nagpahiwatig na crush niya si Rayver? Pumalag ba si Rayver? He never used that situation para pag-usapan siya, pero ang maganda nu’n, naging friends sila. But did Rayver ever use the issue para pag-usapan siya? Hindi. In fact, mas minabuti pa ng bagets na tumahimik na lang muna. Kung may nagtatanong nga sa kanya about it, halos hindi mo makuhanan ng comment ang bata.

    Kahit kaninong reporter ninyo itanong, totoo ‘yan. Kaya it's grossly unfair na pagbintangan ng mga tagahanga ni Sarah na ginamit lang ni Rayver ang singer para sumikat. Excuse me ulit! Iharap nila sa amin ang mga fans ni Sarah na nagsasabing manggagamit si Rayver para malaman nila kung ano ang totoo.

    Na-offend daw ang fans ni Sarah nang malaman nilang may magandang friendship daw na nabubuo between Rayver and Melissa Ricks. Hurt daw sila nang malaman nilang nanliligaw daw si Rayver kay Melissa pero sumasakay naman daw ito sa publicity sa kanila ni Sarah. Teka lang muna! Nagka-chance ba si Rayver na makapanligaw kay Sarah in the first place? Diyos ko, sa grabeng pagbabantay ng mommy ni Sarah, sa palagay n’yo ba may lalaking makakalusot para ligawan ang anak niya? That's close to impossible, 'no! Hindi porke big star si Sarah at nagpahiwatig na may crush kay Rayver ay dapat magkandarapa na si Rayver para ligawan siya. Paano kung hindi siya type ni Rayver, aber?

    Sa pagkakaalam ko, magkaibigan sina Sarah at Rayver. Kahit hindi man ito aminin ni Sarah, for sure ay naghihintay itong ligawan siya ni Rayver. Si Rayver naman, kahit gustuhin man niyang ligawan si Sarah ay talagang hindi uubra dahil guwardiyado nga si Sarah ng kanyang ina. Kaya hindi natin masisisi si Rayver kung ibaling na lang niya ang kanyang atensiyon sa iba.

    Anyway, pakiusap lang sa fans ni Sarah, tigilan n’yo na ang drama ninyo against Rayver. It's not worth a penny. Kung talagang gusto ninyong maging syota ni Rayver si Sarah, magdasal kayo nang taimtim na ma-in love si Rayver sa manok ninyo. Hindi sapat ang ilusyon n’yo!

    Grabe naman itong si sucaldito.tsk! saka yung mga fans daw na tinutukoy niya, sana mag-isip kayo bago mag-comment. Pangalan ni sarah ang nakasalalay sa inaasta ng fans niya.
  • edited 12:52PM
    Alam mo Mr. Sucaldito, kung nasasaktan ka para kay Rayver, mas nasasaktan kami para kay Sarah. Why? kasi kung sinasabi mong mali ang pagbintangan si Rayver na ginagamit niya si Sarah para sa career niya, MALING-MALI din na pagbintangan mo na si Sarah ang nagpahiwatig na crush niya si Rayver. Sana i-review mo Mr. Sucaldito, ang "The Buzz" episode na nag-guest si Sarah last year kung saan may pinakita si Boy Abunda na magazine kung saan andun si Rayver. Sarah never said anything na "Uy, crush ko si Rayver!" Bumunigsngis lang siya kasi yung pose ni Rayver ay sexy. Even when she said na "Mommy, 21 na ako!" she never mentioned any name kung sino ang crush niya. Sinoi ba ang pilit ng pilt nung time na yun na si Rayver ang crush ni Sarah? Di ba si Cristy Fermin? Tawa lang ng tawa si Sarah. So, anong "pagpapahiwatig" ni Saran ang sinasabi mo, Mr. Sucaldito?

    And please, isang email lang ng mainit na ulo na fan ang pinagbasehan mo, Mr. Sucaldito. And Sarah has millions of fans. Anong ginawa mo, Mr. Sucaldito? You considered that fan's email as gospel truth and dinamay mo pa ang lahat ng mga fans ni Sarah! Sana huwag mong i-consider ang sarili mong isang journalist, kasi ang totoong journalist, hindi ganyan mag-react. Pinag-basehan mo ang pagra-rant mo sa isang email lang? Tinira mo na agad ang LAHAT ng fans ni Sarah dahil sa ISANG email ng ISANG fan? No way can something like what Mr. Sucaldito did would pass as somenthing that a true journalist would do.

    Dahil sa ISANG email ng ISANG fan na galit kay Rayver e nagwawala na itong si Mr. Sucaldito. Todo defend siya. Samantalang when Sarah was being maligned, called names (which I would say were worse than the word "gamitero") by another loveteams' fans, what did Mr. Sucaldito do? I never heard him defend Sarah. O, kung meron man, baka isang sentence lang. E, yung isyung yun, ka-defend-defend talaga. Fair is fair. Kung journalist ka, Mr. Sucaldito, i-apply mo sa lahat ang pagtatanggol mo sa mga artista. Hindi porke't close ka kay Rayver or dahil you work for Star Cinema, siya lang ang passionately mong ipaglalaban. Sabagay, kung yung pepino "satire" nga di naintindihan ni Mr. Sucaldito, then mahirap na nga siguro makaintindi ang taong ito.
  • edited June 2009
    Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis sa sinulat ni Jobert.

    Is this another case of creating publicity at Sarah's expense? Ganun na kasi pakiramdam ko.

    Anyway, arguing or reasoning with Jobert is a lost cause. Writer yan na publicist pa ng iba. Isusulat niya ang gusto niya, regardless kung may katotohanan o hindi. Wag na lang natin patulan para hindi lumaki. Nagsusulat siya ng ganyan para makakuha ng reaction and mapalaki ang issue.

    Thanks for sharing!
  • edited June 2009
    bleh? sucaldito even your comment is not worth a penny. thank you very much. 6.jpg sheesh siguro may gusto ka kay rayver noh? atsutsu wahehehe para kaseng jellyfish ang nararamdaman ko sa sinulat mo asus naman...walang credibility...basta ba may maisulat lang...saan ka ba planetang galing huh sucaldito? pls review all sarah's interview regarding rayver hindi yung [A REALLY BAD WORD]k ka ng [A REALLY BAD WORD]k dyan wala naman sense ang sinasabi mo...ah ewan nag comment ka na nga sa the buzz sinulat mo pa talaga...for what? 6.jpg
  • edited 12:52PM
    ndi din ako favor sa mga sinulat nya...

    kc nga 1st wla namn akong npnood o nbsa nainamin ni arah n crush nya si rayver..

    2nd.. hindi nya n sana dinamay lhat ng fans...

    maybe may mga ng sasabi nga ng ganun..

    peo hindi naman najoriry ng fans nya gnun ang iniisip..

    ok lng nmn n idefend nya si rayver peo sna nya nmn dinown c sarah ng nun..
  • edited 12:52PM
    At talagang sinulat pa ni PIPINO SUKALDITO ah???

    Tama ka ASHTIN... in fact sa interview na yun... tinanong ulit si SARAH sino ang crush niya??? sagot ni SARAH tita hindi talaga pwede eh... in due time daw...

    lahat sila doon ay nanghuhula lang... si CRISTY FERMIN kung sino sino sinabi hanggang mapunta kay RAYVER at ito namang BOY ABUNDA na pasimuno naglabas ng hubad na katawan ni RAYVER... siyempre matatawa si SARAH...eh nag jump na lahat sila into conclusion na si RAYVER nga kahit wala naman sinasabi si SARAH na siya nga... ang nakakatawa pa nga si RUFFA ang hinala si JOHN LLOYD after almost a year sila pala ang magkaka issue...showbiz nga naman.

    Kaya up to now hindi pa talaga alam kung sino yung SECRET CRUSH ni SARAH... maliban na lang siguro sa ilang taong close sa kanya.

    Eh malay ba natin mamaya si SAM MILBY pala yun.

    REMEMBER SARAH SAID HE'S OLDER THAN HER.


    thanks for sharing.
  • edited 12:52PM
    Ayaw ko na sana mag react but you Mr. Sucaldito is getting into my nerves! Ang kapal naman ng fez mo para ipagiitan na sinabi ni Sarah na crush niya si Rayver.

    Balikan din natin ang nakaraan, it was in "The Buzz" that started this hulabalooo...i dont remember na nag mention si Sarah ng names...but because gusto niyo ang taga "loob" you insinuate that its Rayver becoz nasabi ni Sarah na magaling sumayaw yung crush niya..may pakita pa kayong picture ni Rayver..as if naman, kuing sinabi ni Sarah na hindi si Rayver yun eh di ang lalabas naman offensive siya.

    Mr. Sucaldito, kung gusto mo ipagtanggol si Rayver go ahead...but never ever drag lahat ng fans ni Sarah sa issue na ito..huwag mo lahatin at FYI paano ka nakakasiguro na fan nga ni Sarah ang nag e-mail sa iyo? pede rin naman na hindi siya fan gusto lang niyang magpanggap na fan para sirain ang image ni Sarah..if I have known better talaga naman sumakay kayo sa issue ng crush ni Sarah.

    At hindi namin kailangan magdasal ng taimtim para ma inlove si Rayver kay Sarah...pllleaassseeeee...hindi naman siya ganon ka desperate..

    pasensiya na as in nabubwisit ako kay Jobert...gusto ko kulutin yung hair niya..

    Anyweiz, thanks for sharing!
  • edited 12:52PM
    ayoko basahin yang article!!!

    baka kung ano masabi ko kay jobert!!!!
  • edited June 2009
    actually, hindi si Rayver ang gumagamit sa name ni Sarah kundi yong ibang
    reporters tulad ni Sucaldito na panay ang sabi na crush ni Sarah si Rayver
    samantalang ni minsan, hindi sinabi ni Sarah na si Rayver nga ang crush niya,
    panay ang sabi nina Sarah at Rayver na friends lang sila pero may mga ilan
    reporters na pilit na binibigyan ng kahulugan ang mga sinasabi ng dalawa....so,
    ang mga reporters tulad ni Sucaldito ang nanggagamit sa pangalan ni Sarah para
    mai-angat ang career ni Rayver......at iisang e-mail lang na nagsasabing fan
    siya ni Sarah ang nagsabing nanggagamit si Rayver ay nilahat na ni Sucaldito,
    anong klaseng reporter siya, huwag daw magdrama samantalang siya ang
    nagpalaki at naglagay ng drama sa nakasulat sa isang e-mail na fan daw ni Sarah!
    anong klaseng reporter itong si Sucaldito, walang basehan kung magsalita, ang
    lakas pa ng loob.....sabi ko, huwag ng patulan ang katulad ni Sucaldito pero hindi
    pala pwedeng hindi kumibo sa katulad niya dahil kung ano-ano ang sinasabi na
    mali naman ang basehan at nanglalahat pa.....basahin nga niya uli itong article niya
    at ng makita niya na siya ang nagdadrama para lang basahin ito ng ma-promote
    niya ang career ni Rayver, siya ang manggagamit at nadadamay na lang si Rayver.

    my golly, bakit naman ma-ooffend ang mga fans ni Sarah dahil lang sa special friendship
    nina Rayver at Melissa? baka may isang na-offend at diramahan na ni Sucaldito at nilahat
    ang mga fans ni Sarah para lumaki ang issue at ng mapag-usapan si Rayver.....iilan lang naman
    sa mga fans ni Sarah ang Savers (Sarah/Rayver) kaya walang kaso sa mga iba pang libo-libong
    fans ni Sarah kung sino man ang gustohin ni Rayver, never ko gustong maging syota ni Sarah
    si Rayver, may iba akong kandidato at iyon ang pinagdadasal ko Sucaldito.....tigil ka na,
    nakakatawa kang nakaka-inis......pagkatapos ng sinabi kong ito, hindi ko na pag-aaksayahan
    basahin or pakinggan ang mga sinasabi ni Sucaldito basta tungkol sa issue na ito, hindi naman
    totoo at pinapalaki lang niya.....sana, huwag niyo na rin i-post dito ng tumigil na siya, sinasadya
    niya para mapag-usapan si Rayver.....siya ang nanggagamit para sa career ni Rayver, maliwanag
    iyon!!!.......I believe in bad karma, kung ayaw niyang tumigil, pabayaan na lang natin siya!

    OT--Pls vote for "Dahil Minahal Mo Ako" via online araw-araw/oras-oras (nasa
    siggy ko, ni jhonie, kristian & other Popsters ang link ng Chartcentral)....and
    vote for "Dahil Minahal Mo Ako" thru text para sa MYX at 4LIFESONG and send to 2366!!!
  • edited 12:52PM
    12 User(s) are reading this topic (3 Guests and 0 Anonymous Users)
    9 Members: andie_z, lizamarie, adikseosarah, keroppee, memey, allymacbeal, cicima, belus, ~SiMpLy_AsHeR~

    GOOD PM POPSTERS!
    NKO NMAN TLGA!!. 9.jpg alt=':9sgInakupo:' ]
    WE R SO BETTER THAN THIS JOBERT GUY KYA WAG NLANG NATIN PASININ,ITS A WASTE OF TIME AND ENERGY...SINAGOT NA NI SARAH ANG ISSUE NANG GAMITAN SA SHOW NI JOBERT ND CHRISTY KYA DAPAT END OF STORY NA..... 39.jpg
  • msdimagibamsdimagiba Popster
    edited June 2009
    andie_z wrote on Jun 29 2009, 01:12 PM:
    Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis sa sinulat ni Jobert.

    Is this another case of creating publicity at Sarah's expense? Ganun na kasi pakiramdam ko.

    Thanks for sharing!

    akala ko closed na ang isyu on Sarah-Rayver... tahimik na di ba? bakit bumulaga na naman ang isyung ganito? at nakapagtataka pa kasi sobra ang pagbi-BIG DEAL ni Joebert sa isang email na galing sa isang tao lamang?.. not a very strong case ika-nga... na pwede namang dedmahin ang email, di ba? or i-verify nya muna sa group of popsters na laging nanjan sa studio.. kasi kung 1 million emails na yan, don cguro mataranta ang star magic / abs-cbn, di ba?

    so then, parang "creating publicity at Sarah's expense" nga cguro.

    hayyyy.....
  • edited 12:52PM
    Thanks for sharing, ashtin.

    kaka-HB..pero buti na lang nakakain ako ng pipino kanina...malamig daw sa tiyan yun eh...kaya chillax lang ako na parang nakainom ng 10 tableta ng pangpakalma.....

    We all know not all reporters are responsible, not all the time or never at all....like, ehm..tabloid reporters! In my language, tabloid reporting is synonymous to trash/garbage liners. But then, you encounter select few who try and make an effort on what they write, not just because binayaran, may kinikilingang manok, etc. But I guess, most fall on the cliche...tao lang, kelangan kumayod or mahirap i-separate ang emosyon sa responsible writing. But then, most of these writers learned how to write in school/seminar/training, so dapat mas alam nila ang dapat at hindi dapat. At kung dapat ka bang magsulat kung emosyonal ka. Syempers, exception to the rule, yung pinabili lang ng suka na writers....hahaha! Kaya I am DISAPPOINTED with this writer dahil akala ko he/she can rise above AN EMOTIONAL FAN and not generalize. I guess, based on this article, Jobert has more emotional investment with Rayver and cannot see sense and write responsibly and be fair to Sarah's fans in general. Grabe 1 fan email = buong Popsters! It does not compute, nor who made that 1 fan, representative of me! Nagkabotohan ba nung vacation ako?

    Then, there are the fan/s. We also try to be responsible and be careful on what we post especially here and outside, where we represent or maybe reflect on our idols. Proud nga ako to belong in this group of fans na mataas ang pang-unawa kagaya ng idol nila. I can say mas marami ang responsable sa pagsulat dito at sa labas like PEx dahil nakakapag-lurk naman ako paminsan-minsan sa PEx and I see that a lot are very respectful. But then, tao lang din tayo, minsan mahirap din magpigil ng emosyon on posting. Kaya I see some who really let the cannons loose. But, I also see fellow popsters trying to police and do soft reminders para maitama ang naliligaw ng landas.....which I seldom see sa ibang fans club.

    But then, again, in the light of a write-up such as this, mahirap magtimpi. Maiintindihan ko na marami sa atin na naman ang uusok ang ilong na parang toro.. CHILLAX lang at marami pang ganyan tayong pagdadaanan lalo't mabunga ang ating idol. I noticed marami ngayong ganyan dahil they are trying to cut down ang umaangat at lumalaking mundo ng ating Bebe. Just go to our happy place na lang at mas marami yan dahil laging wagi ang ating Queen. Nag-papa-underdog effect lang cguro para ang sympathy makuha, effective nga naman yun sa mga Pinoy at sa mga nagbabasa na ang resource lang ay tabloids at TV.

    Ayan, kalmado pa ako......Peace and Love to the World! Ang alam ko mas mahimbing tulog ko ngayon dahil wala akong inagrabyado na tao.
  • edited 12:52PM
    [font="Arial Black"][/font][size="3"][/size][color="#FF00FF"][/color]
    nbasa q din po un...sa bulgar po... 9.jpg alt=':9sgInakupo:' ] ntatawa nlng aq sa mga gnun...magkaibigan cna sarah at rayver,, 2.jpg wag nmn nila crain un...wlang cnasbi c sarah n crush khit n knino..secret nya un eh,,wag nlang ipilit n c rayver nga un...
  • edited June 2009
    Pinag-aralan namain ang Jourmalism nung College,
    sa ginagawa ni Jobert, wla akong mkaitang kredibilidad
    ng isang marunong na journalist.

    Nakakaawa ka Jobert Sucaldito,
    isang fan lang ang nag-eamil ng ganyan,
    sobra sobra lampas langit na ang pantitira mo sa mga Fans
    ni Sarah Geronimo.

    Journalists should oppose hypocrisy in journalism.
    And by that I mean exposing the flaws in those you oppose,
    while excusing or covering them up in those you favor.


    A good newspaper journalist collects, verifies, and reports the facts
    objectively and in an unbiased manner.
    He or she doesn't interpret or editorialize.
  • arnarn
    edited 12:52PM
    maraming salamat sa pagbabahagi, ashtin......

    aaminin ko na sa inyo para matahimik na ang mga writer.....

    AKO ANG CRUSH NI SARAH!!!...... nyahahaha.....

    sori mods eh halata namang nakikipaglokohan lang ang writer eh...
    pero kung may maipapakita siyang video e di mas maganda...
    pero kung puro sulat lang niya eh di lokohan lang talaga.....
    5.jpg
  • edited 12:52PM
    never sinabi ni Sarah na si Rayver ang secret crush niya, si JS and other press people lang ang talagang nagpupumilit na si Rayver ang crush ni Sarah... and if i remember it right, correct me po if im wrong sabi ni Sarah in one of her interviews na napaamin daw siya ni Ms. Kris na si JLC ang crush niya, pero wala man lang nakapansin nito o binalewala lang nung ibang reporters kasi wala akong napanood o nabasa na si JLC nga ang crush ni Sarah... patuloy nilang sinasabi na si Rayver ang crush ni Sarah... ano ba ang gusto nilang palabasin.. and hindi naghihintay si Sarah na manligaw sa kanya si Rayver dahil mismong si Sarah ang nagsabi na hindi pa siya ready,.. hindi si Sarah ang naghihintay kundi mga boys ang naghihintay...

    ipagpalagay na nga kung may nagsabi talaga pero sure ba sya na fan nga yun ni Sarah at bakit nagreact agad si JS ganun ba kadami ang mga nagreact na fans? bakit kapag si Sarah ang naaagrabyado ng ibang fans eh wala tayong marinig na pagtatanggol?...

    Sarah has only kind words to anybody na nalilink sa kanya esp. sa gamitang issue, kahit kitang-kita na may gamitan issue(ex. na yung chat issue) hindi pa rin nagsasalita si Sarah ng masama, sobrang bait ni Sarah,.. hindi dapat siya nasasangkot sa ganitong issue...
  • edited 12:52PM
    hmpf...d p rn pla nkakamove on c J. Sucaldito....msyado n 2 writer n to... FYI, wla po cnbi c Sarah n c Rayver crush ña..in fact, sablay agad hula ño j.sucaldito kc sbi n Sarah mas mtnda s knya un crush ña, c Rayver younger ky Sarah... Also, ang e-mail ng isang fan doesn't mean ALL...Kya nga isa d b j.sucaldito? E bkt nMn gneralize mu n lhat ng Popsters un...hmpf,.. Kaht san mu dalhin yan, inadmissible p rn yan(naks! Dave garcia mode)..what a way of dfnding rayvr?!move on n nga...
  • edited 12:52PM
    Hay nAndito na naman ang wlang kA KWENTA KWENTANG PINAgsusulat nitong jOBERT NATO nkakapikon kana talaga !
    Sana naman maging patas ka ka sa mga sinusulat mu noh,!.
    UMAYOS KANAMAn!!
  • edited 12:52PM
    heto na naman ang jobert na to.

    Una sa lahat ni minsan hindi sinabi ni sarah na crush niya si rayver, kayo lang naman sa the buzz nagsabi nun, natawa lang si sarah sa pic ni rayver dahil ganun naman talaga si sarah lagi natutuwa. si sarah lang nakakaalam kung sino talaga crush niya. hindi kayo...baka naman ikaw may gusto kay rayver at nag jejelly ka. OO nga Rayver Cruz na siya pero wala pa siya napapatunayan sa showbiz. How sure are u na fan nga ni sarah yang nag text?FYI hindi deperada si Sarah sa lalaki.Millions ang fans ni Sarah, isang text lang yan, wala kang katibayan.yun lang

    pwede ba tantanan mo si sarah.....

    Thanks for sharing
  • edited 12:52PM
    hayyyy..ang sakit sakit na ng dibdib ko sa issue na ito..di ko na nga binasa...


    si sarah ang napapasama para sa ika aangat ng iba...nakakalungkot...sobra.....


    lord kaw na po ang bahala...pray for sarah na lang popsters..un lang ang pwede

    nating magawa.....

Leave a Comment

bolditalicunderlinestrikecodeimageurlquotespoiler
BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file