Sarah Geronimo, ginamit lang ni Rayver Cruz?!

edited July 2009 in Staff Level II
Cristy Fermin Pinoy Parazzi July 2, 2009 Pinoy Parazzi
July 2, 2009

Sarah Geronimo, ginamit lang ni Rayver Cruz?!

Cristy Fermin


MARAMING TAGAHANGA NI Rayver Cruz ang tumatawag sa amin ngayon para iparating ang kanilang sama ng loob sa mga tagahanga ni Sarah Geronimo. Diretsong tinawag na user ng kampo ni Sarah ang guwapong young actor, kunwari pa raw ay si Sarah ang sinasabi niyang crush, pero ang totoo naman ay sila ni Melissa Ricks ang nagkaigihan.

User daw si Rayver, ginagamit lang daw niya si Sarah para sumikat siya, paratang pa ng mga tagahanga ni Sarah.

Gusto lang naming mag-rewind. Sa pagkakatanda namin, hindi kay Rayver nag-ugat ang crush-crush issue na ‘yan. Ang totoo, kay Sarah nanggaling ang mga pahiwatig na crush nito si Rayver. Kahit kailan ay hindi naman ‘yun ginamit na bentahe ng batang aktor.

Kapag may nagtatanong sa kanya kung ano ang masasabi niya na isang sikat na singer-actress ang may crush sa kanya, ngiti lang naman ang isinasagot ng binata. Hindi niya ‘yun sinasakyan para sa kanyang sariling interes.

Hindi kailangan ni Rayver Cruz ng kahit sinong artista para lang siya magkapangalan. Dati nang kilala ang binata, dahil meron naman siyang talentong puhunan kung saanman siya nandu’n ngayon.

Hindi nga ba’t madalas naming sabihin na magiging superstar ang binatang ito? Tamang panahon lang ang kailangan niyang hintayin. Isang matinding proyekto lang ang kailangan niyang pagbidahan na magiging matagumpay sa takilya at makakapantay na rin niya ang estadong ipinagmamalaki ng mga tagahanga ni Sarah.

Sana’y masuheto ni Sarah ang mga tagahanga nitong sumosobra na sa paghusga. Sayang naman ang pinaghirapan at pinag-iingatang career ng dalaga kung sisirain lang ‘yun ng mga taong walang malasakit sa kanya.

Masakit ang patutsada ng mga ito kay Rayver Cruz. Para bang wala nang magandang nagawa ang binata sa maraming taon ng kanyang pamamalagi sa showbiz.

Kapag ganyan nang ganyan ang mga tagahanga ni Sarah Geronimo, madadamay ang dalaga sa inis ng marami sa kanyang mga tagasuporta. Nakalulungkot naman ‘yun kapag nangyari dahil wala namang alam ang singer-actress sa mga nangyayari.


http://www.pinoyparazzi.com/sarah-geronimo...ayver-cruz.html


sorry.
erase ko na lang comment ko, although, nakakapikon na talaga.
i'll save my rant pag meron pang kasunod 'to.

thank you sa mga malalamig ang ulo dyan, sa paalala nila. =)

Comments

  • edited 12:21PM
    Thanks for sharing..
    Ito nanaman tayo...
    Kapag wala po kayong magandang sasabihin
    Wag nyo ng sabihin ito..
    Keep ur commnts to urself nalng
    Wag na itong i post para naman di tayo napagbibintangan...
    Para tumigil na ang issue na ito..
    Abd di na lumake..
  • edited 12:21PM
    ^^ Other camp is getting too much mileage from one email. Masyadong paawa effect at Sarah's expense.

    Anyway, just like what most mods have been saying. Let it be. Obviously the writers have made their choice kung kaninong fan group sila kasama. Deadma. Hindi rin makakatulong kay Sarah kung sagutin and palakihin pa ang issue. Huwag na sila bigyan pa ng masusulat.

    Focus na lang sa positive.

    Thanks for sharing.
  • msdimagibamsdimagiba Popster
    edited July 2009
    guys, i moved this article out of public sight muna.. need your opinions if this should be allowed sa forum.. kasi for me parang mag-po-provoke lang ito ng galit.. at malamang gyera.. hehehe..

    and guys, i also think na kelangan natin mag-usap-usap about the Sarah-Rayver gamitan issue na to. cguro paghahanda lang for the worst scenario... just in case dumating man yung oras na kelangan na nating magsalita or gumawa ng move to depend our group especially sarah ay nakahanda na tayo sa ating mga gagawin.
  • edited 12:21PM
    nice move ate jede! may part pa na sinabing yung mga tagasuporta ang problema, nakow, for sure maraming magrereact. nakakainis ang mga reporters ngayon eh, tumitingin lang ata sa mga public forums for their material eh.
  • adenoadeno Guardian
    edited 12:21PM
    agreed this should be out of public view. even news like this is simply more publicity.
  • msindependentmsindependent Popster
    edited 12:21PM
    AGREE TOO...

    at tama ka rin ate Jede...ako hinanda ko na sarili ko...at kung ano man ang sasabihin ko pag me ganito nangyayari...

    you think guys its time we release THAT LETTER we made to the press? di ba tau na rin ang nagiging kawawa sa mga nag lalabasang isyus? laging qoute taung mga fans...its unfair to us people na who only like to protect Sarah from all these negative isyu. tama nga sabi ni Mommy devine...binabaliktad ng press ang sinasabi ng kahit ninuman.
  • ate Gate G Popster
    edited 12:21PM
    Tingin ko sa mga ganitong pinapalabas ngayon ng taga ABS parang strategy lang nila para mapag usapan ulit si Rayver dahil sa medyo humina ang mass appeal ni Piolo when it comes to his movies and teleserye. Gusto nila maging matunog siya. Another reason maybe ay dahil sa mga kinasasangkutan ngayon ni JLC with Ruffa. Medyo di maganda for him dahil siya ang reigning BOK at may upcoming movie siya with Vilma. Gusto nila mabaling ang issue kay Rayver. Sa ngayon si Sam nalang ang medyo natira na pwede malakas din ang mass appeal.

    I think hwag na natin patulan ang mga patutsada nila para di na lumaki pa. Ang best way ay ilipat nalang natin kaagad dito para wala ng mag react dahil taga star cinema lang ang makikinabang nito. Even about issues with JLC ayaw na ni Sarah pag usapan pa para kusang ng mamatay dahil minsan nasasabit ang name niya.

    I remember last guillermo awards night Melba Llanera of cinemanews ask her about JLC/ Ruffa issue hindi talaga niya sinasagot yung tanong kahit anong pilit nung reporter. Tinatanong pa niya si Sarah kung kinakabahan ba siya at smile lang ang sagot ni Sarah. Nasa stage kami nila outrigger at maverick at talagang malapit lang sa kanya nung ini interview siya.
  • msdimagibamsdimagiba Popster
    edited 12:21PM
    ate G wrote on Jul 3 2009, 07:52 PM:
    I think hwag na natin patulan ang mga patutsada nila para di na lumaki pa. Ang best way ay ilipat nalang natin kaagad dito para wala ng mag react dahil taga star cinema lang ang makikinabang nito. Even about issues with JLC ayaw na ni Sarah pag usapan pa para kusang ng mamatay dahil minsan nasasabit ang name niya.

    ate G.. kung dito sa site, ok, mako-control natin.. pero how about other online forums? hindi natin mapipigil ang ibang mga sarah fans sa pag-react doon. and as a result nga damay lahat tayo at si sarah sa mga irresponsible reactions ng iilang fans. cguro, my suggestion is mag-come up tayo ng isang (one and only) official statement (at least for the site man lang kung hindi pwedeng gamitin ang "popsters") para ma-aware ang media on our side of the story... na hindi ibig sabihin na ang iisang fan mail ay boses na ng lahat ng sarah supporters.. and after that... quiet na tayo kahit ano pa yang ibabato nila.

    just a thought lang po.
  • msindependentmsindependent Popster
    edited 12:21PM
    Me point ka Ate gina...pero tama din si Ate Jede.

    One official statement coming from US...this is Sarah's well known website, it might not be official, pero dito lahat ng tao pumupunta if they want to know what's going on with Sarah.

    One statement. that's it. after that, we can rest in peace. Just like what ate Jede said.
  • ate Gate G Popster
    edited 12:21PM
    Actually pwede mag text dun sa radio show ni JS para sabihin na yung nag text sa kanila ay hindi ibig sabihin buong Popsters yun. Kaya lang diko alam pano mag text dun. Pero nagtataka naman ako at bakit di niya nilagay ang email add nung nag email sa kanila para malaman natin kung totoo nga pinagsasabi niya. Minsan parang sa mga reactions lang dito sa site ang bases nila.

    Very irritating na nga minsan mga nega news about RC/Melissa and yung RG/JL.

Leave a Comment

bolditalicunderlinestrikecodeimageurlquotespoiler
BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file