Sarah Geronimo's movie with Gerald Anderson comes after back-to-ba

Sarah Geronimo's movie with Gerald Anderson comes after back-to-back success of No Other Woman and Praybeyt Benjamin
Rose Garcia
Tuesday, November 8, 2011
08:28 AM
Dalawang beses nang itinanghal si Sarah Geronimo bilang Box-Office Queen.
Una noong 2009 para sa A Very Special Love at sumunod noong 2010 para sa You Changed My Life.
Parehong si John Lloyd Cruz ang nakapareha ni Sarah sa dalawang pelikula.
Ngayon naman ay malapit nang ipalabas ang pangalawang pelikula nila ni Gerald Anderon na Won't Last A Day Without You.
Unang nagkasama sina Sarah at Gerald sa Catch Me, I'm In Love na ipinalabas noong March 23, 2011.
Kumita ito sa opening day pa lang ng "almost P15 million," ayon kay Star Cinema AdProm director Roxy Liquigan.
Ang Catch Me... ay joint production ng Star Cinema at Viva Entertainment.
Ang Won't Last A Day Without You, isang romance flick para sa young-adult audience, ang lastest offering ng Star Cinema at Viva Films.
Ito ay matapos ng kanilang back-to-back blockbuster hits: No Other Woman, namay adult theme at adult audience; Praybeyt Benjamin, na may comic theme at general audience.
Kaya ayon sa iba, mas may pressure ngayon kay Sarah kung mahihigitan ba nito ang dalawang naunang pelikula ng Star Cinema at Viva Films na parehong kumita ng mahigit P200 million sa takilya.
THE PRESSURE. Sa The Buzz noong Linggo, November 6, live na nakausap ni Toni Gonzaga si Sarah.
Natatawang umamin ang Pop Princess na sa umpisa pa lang ng interview ay kinakabahan na siya.
Ito ay dahil na rin sa VTR na ipinakita, na nagpapaalala ng pagiging box-office hits ng dalawang unang pelikulang susundan nila.
Pero totoo nga bang may pressure sa part niya na malampasan ang naabot ng No Other Woman at Praybeyt Benjamin?
"To be honest, yes. Sobra," pag-amin ni Sarah, na pagkatapos ay nagbiro na para siyang hinimatay.
Dagdag niya, "On the positive notes naman, natsa-challenge kami na mas pagbutihan pa ang trabaho namin—kami ni Gerald."
Ipinaalala naman ni Toni na sa pagbubukas daw ng taon, ginulat nina Sarah at Gerald ang lahat dahil sa naging success ng pelikula nilang Catch Me, I'm In Love.
Ito ang dahilan kaya nagkaroon sila ng follow-up movie, itong ngang Won't Last A Day Without You.
SARAH'S SMILE. Pagkatapos niyo ay hiniritan ni Toni ng tanong si Sarah kung bakit iba na ang mga ngiti nito ngayon.
Natatawang sabi naman ni Sarah, "Hindi, nate-tense lang talaga ako.
"Sana lang talaga, mag-last siya sa puso ng mga moviegoers.
"At yun nga, sana mas mapakilig pa namin sila this time."
Balitang sa second movie nila ni Gerald ay pumayag na raw si Sarah na makipag-kissing scene.
At hindi na rin daw masyadong nagbabantay sa shooting nila ang mommy ni Sarah na si Mommy Divine.
Totoo ba ito?
Ayon kay Sarah, "Si Mommy, hindi na. Hindi na masyado.
"Ako nga ang nalulungkot kapag mag-isa na lang ako.
"Bising-busy siya sa mga errands."
So, may kissing scene na nga o kahit smack lang?
Natatawang sagot pa rin ni Sarah, "Abangan n'yo po, abangan n'yo.
"Meron naman palagi, a—with John Lloyd [Cruz], with Mark [Bautista], with Gerald."
Pero sabi ni Toni, bakit hindi nila 'yon nakita?
Tumawa na lang ni Sarah.
COMING FROM OWN EXPERIENCE. Ano naman ang pagkakaiba ng movie nila ngayon ni Gerald from their first team-up?
Sabi ni Sarah, "Ano siya, it's a simple story. Relatable talaga yung character ko.
"Since marami rin naman sa ating mga kababaihan na napagdaanan natin ang bitterness kapag naha-heartbroken tayo, so I'm included."
So, coming from own experience? Na ang tinutukoy ni Toni ay ang short-lived romance ni Sarah sa young actor na si Rayver Cruz.
Pero ayon kay Sarah, "Okay na, nakapag-move on na tayo diyan.
"Pero, ang laking tulong noong naging experience, di ba?
"Kasi, ewan ko, parang palaging sumasakto yung mga roles, yung mga characters natin."
Safe to say ba na ang movie nila ngayon was derived from her own experience?
"May mga konti, konti lang naman," sagot ng young singer-actress.
May pinaghugutan?
"Oo..." pag-amin niya.
Ang role raw ni Sarah sa movie ay isang DJ.
Kuwento niya, "Ang role ko po rito is DJ Heidi sa radio. Pero ang name niya po talaga ay George Apostol.
"Tapos, yun nga, yung experience niya, painful experience niya sa love ay nagagamit niya."
Bakit naging painful, may nag-break ng heart niya sa start ng movie?
"Marami na!" bulalas ni Sarah.
"Yun ang difference ng character ko ngayon, kasi yung past ng character ko, no boyfriend since birth.
"Ngayon, hindi na ganoon ka-naïve, may lalim na."
May claim daw kasi siya sa movie na hindi na siya magpapauto sa pag-ibig na 'yan. Kaya hirit ni Toni, in real life ba ay sinabi rin ni Sarah ang linyang yun?
"A, secret!" natatawang sabi ni Sarah.
WORD GAME. Sumunod dito ay isinalang ni Toni si Sarah sa isang quick question and answer...
Toni: "Kinikilig ako kay Gerald tuwing...."
Sarah: "Kapag tinitingnan niya ako."
Toni: "Bakit, anong meron sa tingin ni Gerald?"
Sarah: "Sa totoo lang, hindi kilig, nako-conscious."
Toni: "Parang ganoon nga. Kapag kinikilig ka, nako-conscious ka. Kapag tumitig sa 'yo si Gerald, tagos hanggang puso?
Sarah: "Hindi naman. Hindi lang ako sanay katulad noong una naming pagsasama, parang, wow, feeling ko ako si Kim [Chiu].
"Sobrang identified siya kay Kim. Lagi ko silang nakikita together.
"Parang ang weird lang ng pakiramdam na, 'Wow, totoo ba 'to?' Parang ganoon lang."
Toni: "Ang ideal man ako ay..."
Sarah: "Ang ideal man ko ay faithful. Faithful siyempre."
Toni: "Wild reaction from audience. So, number one is faithful. Because?"
Sarah: "Siyempre, lahat tayong mga kababaihan, gusto natin yung siya lang ang babaeng mamahalin mo, siya lang, no other woman."
Toni: "Iba ka na talaga ngayon, talagang ang mga experiences mo sa buhay ang nagpapatatag sa 'yo..."
Sarah: "Ay, huwag n'yong lagyan ng kulay yun."
Toni: "Wala...hindi namin lalagyan ng kulay. Sino naglalagay ng kulay? Wala. Normal kaming lahat dito. Hindi namin bibigyan ng ibang interpretasyon.
"Pero, si Mommy Divine, ano naman ang ideal man niya para sa 'yo?"
Sarah: "Respectful, God-fearing.
"Kasi kapag God-fearing, nandoon na ang lahat. Di ba, Toni?"
Toni: "Napag-usapan n'yo na ba ni Mommy Divine na, 'If ever na may manligaw sa akin at gusto ko na, puwede na ba akong magpaligaw?'"
Sarah: "Sa ngayon, hindi...hindi namin napag-usapan.
"Noon, medyo noong before ako ma-in love, inspired-inspired. Ngayon kasi, mas focus ako sa trabaho."
Toni: "My biggest regret pagdating sa pag-ibig ay..."
Sarah: "My biggest regret pagdating sa pag-ibig ay... Meron bang mistake kapag umibig ka?
"Siguro giving all my trust. Ganyan..."
Toni: "I won't last a day without..."
Sarah: "Family..."
Toni: "Parang alam ko na yun na ang isasagot mo. Family, because?"
Sarah: "Ang buhay ko ay pamilya ko. Kaya naman ako nagtatrabaho para sa kanila."
Source: http://www.pep.ph/news/31807/sarah-geronimo39s-movie-with-gerald-anderson-comes-after-back-to-back-success-of-no-other-woman-and-praybeyt-benjamin/1/1

Comments
dont forget yourself sarah-magtira ka rin naman ng para sa iyong sarili.......