Kris, kinarir ang paghaharap nila ni Joey (25Nov11)

Title:Kris, kinarir ang paghaharap nila ni Joey
Date: November 25, 2011
Source:Abante Tonite
URL: http://www.abante-tonite.com/issue/nov2511/showbiz_others01.htm


BIG fan ng Tito, Vic & Joey ang direktor ng Won’t Last A Day Without You na si Direk Raz de la Torre.
Ayon sa scriptwriter-turned-director na si Raz, dream niyang makatrabaho si Joey de Leon kaya ang peg nila sa movie na gaganap na ama ni Sarah Geronimo na faded rockstar of the ‘70s na matinik sa babae ay si Tito Joey.
‘Suntok sa buwan’ ito para sa kanila na mga taga-Star Cinema dahil matagal nang nasa Kapuso network si Tito Joey.
Feeling ni Direk Raz at ng writers ng WLADWY ay imposibleng mapapayag nila ang Eat Bulaga host na tanggapin ang pelikula.
Pinapunta sila ni Tito Joey sa studio ng GMA at doon sila nag-pitch ng nasabing project.
Laking gulat nila nang ­unang salita pa lang nila na tatay ni Sarah ang role ay umoo na kaagad si Tito Joey.
Tinanggap agad nito ang project nang walang kahirap-hirap kaya tuwang-tuwa sila.
Nu’ng presscon ay ­ipinakita ang VTR message ni Tito Joey kung saan nabanggit nito na pabo­rito niya si Sarah at fan siya ng dalaga.
Usually ay napapanood niya sa eroplano ang mga pelikula ng Pop Princess at hanga siya rito.
Napanood ni Tito Joey ang unang movie team-up nina Sarah at Gerald ­Anderson na Catch Me…I’m In Love at nagustuhan niya ito.
Ano’ng feeling ni ­Sarah na fan niya pala ang isang Joey de Leon?
“Siyempre nu’ng umpisa, parang hindi po ako makapaniwala. Kasi siyempre, Joey de Leon po ‘yon.
Kumbaga, high standard siya, para ha­ngaan or matuwa sa isang katulad ko na beginner.
“Nakikita lang naman ako sa mga almost the same lang na projects. Mga romantic comedies, ganyan lang naman.
“So, flattered po ako at nakakatuwa naman po na isa ‘yon sa mga rason kung bakit nakasama namin si Tito Joey dito sa pelikula.
“At sobra po kaming honored na nakatrabaho namin siya at pumayag po siya,” ang masayang sagot ni Sarah.
Ayon sa mga taga-Star Cinema ay nag-enjoy nang husto ang batikang komedyante sa experience nito sa Won’t Last A Day Without You kaya very supportive ito sa movie.
***
Pumayag si Tito Joey na mag-guest sa ilang shows ng ABS-CBN para mag-promote ng Sarah-Gerald movie.
joey-kris.jpgNgayong umaga ay guest siya sa KrisTV.
Nu’ng Martes nag-taping si Tito Joey para doon. Nag-text si Kris Aquino that day na super excited siya na guest sa show niya ang isa sa mga host ng Eat Bulaga.
Sa sobrang pagkatuwa ni Kris na pumayag mag-guest si Tito Joey sa KrisTV ay nagsadya pa ng Malacañang si Kris para kunan ng special VTR message si Pangulong Noynoy Aquino para kay Tito Joey.
Kinarir ito ni Kris dahil after 16 years ay ngayon lang ulit tumuntong sa ABS-CBN si Tito Joey.
Matapang ang sagot ni Tito Joey sa tanong ni Kris kung posible siyang maging Kapamilya sa 2012.
Sa Linggo ay guest din si Tito Joey sa The Buzz.

Comments

Sign In or Register to comment.