REY PUMALOY: Matitinding batikos sa nanay ni Sarah, kinontra ni Alex&#
REY PUMALOY: Matitinding batikos sa nanay ni Sarah, kinontra ni Alex! (Abante.com.ph)
Nakahanap ng kakampi sa showbiz ang nanay ni Sarah Geronimo na si Divine mula sa batikos ng marami tungkol sa sobrang paghihigpit nito sa anak na siyang naging dahilan umano kung bakit sumuko na si Gerald Anderson sa panliligaw sa Popstar Princess.
Ipinagtanggol ni Alex Gonzaga ang nanay ni Sarah sa mga nagsasabing hindi na makatarungan ang pagiging mahigpit nito sa anak.
Ayon kay Alex, hindi dapat husgahan si Mommy Divine dahil wala naman daw talagang nakakaalam kung ano ang nangyayari sa mag-iina at kung paano nito tinatrato ang anak.
Wala rin daw nakakaalam kung ano ang nararamdaman ni Sarah sa sinasabing paghihigpit ng ina kaya hindi dapat pukulin ng kung anu-anong batikos ang nanay ng aktres.
Hindi naman katakatakang ipagtanggol ni Alex si Mommy Divine dahil hindi nagkakalayo ang sitwasyon niya kay Sarah.
Gaya ni Sarah, pinagbabawalan din si Alex ng kanyang inang si Mommy Pinty na makipagrelasyon.
"Hindi ako sure pero magkaiba naman siguro kami ng sitwasyon ni Sarah. Ang Mommy ko, hindi ko naman palaging kasama sa mga lakad ko. Manager namin ng ate ko si Mommy. Marami rin siyang ibang inaasikaso."
Aminado si Alex na mahigpit talaga ang kanilang ina na umabot pa sa hindi sila pinapayagang lumabas na silang dalawa lang.
"Hindi rin naman kami mahilig mag-bar o gumimik, bahay lang talaga kami. Ang gusto lang namin pag naisipan, manood ng sine at mag-mall.
"Nagmamalasakit lang naman ang Mommy ko sa amin, lalo na mga babae kami. Wala namang nanay na hindi iniisip ang kapakanan ng anak nila.
"Saka, nakita naman natin maganda naman ang career ni Sarah, successful naman siya.
So, mabuti 'yung ginagawang pag-aalaga ng Mommy niya sa kanya," sabi pa ng isa sa mga bida sa serye ng TV 5 na Enchanted Garden.
Source: http://www.abante.com.ph/issue/aug0412/ent_rp.htm

Comments