Sarah G., gustong ligawan ni Bryan Termulo

edited February 2013 in News and Articles
Sarah G., gustong ligawan ni Bryan Termulo

Rey Pumaloy

Maliban kay Regine Velasquez-Alcasid, isa sa mga gustong makasama ni Bryan Termulo ay si Sarah Geronimo, sa kanyang first major concert, ang Bryan Termulo XXV, na gaganapin sa Music Museum sa March 9.

Gustong ipagmalaki ni Bryan kay Regine ang naabot ng career niya mula nu'ng maging finalist siya sa Pinoy Pop Superstar ng GMA 7 bago siya lumipat sa ABS CBN-2. Isa sa mga naging inspirasyon ni Bryan si Regine.

Ang kay Sarah naman, gustong ma-inspire ng bonggang-bongga ni Bryan sa kanyang performance kaya niya nais imbitahan ang singer-actress-host. Ultimate crush ni Bryan si Sarah.

Kuwento niya, bagu-bago pa lang daw siya sa showbiz nang habulin niya ang aktres sa Trinoma para magpa-picture rito. Hin­ding-hindi makakalimutan ni Bryan ang naramdamang kilig sa una niyang guesting sa Sarah G Live.

Sinabi raw kasi sa kanya ni Sarah na hindi na nito kailangang magpakilala pa dahil kilalang-kilala na niya ito. Para raw siyang nakalutang sa langit nu'ng sabihin ni Sarah na kanya na "the famous Bryan Termulo".

Hindi rin daw natulog agad si Bryan dahil hinintay niya ang interview ni Sarah sa Bandila tungkol sa pagkakaroon nito ng bagong project sa ABS-CBN 2.

Nalungkot din daw si Bryan sa pagkabigo ni Sarah sa kanyang lovelife. Naisip nga niya na sana ay siya na lang ang nanligaw sa aktres para hindi ito nasaktan.

'Yun nga lang, malayo raw kasi ang agwat ng kanilang estado ni Sarah at tiyak na hindi naman siya papansinin nito.

Kapag sikat na raw siya ay hindi siya mag-aatubiling personal na magpakilala ng kanyang tunay na hangarin sa aktres. Willing siyang dumaan sa pagsubok mapatunayan lang niya ang malinis na intensyon sa Pop Star Princess.


http://www.abante.co...tm#.USkb3KKQeSo

Comments

  • ate Gate G Popster
    edited 8:43PM
    Thanks for sharing.
  • edited 8:43PM
    Echoooossss....THanks for sharing....I LOVE YOU SARAH G. YUN LANG...smile.png:)smile.png
  • edited 8:43PM
    Thank you for sharing... Yay! Me ganon? Well, can't blame him. Pero sana wag na lang imedia kung may future na manliligaw sa ating princesa. Daanin na lang sa gawa hindi sa salita para di ma accused with riding on the popularity of our dear Princess. Like si ano at si kwan hehehe.....
  • edited 8:43PM
    @sgfever....korek yang cnabi mo..
  • edited 8:43PM
    Thank you for sharing!
  • edited 8:43PM
    okay.

    thanks for sharing!
  • edited 8:43PM
    Thanks for sharing
Sign In or Register to comment.