Sarah Geronimo insists kissing scene with John Lloyd Cruz in latest mo

outriggeroutrigger One SG Force
Sarah Geronimo insists kissing scene with John Lloyd Cruz in latest movie was real

Ang award-winning actor na si John Lloyd Cruz na nga ang maituturing na first onscreen kiss ng Popstar Princess na si Sarah Geronimo.

Sa press conference ng The Voice of the Philippines kahapon, April 12, naging biro kay Sarah ang nasabing eksena sa bagong pelikula nila ni John Lloyd, ang It Takes A Man And A Woman.

May ilang press kasi ang nagsabing “daya” lang or “hindi natuloy” ang kissing scene nila sa bandang huli ng pelikula, dahil hindi naman ito naipakita sa harap ng kamera.

Pero agad namang pabalik na tanong ni Sarah: “Sinong may sabing hindi natuloy?!”

Ang It Takes A Man And A Woman ang ikatlo at huling installment ng Sarah-John Lloyd movie.

Sa mga nauna nilang pelikula na A Very Special Love (2008) at You Changed My Life (2009), may mga eksenang aktong maghahalikan sila pero hindi naman ito talaga natuloy.

Pero sa ikatlong pelikula nila, nakangiting sinabi ni Sarah, “Nag-kiss kami!

“Maniwala po kayo, dito 'yon [sabay turo sa gilid ng mga labi].

“Maniwala po kayo, ilang takes po 'yon.”

Para kay Sarah, wala raw problema kung si John Lloyd ang makaeksena niya para sa kanyang first onscreen kiss, na matagal nang inaabangan ng kanyang followers.

Ayon sa 24-year-old singer-actress, “Siyempre, wala na po akong maiisip pang leading man na I'm comfortable doing it with. It's no other than John Lloyd Cruz.”

Sa huling bahagi ng pelikula, nakita rin ang pangungulit ni Sarah kay John Lloyd para sa kissing scene.

Ano naman ang naging reaksiyon ng kanyang ina na si Divine Geronimo, na kilala sa pagiging istrikto sa mga ginagawa ni Sarah sa trabaho?

“Siyempre, issue 'yang kiss na 'yan. Lokohan lang 'yon!” sabay tawa ni Sarah.

“Hindi ko pa siya nakasama na napanood ang outtakes.

“Hindi ko naman siya tinanong. Wala pa namang reaksiyon. Kilala naman na ako ng mommy ko.”





NO NEED TO GET JEALOUS. Dahil sa ipinakita niyang pangungulit at panggigigil kay John Lloyd habang ginagawa ang huling eksena, may ilang nakanood na nagsabi na baka maging dahilan ito ng pagseselos ng girlfriend ng aktor na si Angelica Panganiban.

Nauna nang sinabi ni Angelica na wala siyang dapat ikaselos.

Bagay na siniguro rin ni Sarah sa panayam sa kanya ng press.

“Totoo naman, I have so much respect for Ate Angelica Panganiban.

“There was a time na naging close kami, hindi nga lang talaga yung physically na nagkakasama kami, pero nakakapag-exchange kami ng text messages noon at bina-value ko 'yon up to this day.”





ANOTHER MOVIE WITH JOHN LLOYD. Ayon kay Sarah, bukas siya sa ideya na makatrabaho muli si John Lloyd sa isang pelikula.

Pero tulad ng sagot ng kanyang movie partner, sabi ni Sarah, “If could come up with a better material than sa ginawa namin sa It Takes A Man And A Woman, bakit hindi?”

Kung si Sarah ang tatanungin, mas gugustuhin niya ang ibang pelikula na hindi konektado sa istorya nina Laida Magtalas at Miggy Montenegro.

Katuwiran ng The Voice coach, “Bilang individual actors, ayaw ko namang ma-stuck kami sa franchise na 'yon para may growth din at para ma-explore din namin ang maraming genres ng acting.

“Hindi ba, marami pang istorya na pwedeng gawing pelikula so sana hindi naman kami ma-stuck doon."


EXCHANGE GIFTS. Dahil ito na ang huling pagsasama nina Sarah at John Lloyd bilang Laida at Miggy, may mga naibigay ba silang regalo sa isa’t isa?

Alangan si Sarah na sagutin ang tanong, subalit bandang huli ay umamin na rin siya.

“I think that's a very personal question. Joke lang,” patawa ni Sarah.

“Wala namang masama doon.

“Hindi pa rin naman ako tapos magbigay ng appreciation sa mga nakatrabaho ko sa pelikula.

“Meron naman kami para sa isa't isa.

“Binigyan niya ako ng ano... huwag na lang nating sabihin.

"Naging bahagi tayo ng success ng isa't isa. Isang pamilya kami.

“Wala akong nakikitang masama doon sa pagbibigay ng regalo sa isa't isa.”





BRAVER, BOLDER, AND SEXIER? Sa It Takes A Man And A Woman, makikita si Sarah na tila hindi na masyadong conservative sa pagganap niya bilang Laida.

Bukod sa natuloy na kissing scene, naging may naging linya pa siya na “braver, bolder, and fiercer.”

Handa raw siyang maging ganito sa mga susunod niyang proyekto, pero hindi dapat masyadong magiging liberal.

Ani Sarah, “Hindi ko gustong isiping sexier. Gusto kong magkaroon ng maturity sa acting ko.

“Kung I'll be sexy and daring sa pananamit, sa movements ko, kailangang maging sensual, hindi kailangang maging ganun para magkaroon ng maturity as an actress.

“Nagawa naman namin sa It Takes A Man And A Woman na wholesome pa rin. “

Pagdating naman sa kanyang lovelife, sabi ni Sarah, “Wala naman po.

“Wala naman po akong tinatanggihan na thought of being in love.

“'Yang pagiging in love, napakasarap niyan.

"It's just that it's not happening right now.

“Sana po, I hope na when it happens, it's for real.”



Source: http://www.pep.ph/ne...ie-was-real/1/1

Comments

Sign In or Register to comment.