‘The Voice of the Philippines,’ exciting! (15Apr13)

‘The Voice of the Philippines,’ exciting!

Published : Monday, April 15, 2013
Written by : Leo M. Bukas

NA-TENSE at kinabahan kami nang biglang isalang sa kunwari’y blind audition ng The Voice of the Philippines during the presscon of the said program sa ABS-CBN na magsisimula ang airing sa June.

Akala ko’y may ibang mga kasamahang entertainment writer ding kakanta, ’yon pala ay ako lang, huh!

Sa naturang blind audition, nakatalikod ang coaches na sina Lea Salonga, Apple de Ap., Bamboo at Sarah Geronimo.

Kung pasado ka sa blind audition, they will turn around hudyat na willing silang i-coach ka sa singing contest. Thank God, tatlo sa judges ang inikot ang kanilang chair para humarap.

And they are Lea Salonga, Bamboo and Sarah. After ng kanta, kailangan kong pumili kung sino sa coaches ang pipiliin ko. Pinili ko si Sarah kahit si Lea ang unang nag-ikot ng kanyang chair para makita akong kumakanta.

What a nice experience pero nakakaba rin huh!

Anyway, ang multimedia star naman na si Toni Gonzaga ang magsisilbing host kasama rin si Robi Domingo bilang social media correspondent.

Magsisimula ang kumpestisyon sa isang pag-awit ng mga lalahok sa blind auditions kung saan pipili ang coaches kung sino sa mga sasalang ang nais nilang mapabilang sa kanilang team para i-mentor.

Sa ikawalang round na tinatawag na “battle rounds” ay magpapatalbugan ang mga artist sa battle stage at ibibigay ang lahat para mapabilib ang kanilang coach na siyang gagawa ng malaking desisyon kung sino sa kanila ang papauwiin at sino sa kanila ang uusad sa susunod na round ng kumpetisyon -- ang live performance shows.

Sa round na ito papasok ang kapangyarihan ng sambayanan dahil maari na nilang iboto ang kanilang mga paboritong artist at salbahin ito mula sa eliminasyon. Sa grand finals, bawat coach ay may isang manok na lang na ilalaban sa kantahan sa pambato ng kalabang coaches at isa lamang sa apat na grand finalists ang kikilalaning The Voice of the Philippines.

ABS-CBN ang may eksklusibong rights para ipalabas at i-localize ang worldwide hit franchise mula sa Talpa Media Group ng Netherlands.

Sasamahan nito ang 40 iba pang bansa na gumawa na rin ng sarili nilang bersyon ng The Voice sa telebisyon kabilang na ang popular na US version na pinangungunahan ng host na si Carson Daly at kinabibilangan nina Christina Aguilera, Adam Levine, Cee Lo Green at Blake Shelton bilang coaches.


http://journal.com.ph/index.php/entertainment/showbiz-news/48531-the-voice-of-the-philippines-exciting
Sign In or Register to comment.