Sorry po kung may inaabangan kayong next epi... Medyo busy pa kasi kami ni Ann eh... Neither of us have time to make it... Pero promise po I'll post in by the end of this week...

Ang Nakaraan...
MayAnn: "Ate Cel, asan po yung coffee cup ko?"-She said as she started looking through the cupboards for her cup...
*Hindi sumagot si Ate Cel*
MayAnn: "Ate Cel? Anong nangyari sa yo? Ano yang hawak mo?" -She said as she still looked through the cupboards...
Ate Cel: "Uhh, Mich?..."
MayAnn: "Ho? Ahh, Ayan naman pala yung mug ko eh!!! Salamat 'te!" -As she said that, aalis na sana sya with her cup.
Ate Cel: "-Mich!..."
MayAnn: "Ano po yun?"
Ate Cel: "May kelangan ka yatang malaman eh..." -She said, handing the note to MayAnn...
*Napaupo si MayAnn sa tabi ni Yaya Cel*
Dearest MayAnn,
I’m sure alam mo na kung kanino nanggaling to, dahil alam kong ako lang ang gumagawa nito para sa yo. May gusto lang akong ipaalam sa yo eh. At alam kong hindi ko magawa to kung karaharap talaga kita, kaya susulatin na lang kita. Please don’t visit me, don’t try to stop me. It’ll just make things harder. Alam kong this isn’t the best way to leave things, pero let’s just call this fair. Wow, matagal na palang hindi ako nagsusulat. May naaalala tuloy akong babae. Sobra ko talaga minahal yung babaeng ito. Ang saya saya namin non. Pero di naman kami nagtagal eh. Hanggang ngayon, minamahal ko pa rin sya. Kahit kung iniwan nya lang ako sa ere, ok na yun sa akin, pinatawad ko na sya. Masyado ko sya mahal eh. Di ko sya matiis. Naaalala ko nga, nung junior year namin sa high school non, lagi ko sya sinusulatan ng ganito. Nilalagay ko yung mga notes sa tabi ng breakfast nya, o sinislip ko sa backpack nya pag nilalakad ko sya sa school, o minsan nga, nilalagay ko yung notes sa loob ng isa nyang books para mabasa nya pag”bad days” nya. Minahal talaga namin ang isa’t isa. –Noon. Sa mga sulat na binibigay ko sa kanya, lagging may puting rose petal sa loob ng bawat sulat. Yan kasi ang paborito nyang bulaklak eh. Pero bigla na lang yon natigil. Naalala ko pa yung date and time ko nalaman na umalis sya. It was November 12, 2001, at about 7:17 am. Susunduin ko sana sya para maisama ko sya sa school, pero nung dumating ako sa bahay nila, nalaman ko lang sa Ate nya yung tungkol sa pag-alis nya, or kahit sa offer man lang nya na may chance sya na tapusin ang pagaaral sa Amerika. Iniwan nya lang ako ng ganon-ganon lang na wala man lang warning o goodbye note. Umalis sya, at wala ako magawa. Pero in time, I learned to forgive her, and I only loved her more. Lagi ko iniisip na sana naaalala pa nya pa ako, yung mga sulat na binigay ko sa kanya… Ako, bawat letra ng bawat sulat na sinulatan ko para sa kanya, naaalala ko pa rin. Hinding-hindi ko talaga makalimutan yan. Pinapaginipan ko pa rin yan… -Yung junior year namin non at yung saya namin. Lagi ko pa rin sya sinusulatan, pero, I never end up sending a single one. Ayokong gulohin ang buhay nya sa Amerika. Dahil alam kong masaya sya sa bago nyang buhay don. Ayokong siraan yun. At nung narinig kong bumalik na sya sa Pilipinas, I never thought twice of visiting her. I never thought twice of visiting YOU, Ms. M. Nakalimutan ko ang lahat, nakalimutan ko kung bakit hindi ko sinend yung mga sulat ko, na nag-move on ka na, na gugulohin ko lang ang buhay mo. All I cared about was just seeing you again. At ngayon, naaalala ko na kung bakit hindi ko sinend yung mga letters. I'm sorry Ms. M. I’m sorry for everything. Nung binisita kita 3 weeks ago, nung sinuntok ko si Kuya Raphy… Ginulo ko lang ang buhay mo. I didn’t mean to. I just wanted you back. And that was wrong of me. Kaya, aalis na lang ako. Ms. M, aalis na ako ng bansa. At pagbalik ko, expect ko na magiging Mrs. M na yang name mo ah? Hehe. MayAnn Michelle Reyes, alam mong mahal kita, sobra pa nga eh! Kaya ko ginagawa to… Ayoko ng manggulo pa sa buhay mo. Alam kong mahal mo yang mokong na pare kong si Raphy, at kitang-kita ko naman na mahal ka rin nya, at aalagaan ka non. Be happy, Ms. M. –For me. I love you so, so, much.
Love Always, CJ
*Naalala tuloy ni MayAnn yung rose petal, at hindi nya nakita sa loob nung letter or nung cup*
Ate Cel: “Mich, ok ka lang ba? Anong ibig sabihin nun? Sino si Cj? Anong hinahanap mo?”
MayAnn: “He wouldn’t…”
Ate Cel: “Who wouldn’t what?”
MayAnn: “Yung rose petal!! Asan ba yun?! Ate, may nakita ka bang maputi na rose petal nung binuksan mo yan?”
Ate Cel: “Hindi eh. Teka, IKAW yung babae na sinasabi nya sa letter?!” (Ate Cel is a newer yaya, kaya hindi nya alam yung drama ng pamilya nila)
MayAnn: “Hindi, of course not!!! Uhh, baka lang kasi…”
*She just sits down and accepts the fact he wouldn’t give her a rose petal after all these years*
MayAnn: "Nevermind na lang ‘ya. Alam mo ba kung totoo to?" -She said a little worried, and already close to tears...
Ate Cel: "Sorry Mich, hindi ko talaga alam eh... Basta titimplahin ko na sana yung kape mo kanina, nung nakita ko yan sa cup mo... Parang may nagpapaalam pero walang name na nakalagay... Initials lang. Kilala mo?"
*MayAnn is just staring at the note, hoping it isn't who she thinks it is... -Si Cedric...*
MayAnn: "I have someone in mind. Pero sana mali ko..."
MayAnn is still in shock, and Yaya Cel still doesn’t completely understand what’s going on. It’s now been about 20 minutes, at napansin ni Ann na parang nagsastall lang sya sa wala dahil hindi pa nga lumalabas ng kitchen si MayAnn, kaya pinuntahan na lang nya ito.
*Pagpasok nya, muntik ng umiiyak si MayAnn, at nakita nyang may hawak syang papel.*
Anna: “May, kala ko ba pupuntahan mo si Cedric?”
*Hindi sumagot si MayAnn*
Anna: “May? Ok ka lang ba? Anong nangyari sa yo?”
*Walang masabi si MayAnn*
Anna: “Mich! Sagutin mo nga ako! ‘Ya, anong nangyari sa kanya?”
*Sasagot ng totoo sana si Ate Cel, kaya lang…*
MayAnn: “Ate! Uhh, Yaya Cel, pwede mo na kaming iwan… Salamat sa… sa tulong mo.”
Yaya Cel: “Ah, opo”
MayAnn: “Ate Anna, ok lang ako… Promise.. May- May nagsulat lang kasi sa akin eh… Medyo nagulat lang ako sa balita… Yun lang… hehe”
*She said, swiftly putting away the letter*
Anna: “Sigurado ka?”
MayAnn: “Oo!! Sigurado nga eh!”
*Tumayo si MayAnn at lalabas sya ng kitchen*
Anna: “Ok, ok! No need to be all mean about it! –Teka, may white roses ba tayo dito?”
*Natigilan si MayAnn*
MayAnn: “Bakit?” –She said as she turned around to look at Anna.
Anna: “Hindi, may puting rose petal kasi dito eh. Di ko lang alam kung san nanggaling kasi wala tayong maputi na roses dito. Mukhang na-squish pa ito sa loob ng book or something…”
MayAnn: “Pa-tingin nga!”
*She rushes over to Anna*
Anna: “Oh, bakit parang importante yan sa yo? Rose petal lang kaya yan!”
Mayann: “Ha? Di naman! Alam ko naman yun ‘no! Uhh, maganda lang kasing tingnan eh… Yun lang… San mo to nahanap?”
Anna: “Sa ilalim lang ng table, bakit?”
MayAnn: “WALA NGA!”
*And she hurries out the kitchen, past the 2 boys in the family room, and into her bedroom*
Anna: “May! Teka nga!” –She yelled from the entrance of the kitchen
Raphy: “Woah, what’s with her?” –He says to Anna.
*Anna just ignores him and runs to follow MayAnn into her room*
Raphy: “What’s with them?”
Martin: “Bro, trust me. Ayaw mo talagang malaman kung ganon ang drama ng mag-kapatid.”
Raphy: “Well, ok then… Let’s just get back to the game.”
*Sa kwarto ni MayAnn…*
Nakaupo lang si MayAnn sa kama nya. Nakatalikod sya sa pinto, at hawak nya yung box ni Anna. “Ano bang problema mo!?”, sabi ni Anna pagpasok nya sa kwarto. She wipes the falling tears on her face as she says, “Wala…”, and she turns around. “Wala, ok lang ako… Sorry sa nangyari kanina ah? Medyo, uh… May naisip lang ako nung nakita ko yung rose.” –She said, forcing a smile. “May, you are not ok,” sabi ni Anna as she walks over to MayAnn, “Ate mo ako, you can tell me anything! Ano bang nangyayari sa yo?” Tumahimik muna si MayAnn, then sumagot sya. “Ate, wag mo na akong abalahin. Ok lang talaga ako. But there is something I want to show you. It’s just- Uhh, nevermind… I don’t think it’s the right time.” Hindi na tinapos ni MayAnn yung sasabihin nya. “Hindi, Mich, kausapin mo ako. Anong hindi mo masabi?” MayAnn replies, “May nahanap lang kasi ako sa chest mo eh. Mukhang sadya mo noon na itago dahil it was in a secret compartment ng chest. It seems like it was one of the most important things to you. Eto o…” MayAnn pulls out the box from under her bed, takes out the ring necklace she found, and holds it up for Anna to see. Medyo nagulat si Anna dahil nung ginawa ni MayAnn yung gesture na yun, parang may naalala syang lalaki na gumuwa nyan sa kanya. At ang mukha na nakita nya’y mukha ni Martin. In this particular flashback, she sees Martin holding up the ring necklace as he slowly gets off one knee to put it on her. Tapos bigla na lang nawala ang naaalala nyang flashback. “Let me see that!” Sabi ni Anna as she aggressively grabbed the necklace by the ring. Just as she did that, all her memories from the two years she lost, all came flooding back to her. Napa-iyak na sya sa naaalala nya, dahil naaalala nya ang lahat. Yung rason nung gabing yun kung bakit nya pupuntahan si Martin, yung moment of the accident, at na nakaengrave pala ang names nila ni Martin sa loob ng singsing at sa top ng chest. When all the flashbacks went away, she looked at her stomach and held her hand there. “I guess naaalala mo na those 2 years of your life? Ok ka lang ba?”, sabi ni MayAnn. Shocked pa rin si Anna sa bilis ng pangyayari. Tiningnan nya lang yung loob ng singing, at nakaengrave nga ang names nila,
“Mr. and Mrs. Martin Anthony Soriano”
Anna: “I was supposed to marry him…” –She said as she sqeezed the ring in her hand.
MayAnn: “Ha? Ate, nalilito ako sa yo. Sinong dapat mong pakasalan? Teka, engagement ring nyo ba yan ni Kuya Martin!?”
*Umiiyak na si Anna nung sumagot sya…*
Anna: “May, naaalala ko na ang lahat…”
MayAnn: “Alam ko na kaya yun ‘no! I’m lookin for the details now!”
Anna: “Sis, ikaw lang ang may kakaalam nito…”
MayAnn: “Hay naku Ate, ba’t andami mong secrets?!” –Biro ni MayAnn…
Anna: “Aba, you’re one to talk! Ikaw kaya ang unang nabuntis sa atin!”
MayAnn: “Touche… -Teka, Una?! NABUNTIS KA!?”
Anna: “SSSHHH!!! Ano bang problema mo!? Do you want the whole house to hear?!”
Mayann: “Ay, sorry po, NA-BUNTIS KA?!” –She said in a whisper.
Anna: “Hay naku! AS I WAS SAYING, ikaw lang ang may kakaalam nito… Ng buong katotohanan ng past ko… Kaya magshattap ka nga after this, ha?”
MayAnn: “Cross my heart po… [img]https://sarahgeronimo.com/uploads/ipb/style_emoticons/legacy/smile.gif”
Anna: “Alam ko kung bakit ako nagkaaksidente noon…”
*The setting changes to that tragic night on August 24, 2003; as Anna starts telling her side of the story. It was five years ago.*
Anna: “I think alam mong nagkaaksidente ako nung “bibisitahin” ko si Martin,” she said with air quotes around bibisitahin, “pero hindi yun ang buong story. Hindi ko sya pinuntahan para bisitahin.”
*Nag-silent pause si Anna, at parang iiyak ulit sya.*
MayAnn: “Ate, you know hindi mo kelangang sabihin sa akin to, kung hindi ka pa handa di ba?” –Mayann said, trying to comfort Anna.
Anna: “I’m sorry, hindi. Gusto kong gawin to.” –She wipes her eyes with her sleeves, and goes on.
Anna: “Hindi ko pinuntahan si Martin that night, para lang makita’t mabisitahan ko lang sya…
Nagaway kasi kami nina Mama at Papa eh. Tungkol sa amin ni Martin. It was just me, and them dun sa living room. It started out, as a quite civilized talk naman. That is, until… Well, you know how they can get… You had to fight for your relationship with Cedric! Pero you 2 ended up rather happy in the end pa rin di ba?… Anyway, nahihirapan lang kasi si Martin sa school non eh! And well, he wasn’t the best known student ng mga deans sa college namin non… Let’s just say, he threw a medyo wild dorm party with the senior dean’s daughter there… I think you can imagine how that party ended. Pero I was able to turn him around somehow. Ako ang naging tutor nya. I admit, I never liked him, and I never WANTED to help him. Pero medyo hindi rin maganda ang grade ko sa isa kong test sa anatomy, at sinabi ng teacher naming na kailangan ko syang i-tutor para lang may makuha akong passing grade. Kilala ko ang tipo nya non. At alam ko rin ang pinasukan ko. Pero yan lang talaga ang magawa ko para makapasa ako. I didn’t want to waste my time with him, at alam nyang he needed me just as much as I needed him. Dahil hindi sya makakapagbasketball pa kung hindi nya ma-up yung grades nya, at alam kong hindi ako makapasa sa anatomy kung hindi ko sya tinulungan. Simula non, sinigurado ko na hindi sya nagparty ng ganon at least on school nights. At first, nagrebelde sya, syempre… Sya yung tipong…- ANYWAY! Nakita na nyang he did need to get his grades up kung gusto nyang magbasketball pa. Kaya in a way naman, sinundan nya ako. Tapos hindi ko ginawa to ah! It just, sort of happened. Pero nung tinanong ko sya… Lagi na lang nya sinasabi na ako ang dahilan…”
MayAnn: “Dahilan ng ano?”
Anna: “-I’m getting to It! I’m getting to it! Eh, hindi lang kasi grades nya ang naayos nya. Yung life nya rin, nung tinututor ko sya, napansin ko na slowly tumigil ang drinking nya, tapos nagstudy na lang sya instead of party sa bahay ng kaibigan nya. At tumigil na rin sya sa panloloko nya sa mga babae. At lagi nya sinasabi na ako ang dahilan kung bakit nya napaturn around ang life nya. Sabi nya gusto nya akong ligawan, pero alam nyang hindi ko sya tatanggapin kung ganon sya. –Nagtapat sya sa akin. Alam kong may iba rin akong pakiramdam sa kanya non… Pero hindi ko pa alam kung ano ba talaga yun. At syempre, hindi pa rin ako sigurado kung serioso nga sya sa akin. Dahil buong buhay ko, neighbors kami. Ako yung medyo shy na lagging straight A’s at medyo geeky na kid. At sya yung lagging lumalabas, lagi sya yung cool kid on the block, at only passing lang yung grades nya. Hindi ko alam na magkakagusto pala kami sa isa’t isa sa future. Dahil nga, galing kami sa iba-ibang mundo. But eventually, mga ilang months ba? I think 6 months sya nanligaw sa akin, tapos sinagot ko sya. It was February 14. Ang sweet lang talaga kasi ng ginawa nya for me that day eh. But I won’t get into that… Sa amin ni Anthony na lang yan.” –Nagulat pareho sila Anna at MayAnn sa sinabi ni Anna.
MayAnn: “Ate?”
Anna: “Hi-hindi ko alam ang nangyari… Naaalala ko kasi ang lahat… Tapos, nadala ako. Anthony lang ang lumabas sa bibig ko. Naaalala kong Anthony ang lagi kong sinasabi dati. I guess, my past is just, really back…”
*Natahimik muna ang kwarto… Then to break the silence…*
MayAnn: “Ate, ano ba talagang pinagawayan ninyo ni Mama at Papa?”
Anna: “Yun nga… Yung hindi pa rin sila naniniwala na nagchange na sya kahit 2 years na ang nakalipas at kahit isang inom lang, hindi nya tinikman.”
MayAnn: “Yun lang?”
Anna: “Bakit parang pinabuking mo ako!?”
MayAnn: “May sinasabi ba akong ganyan!? Haha!”
Anna: “OK! OK!!! You don’t need to beat it out of me! I got really mad at them after that conversation. I pretended I went up to my room, but I actually slipped out through the attic. May dinala akong papeles. It was an ultrasound. –Of the baby.”
MayAnn: “[/img] alt=':yikes:' ] ”
Anna: “Yan lang ba ang magawa mo? Pero yun nga ang dahilan kung bakit ko pinuntahan si Martin that night…”
MayAnn: “Well how far along were you?”
Anna: “Almost a month na. Hindi ako masyado natakot kung anong masabi ni Martin, dahil pinagusapan naman namin kung ano bang gagawin namin kung sakaling maabuntis nga ako. At alam kong mahal nya ako. Dapat nga kami makasal eh!”
MayAnn: “Teka, sabi mo you were ALMOST one month na. You’re accident was ALMOST one month after he PROPOSED, di ba? Yung night nagpropose sya sa yo, I bet you two were probably just as happy as me and Raphy were. Naconceive ba yung bata sa gabing yun?”
Anna: “Oo.” –Ang tipid sagot ni Anna.
MayAnn: “So, ano na bang gagawin mo ngayon? I-coconfront mo ba si Kuya Martin dahil hindi nya sinabi sa yo? But if you do po, hiniling ni- Uhh, hiling ko lang na sana pahandain mo muna sya.”
Anna: “Hindi ikaw yung humihiling. Sino ba? SI MARTIN?! ANO BANG SINABI NYA SA YO TUNGKOL DITO?!”
MayAnn: “HINDI! Ate, WALA! Hindi si Martin! –Si Raphael. Nakita nya kasi yung box. Sya yung napansin na name pala ni Kuya Martin yung nakalagay dyan. Tinuruo nya sa akin yun. Tapos yun, hiniling nya sa akin na ipahanda ko raw muna si Kuya kung may gagawin ka.”
Anna: “Ohh… I’ll do something alright!”
She storms out the room, very, very upset. Humabol lang sa kanya si MayAnn, trying to hold her back dahil kilala nya ang ate nya at alam nya ang kaya nya pag-galit sya. Pero walang magawa si MayAnn. Bumababa ng stairs na si Anna, with MayAnn running, trying to stop her. Gustong suntokin ni Anna si yung dalawang si Martin at Raphy. Si Raphy, dahil wala sya sinabi kay Anna agad, at si Martin dahil nagsinungaling lang sya the whole time. Pero nung nakaharap na nya yung dalawa...
MayAnn: “ATE WAG!-” –She said holding Anna’s arm.
Martin: “GIRLS! Andito na pala kayo! May surpresa kami ni Raphy para sa inyo.”
Raphy: “Dadalhin ka naming sa Davao para mameet ang parents namin! This weekend girls! We’re leaving tomorrow, THREE DAYS!” –Masaya nila sinabi ito.
*Napanganga si Anna dahil sa sinabi ng boys sa kanila.*
MayAnn: “Aren’t you glad you didn’t?” –She said in a whisper with a little sarcasticsm.
Anna: “Ok! Ok!” –She said trying to shut MayAnn up.
Martin: “Ano? Di ba kayo masaya?”
Anna: “Masaya…” –She said forcing a smile. She continued, “Uhh, teka lang ah?”
*She moves MayAnn back with her to the bottom of the stairs so she could talk to her*
Anna: “ALAM MO?!” –She said raising her voice a bit, but still in a hushed tone…
MayAnn: “NYAY! Na ano?” –Gulat nyang pag-sabi
Anna: “Ano-ano ka pa dyan! Na dadalhin tayo ng mga yon sa pamilya nila!”
MayAnn: “Ahh yun…” –She paused a minute, “Ah, eh kasi... Hindi- Uhh…”
Anna: “Ano?! Sabihin mo!”
*Kita nila Martin na medyo nagfafight yung dalawa, kaya sumulpot sya sa usapan…*
Martin: “Girls, ok lang ba kayo? Parang medyo tense kasi kayo eh…”
MayAnn: “Just go along with me…” –She said in a whisper to Anna…
MayAnn: “Ahh… Ok lang… Hehe, sorry kasi may usapan kasi kami ni Ate… At ahh, this weekend dapat natin gagawin yun.-”
Raphy: “Talaga, eh kung ganon, pwede naman naming sabihin kila Mommy na next weekend-”
MayAnn: “Hindi!! Uhh, hindi naman sya ganon ka-importante eh. We can always hold it off…”
*Anna slickly slaps May on the arm and whispers to her…*
Anna: “Ano bang ginagawa mo?!”
MayAnn: “Hehe…” –And just shoots one of her “oh so cute” smiles at Raphy which he can never resist.
MayAnn: “Shh, tumigil ka. Wait, mamaya ko sasabihin.” –She whispered to Anna; still smiling at Raphael.
*Nahalata ni Martin na parang iba yung kilos ng dalawa, at agad sya nakabahan at nalito sa kanila.*
Mamaya naman sa front patio kung saan nagiinuman ang magkapatid na sila Martin at Raphy…
Martin takes a deep, heavy breath na parang ang lalim ng iniisip nya, before he asks Raphy, “Bro, kanina, may napansin ka ba na parang medyo iba or parang something’s up with the girls? Nung sinabi natin sa kanila na bibisitahin natin sila Mom and Dad.” Nagulat si Raphy sa tanong ni Martin dahil alam nya na kahit minsan, hindi sya nagdududa kay Anna. Pero noon nga pala yun. “Kuya? Nagdududa ka ba kay Ate Anna? Parang hindi yata ikaw yan eh…” sabi ni Raphy. “Noon yun, nung wala ako tinatago sa kanya. Alam mo yun Raph. At ayoko talagang mabuhay pa ng ganito na hindi ko sinasabi sa kanya yung totoo… Kaya, I’ll take which will probably be the only chance for me to tell her the truth, when we go to Mom and Dad’s this weekend.” Ang sinagot ni Martin… Medyo “pinayo” ni Raphy yung Kuya nya nung narinig nya yung sinabi nya… “Naku kuya ah, kilala kita. At sana kaya mo talaga yan paningdigan at tuparin…”
*Raphy downs his last shot real quick and says…*
Raphy: “AGGHH!... That’s enough! Tapos na ako! Kuya, tandaan mo yang sinabi ko ah? Akyat na ako ah? Sasabayin ko na ang akong FIANCE!” –He said a little buzzed, but still managing to get up the stares pretty well.
Martin: “Yun lang naman pala ang gusto mo eh! Inom tapos akyat sa babae mo!” –Makulit sya sumigaw kay Raphy na papunta na sa taas.
Sa kwarto naman ni Mama at Papa, naguusap sila tungkol sa plans ng mga bata…
Mama: “I guess hindi mo pa alam yung plano ng mga bata for this weekend?”
Sinabi nya ito dahil nakita nyang nagrerelax lang si Mr. Reyes, at may binabasa syang libro.
Papa: “Hindi nga, bakit? Anong plano nila Mich at Raphael?”
Mama: “Hindi lang sila Mich at Raphael ang may plano. Sasama rin sa dalawa si Martin at Anna. Pupuntahan nila ang parents ni Raphael at Martin sa Davao.”
Papa: “ANO?! BAKIT MO SILA PINAYAGAN!? Di mo ba naisip na pwede yan maging paraan ni Martin para masabi nya kay Anna yung totoo?!”
Mama: “Wag mo nga akong sigawan! Baka gisingin mo pa yung mga bata! And besides, hindi ako tanga, no! Yun NGA ang iniisip ko! Pero wala kaya ako magawa! Wala ako masabi dahil andon si Raphael!”
Papa: “Eh, ano na ngayon? Anong gagawin natin? Kung kilala ko yang mokong na yan, hindi lang si Anna ang kukunin nya sa atin, sasabihin pa nya yung totoo sa kanya!”
Mama: “Hun, I have a feeling there’s nothing else we CAN do anymore…”
Mrs. Reyes decided to just end the conversation by turning out the light and lying down with her back faced to Mr. Reyes. Pero may binulong pa si Mr. Reyes after pinatay ni Mrs. Reyes yung ilaw…
Papa: “Hindi, hindi ako papayag.”
Mama: “Ha? May sinabi ka?”
Papa: “Hindi, wala. Matulog ka na lang.”
Sa kwarto naman ni MayAnn, nakapasok na si Raphy sa nya, pero wala sya don. Hahanapin nya sana si MayAnn kaya lang nung umupo sya sa kama, nakatulog na agad sya. Pero mas mabuti pa yata na hindi na lang nya hinanap si MayAnn dahil nasa kwarto ni Anna sya at naguusap sila. –Si MayAnn, yung tungkol kay Cedric, at si Anna yung tungkol kay Martin.
Anna: “Hay naku!! Nakakabwisit talaga yang Anthony na yan!”
MayAnn: “Ate?”
Anna: “Ah, si… Si Martin pala… Sorry, ngayon na alam ko na yung nakaraan ko, parang nagcocollide na ang alam ko. Anthony kasi ang tawag ko sa kanya noon eh… Para maiba naman ang tawag ko sa kanya compared sa iba. O minsan nga, Tony pa ang tawag ko sa kanya.”
MayAnn: “So, ‘te, kelan mo sya ibubuking? Bukas na nga tayo aalis for Davao! Teka, BUKAS NA NGA TAYO AALIS! Pero, pano na ba kami ni– Uhmm, pano na ba si Cedric?! Di ko pa sinasabi sa kanya!”
Anna: “SHTTT! Teka!! Tumigil ka!!! Ako pa kaya yata ang nawalan ng 2 years of memory for 5 years at ngayon ko lang naalala kaya problema ko muna ang isipin natin!”
MayAnn: “Ok, ok! Eh, di ba pupuntahan natin ang mga magulang nila this weekend, sa bahay nila? …Yung dating bahay ni Martin?”
Anna: “Uhh, oo nga…”
MayAnn: “Baka parte ito ng plan nya para sabihin sa yo yung totoo…”
Anna: “Eh pano ba kung wala nga syang planong sabihin sa akin?!”
MayAnn: “Hay, BASTA! Ate, antayin mo na lang ng 3 days for him to tell you, at kung walang mangyari after, ibuking mo na sya and I’ll even allow you to go all Kill Bill on him if you want to to. Just remember to keep the blood to a minimum… ”
Anna: “Hay, sige. Sana may balak nga syang sabihin sa akin yung totoo…”
MayAnn: “Ok, ok na ba?”
Anna: “Ok na ok… :]”
MayAnn: “Good! Ngayon, AKO NA! PROBLEMA KO NA ANG ISIPIN NATIN! TULUNGAN MO NA NGA AKO!”
-Sabay nya sinampal si Anna sa braso nya.
Anna: “ARAY! Ok! Ok!!! Magiisip ako para say o! Basta wala ng sampalan! Pati yung panampal mo, naalala ko… Ang sakit mo pa rin manampal!”
MayAnn: “Why thank you!”
-She said in a cute, and yet sarcastic way…
MayAnn: “Ay, teka nga, YOU’RE NOT HELPING ME!”
-Sasampalin nya ulit si Anna pero nakita nyang nagflinch big time si Ate Anna kaya tumawa na lang sya ng tawa.
Anna: “Ok, Shall we move on?”
MayAnn: “HAHA! I’ll be fine! Ok, sige, sige…”
Anna: “Naaalala kong may sinabi si Cedric. Nakausap ko nga pala sya bago sya umalis. Nagslip sya… Sinabi nya aalis daw sya this Friday, which is tomorrow. Sabi nya his flight is at 12:15 which means dapat wala na sya sa apartment nya ng mga 9 am. Pwede mo syang puntahan before OUR flight. Sabi daw ni Martin na late in the afternoon daw ang flight natin para hindi naman tayo magrurush. Kung gusto mo nga, pwede ko pang i-stall si Raph para sa yo.”
MayAnn: “Naku po, Ate, andami mo ng ginagawa para sa akin. Pati hanggang sa pag-stall kay Raphy, gingawa mo para sa akin! Salamat talaga! I really don’t know what I would do if I didn’t have you as my sister…"
Anna: “Sus, to naman. Ginawa mo pa tong drama series!” –Sabay tawa.
MayAnn: “Hindi! Totoo!”
Anna: “Ok! Ok! Basta, alam na natin ang gagawin natin?”
MayAnn: “Uhh, YEAH! Ikaw, maghihintay ka until the end of the weekend, at ako naman…”
Anna: “Hay naku Mich talaga o!!! Alam kong ayaw mo tong gawin, pero kailangan to! Just like how I need to wait until the end of the weekend di ba? So Mich, pupuntahan mo si Cedric bukas ng umaga, right?”
MayAnn: “Yes, ma’am!” –She said “saluting” Anna ng makulit.
Anna: “Ewan ko nga sa yo! Matulog ka na nga! Baka naghihintay na ang iyong lasing na prinsipe!”
MayAnn: “Haha! Nakisabay kasi sya kay Kuya Martin eh! At alam ng dalawa na hindi nya kaya si Kuya Martin! Hehe! Sige po, goodnight na!”
*At umalis sya at humiga sa tabi ni Raphy sa kama ng kwarto nya.*
Finally, on the front patio, Martin was alone and it was all quiet again. He went out to the steps of the front patio, and slowly started walking down, but stopped at the 2nd to last step, when he looked down and saw a small puddle on the very last step. In this puddle, he sees the reflection of the stars, and looks up to see the true beauty of them…
Martin: “Wow, ang ganda pala ng mga stars ngayong gabi,” he said as he skipped the wet step and just walked around abit in their small garden. “God, Itay ko, pasensya na at ngayon ko lang pala napansin na matagal na palang hindi kita kinausap ng ganito, or minsan nga, at all! Nakalimutan ko rin kung gaano pala kaganda ang mundo, if we would just pause a second or two, to just step back and watch the world around us. Magandang lugar ang mundo na meron kami. We’re so lucky to have such a God like you, and yet, we all take it for granted all the time. Nakakahiya lang talaga sa Creator namin dahil most of the time, nakakalimutan naming pasalamatan ang Dahilan ng mundo na ginagalawan namin. At kasama rin ako sa mga taong yun, dahil I really don’t thank you enough. Minsan sinusubakan kong idaan ang pasasalamat at ang mahal ko para sa yo, through my writing at sa music ko. Pero alam kong hindi yan sapat sa Greatness mo, ‘Tay… Pero ngayon Po, hindi lang pasasalamat at admiration ang binibigay ko sa yo, strength din po ang hinihiling ko sa Yo. Yung sapat na strength na kailangan ko para masabi ko yung totoo kay Anna.”
It’s silent again, and he is about to walk back up the patio steps, when he notices a small black and white dalmation puppy drinking from the puddle on the last step. It looks like it’s in pretty good condition, though it is as if its front left paw is a bit injured. Martin as a soft spot for animals just as Anna does. It was obviously a stray, and he knows Anna loves dalmations. So he takes the puppy to the backyard para malinis nya yung aso at para magamot nya yung paw ng aso. After he bathed and treated the puppy, pinakain nya ito at kinausap habang kumakain…
Martin: “You know kid, you’re just like me when I just got to Los Angeles. Ikaw kasi, you’re injured, and lost, and wala kang pamilya. Ako, when I just got to LA, my heart was broken, I felt like no one would help me, and I had no money in my pocket, kahit para sa pagkain man lang. Hindi ko rin pinaalam kay Raphy na pupunta ako dun, kaya hindi nya ako mapuntahan agad. For at least a week, I was on my own until I met a homeless man sitting at a corner reading. Nagulat ako dahil ngayon lang ako nakitang may homeless na nagbabasa. Sinabi nya sa akin na God taught him how to read. Hindi ko sya maintindihan. How could God teach him how to read? Hindi nga natin makita si God eh, di ba? Sinabi nya, nakakabasa lang daw sya kung yung Bible ang hinahawak nya. Yung homeless man na yun, he “gave” me God. From then on, hindi na ako nagutom, o na-lonesome, at lalo na’t binuksan nya ang pinto para maheal ni God ang puso ko. I hope I can do something like that for you.”
Hindi nya magawang ilabas yung aso sa backyard para dyan sya matulog, kaya dinala nya yung aso sa den, covered it with blankets, at sinabayan nya yung aso sa pagtulog so he could keep an eye on him.
I think I've had a long enough sabbatical... Kinda corny, but like Sarah, let's just say, I kinda have "inspiration" again... Hehe [img]https://sarahgeronimo.com/uploads/ipb/style_emoticons/legacy/smile.gif
I'm going to start writing again... This time, I'm going to write as many episodes as I can before posting anything. You know, more like a book kinda feel? Hehehe...
Just[/img]expect the next season to be released in November, ok?
Comments
^^ LOL!!!
*DON'T MIND THIS POST* lolol haha maling epi ang pinost ko... edit ko pa yung epi
Ang Nakaraan...
MayAnn: "Ate Cel, asan po yung coffee cup ko?"-She said as she started looking through the cupboards for her cup...
*Hindi sumagot si Ate Cel*
MayAnn: "Ate Cel? Anong nangyari sa yo? Ano yang hawak mo?" -She said as she still looked through the cupboards...
Ate Cel: "Uhh, Mich?..."
MayAnn: "Ho? Ahh, Ayan naman pala yung mug ko eh!!! Salamat 'te!" -As she said that, aalis na sana sya with her cup.
Ate Cel: "-Mich!..."
MayAnn: "Ano po yun?"
Ate Cel: "May kelangan ka yatang malaman eh..." -She said, handing the note to MayAnn...
*Napaupo si MayAnn sa tabi ni Yaya Cel*
Dearest MayAnn,
I’m sure alam mo na kung kanino nanggaling to, dahil alam kong ako lang ang gumagawa nito para sa yo. May gusto lang akong ipaalam sa yo eh. At alam kong hindi ko magawa to kung karaharap talaga kita, kaya susulatin na lang kita. Please don’t visit me, don’t try to stop me. It’ll just make things harder. Alam kong this isn’t the best way to leave things, pero let’s just call this fair. Wow, matagal na palang hindi ako nagsusulat. May naaalala tuloy akong babae. Sobra ko talaga minahal yung babaeng ito. Ang saya saya namin non. Pero di naman kami nagtagal eh. Hanggang ngayon, minamahal ko pa rin sya. Kahit kung iniwan nya lang ako sa ere, ok na yun sa akin, pinatawad ko na sya. Masyado ko sya mahal eh. Di ko sya matiis. Naaalala ko nga, nung junior year namin sa high school non, lagi ko sya sinusulatan ng ganito. Nilalagay ko yung mga notes sa tabi ng breakfast nya, o sinislip ko sa backpack nya pag nilalakad ko sya sa school, o minsan nga, nilalagay ko yung notes sa loob ng isa nyang books para mabasa nya pag”bad days” nya. Minahal talaga namin ang isa’t isa. –Noon. Sa mga sulat na binibigay ko sa kanya, lagging may puting rose petal sa loob ng bawat sulat. Yan kasi ang paborito nyang bulaklak eh. Pero bigla na lang yon natigil. Naalala ko pa yung date and time ko nalaman na umalis sya. It was November 12, 2001, at about 7:17 am. Susunduin ko sana sya para maisama ko sya sa school, pero nung dumating ako sa bahay nila, nalaman ko lang sa Ate nya yung tungkol sa pag-alis nya, or kahit sa offer man lang nya na may chance sya na tapusin ang pagaaral sa Amerika. Iniwan nya lang ako ng ganon-ganon lang na wala man lang warning o goodbye note. Umalis sya, at wala ako magawa. Pero in time, I learned to forgive her, and I only loved her more. Lagi ko iniisip na sana naaalala pa nya pa ako, yung mga sulat na binigay ko sa kanya… Ako, bawat letra ng bawat sulat na sinulatan ko para sa kanya, naaalala ko pa rin. Hinding-hindi ko talaga makalimutan yan. Pinapaginipan ko pa rin yan… -Yung junior year namin non at yung saya namin. Lagi ko pa rin sya sinusulatan, pero, I never end up sending a single one. Ayokong gulohin ang buhay nya sa Amerika. Dahil alam kong masaya sya sa bago nyang buhay don. Ayokong siraan yun. At nung narinig kong bumalik na sya sa Pilipinas, I never thought twice of visiting her. I never thought twice of visiting YOU, Ms. M. Nakalimutan ko ang lahat, nakalimutan ko kung bakit hindi ko sinend yung mga sulat ko, na nag-move on ka na, na gugulohin ko lang ang buhay mo. All I cared about was just seeing you again. At ngayon, naaalala ko na kung bakit hindi ko sinend yung mga letters. I'm sorry Ms. M. I’m sorry for everything. Nung binisita kita 3 weeks ago, nung sinuntok ko si Kuya Raphy… Ginulo ko lang ang buhay mo. I didn’t mean to. I just wanted you back. And that was wrong of me. Kaya, aalis na lang ako. Ms. M, aalis na ako ng bansa. At pagbalik ko, expect ko na magiging Mrs. M na yang name mo ah? Hehe. MayAnn Michelle Reyes, alam mong mahal kita, sobra pa nga eh! Kaya ko ginagawa to… Ayoko ng manggulo pa sa buhay mo. Alam kong mahal mo yang mokong na pare kong si Raphy, at kitang-kita ko naman na mahal ka rin nya, at aalagaan ka non. Be happy, Ms. M. –For me. I love you so, so, much.
Love Always,
CJ
*Naalala tuloy ni MayAnn yung rose petal, at hindi nya nakita sa loob nung letter or nung cup*
Ate Cel: “Mich, ok ka lang ba? Anong ibig sabihin nun? Sino si Cj? Anong hinahanap mo?”
MayAnn: “He wouldn’t…”
Ate Cel: “Who wouldn’t what?”
MayAnn: “Yung rose petal!! Asan ba yun?! Ate, may nakita ka bang maputi na rose petal nung binuksan mo yan?”
Ate Cel: “Hindi eh. Teka, IKAW yung babae na sinasabi nya sa letter?!” (Ate Cel is a newer yaya, kaya hindi nya alam yung drama ng pamilya nila)
MayAnn: “Hindi, of course not!!! Uhh, baka lang kasi…”
*She just sits down and accepts the fact he wouldn’t give her a rose petal after all these years*
MayAnn: "Nevermind na lang ‘ya. Alam mo ba kung totoo to?" -She said a little worried, and already close to tears...
Ate Cel: "Sorry Mich, hindi ko talaga alam eh... Basta titimplahin ko na sana yung kape mo kanina, nung nakita ko yan sa cup mo... Parang may nagpapaalam pero walang name na nakalagay... Initials lang. Kilala mo?"
*MayAnn is just staring at the note, hoping it isn't who she thinks it is... -Si Cedric...*
MayAnn: "I have someone in mind. Pero sana mali ko..."
MayAnn is still in shock, and Yaya Cel still doesn’t completely understand what’s going on. It’s now been about 20 minutes, at napansin ni Ann na parang nagsastall lang sya sa wala dahil hindi pa nga lumalabas ng kitchen si MayAnn, kaya pinuntahan na lang nya ito.
*Pagpasok nya, muntik ng umiiyak si MayAnn, at nakita nyang may hawak syang papel.*
Anna: “May, kala ko ba pupuntahan mo si Cedric?”
*Hindi sumagot si MayAnn*
Anna: “May? Ok ka lang ba? Anong nangyari sa yo?”
*Walang masabi si MayAnn*
Anna: “Mich! Sagutin mo nga ako! ‘Ya, anong nangyari sa kanya?”
*Sasagot ng totoo sana si Ate Cel, kaya lang…*
MayAnn: “Ate! Uhh, Yaya Cel, pwede mo na kaming iwan… Salamat sa… sa tulong mo.”
Yaya Cel: “Ah, opo”
MayAnn: “Ate Anna, ok lang ako… Promise.. May- May nagsulat lang kasi sa akin eh… Medyo nagulat lang ako sa balita… Yun lang… hehe”
*She said, swiftly putting away the letter*
Anna: “Sigurado ka?”
MayAnn: “Oo!! Sigurado nga eh!”
*Tumayo si MayAnn at lalabas sya ng kitchen*
Anna: “Ok, ok! No need to be all mean about it! –Teka, may white roses ba tayo dito?”
*Natigilan si MayAnn*
MayAnn: “Bakit?” –She said as she turned around to look at Anna.
Anna: “Hindi, may puting rose petal kasi dito eh. Di ko lang alam kung san nanggaling kasi wala tayong maputi na roses dito. Mukhang na-squish pa ito sa loob ng book or something…”
MayAnn: “Pa-tingin nga!”
*She rushes over to Anna*
Anna: “Oh, bakit parang importante yan sa yo? Rose petal lang kaya yan!”
Mayann: “Ha? Di naman! Alam ko naman yun ‘no! Uhh, maganda lang kasing tingnan eh… Yun lang… San mo to nahanap?”
Anna: “Sa ilalim lang ng table, bakit?”
MayAnn: “WALA NGA!”
*And she hurries out the kitchen, past the 2 boys in the family room, and into her bedroom*
Anna: “May! Teka nga!” –She yelled from the entrance of the kitchen
Raphy: “Woah, what’s with her?” –He says to Anna.
*Anna just ignores him and runs to follow MayAnn into her room*
Raphy: “What’s with them?”
Martin: “Bro, trust me. Ayaw mo talagang malaman kung ganon ang drama ng mag-kapatid.”
Raphy: “Well, ok then… Let’s just get back to the game.”
*Sa kwarto ni MayAnn…*
Nakaupo lang si MayAnn sa kama nya. Nakatalikod sya sa pinto, at hawak nya yung box ni Anna. “Ano bang problema mo!?”, sabi ni Anna pagpasok nya sa kwarto. She wipes the falling tears on her face as she says, “Wala…”, and she turns around. “Wala, ok lang ako… Sorry sa nangyari kanina ah? Medyo, uh… May naisip lang ako nung nakita ko yung rose.” –She said, forcing a smile. “May, you are not ok,” sabi ni Anna as she walks over to MayAnn, “Ate mo ako, you can tell me anything! Ano bang nangyayari sa yo?” Tumahimik muna si MayAnn, then sumagot sya. “Ate, wag mo na akong abalahin. Ok lang talaga ako. But there is something I want to show you. It’s just- Uhh, nevermind… I don’t think it’s the right time.” Hindi na tinapos ni MayAnn yung sasabihin nya. “Hindi, Mich, kausapin mo ako. Anong hindi mo masabi?” MayAnn replies, “May nahanap lang kasi ako sa chest mo eh. Mukhang sadya mo noon na itago dahil it was in a secret compartment ng chest. It seems like it was one of the most important things to you. Eto o…” MayAnn pulls out the box from under her bed, takes out the ring necklace she found, and holds it up for Anna to see. Medyo nagulat si Anna dahil nung ginawa ni MayAnn yung gesture na yun, parang may naalala syang lalaki na gumuwa nyan sa kanya. At ang mukha na nakita nya’y mukha ni Martin. In this particular flashback, she sees Martin holding up the ring necklace as he slowly gets off one knee to put it on her. Tapos bigla na lang nawala ang naaalala nyang flashback. “Let me see that!” Sabi ni Anna as she aggressively grabbed the necklace by the ring. Just as she did that, all her memories from the two years she lost, all came flooding back to her. Napa-iyak na sya sa naaalala nya, dahil naaalala nya ang lahat. Yung rason nung gabing yun kung bakit nya pupuntahan si Martin, yung moment of the accident, at na nakaengrave pala ang names nila ni Martin sa loob ng singsing at sa top ng chest. When all the flashbacks went away, she looked at her stomach and held her hand there. “I guess naaalala mo na those 2 years of your life? Ok ka lang ba?”, sabi ni MayAnn. Shocked pa rin si Anna sa bilis ng pangyayari. Tiningnan nya lang yung loob ng singing, at nakaengrave nga ang names nila,
Anna: “I was supposed to marry him…” –She said as she sqeezed the ring in her hand.
MayAnn: “Ha? Ate, nalilito ako sa yo. Sinong dapat mong pakasalan? Teka, engagement ring nyo ba yan ni Kuya Martin!?”
*Umiiyak na si Anna nung sumagot sya…*
Anna: “May, naaalala ko na ang lahat…”
MayAnn: “Alam ko na kaya yun ‘no! I’m lookin for the details now!”
Anna: “Sis, ikaw lang ang may kakaalam nito…”
MayAnn: “Hay naku Ate, ba’t andami mong secrets?!” –Biro ni MayAnn…
Anna: “Aba, you’re one to talk! Ikaw kaya ang unang nabuntis sa atin!”
MayAnn: “Touche… -Teka, Una?! NABUNTIS KA!?”
Anna: “SSSHHH!!! Ano bang problema mo!? Do you want the whole house to hear?!”
Mayann: “Ay, sorry po, NA-BUNTIS KA?!” –She said in a whisper.
Anna: “Hay naku! AS I WAS SAYING, ikaw lang ang may kakaalam nito… Ng buong katotohanan ng past ko… Kaya magshattap ka nga after this, ha?”
MayAnn: “Cross my heart po… [img]https://sarahgeronimo.com/uploads/ipb/style_emoticons/legacy/smile.gif” Anna: “Alam ko kung bakit ako nagkaaksidente noon…” *The setting changes to that tragic night on August 24, 2003; as Anna starts telling her side of the story. It was five years ago.* Anna: “I think alam mong nagkaaksidente ako nung “bibisitahin” ko si Martin,” she said with air quotes around bibisitahin, “pero hindi yun ang buong story. Hindi ko sya pinuntahan para bisitahin.” *Nag-silent pause si Anna, at parang iiyak ulit sya.* MayAnn: “Ate, you know hindi mo kelangang sabihin sa akin to, kung hindi ka pa handa di ba?” –Mayann said, trying to comfort Anna. Anna: “I’m sorry, hindi. Gusto kong gawin to.” –She wipes her eyes with her sleeves, and goes on. Anna: “Hindi ko pinuntahan si Martin that night, para lang makita’t mabisitahan ko lang sya… Nagaway kasi kami nina Mama at Papa eh. Tungkol sa amin ni Martin. It was just me, and them dun sa living room. It started out, as a quite civilized talk naman. That is, until… Well, you know how they can get… You had to fight for your relationship with Cedric! Pero you 2 ended up rather happy in the end pa rin di ba?… Anyway, nahihirapan lang kasi si Martin sa school non eh! And well, he wasn’t the best known student ng mga deans sa college namin non… Let’s just say, he threw a medyo wild dorm party with the senior dean’s daughter there… I think you can imagine how that party ended. Pero I was able to turn him around somehow. Ako ang naging tutor nya. I admit, I never liked him, and I never WANTED to help him. Pero medyo hindi rin maganda ang grade ko sa isa kong test sa anatomy, at sinabi ng teacher naming na kailangan ko syang i-tutor para lang may makuha akong passing grade. Kilala ko ang tipo nya non. At alam ko rin ang pinasukan ko. Pero yan lang talaga ang magawa ko para makapasa ako. I didn’t want to waste my time with him, at alam nyang he needed me just as much as I needed him. Dahil hindi sya makakapagbasketball pa kung hindi nya ma-up yung grades nya, at alam kong hindi ako makapasa sa anatomy kung hindi ko sya tinulungan. Simula non, sinigurado ko na hindi sya nagparty ng ganon at least on school nights. At first, nagrebelde sya, syempre… Sya yung tipong…- ANYWAY! Nakita na nyang he did need to get his grades up kung gusto nyang magbasketball pa. Kaya in a way naman, sinundan nya ako. Tapos hindi ko ginawa to ah! It just, sort of happened. Pero nung tinanong ko sya… Lagi na lang nya sinasabi na ako ang dahilan…” MayAnn: “Dahilan ng ano?” Anna: “-I’m getting to It! I’m getting to it! Eh, hindi lang kasi grades nya ang naayos nya. Yung life nya rin, nung tinututor ko sya, napansin ko na slowly tumigil ang drinking nya, tapos nagstudy na lang sya instead of party sa bahay ng kaibigan nya. At tumigil na rin sya sa panloloko nya sa mga babae. At lagi nya sinasabi na ako ang dahilan kung bakit nya napaturn around ang life nya. Sabi nya gusto nya akong ligawan, pero alam nyang hindi ko sya tatanggapin kung ganon sya. –Nagtapat sya sa akin. Alam kong may iba rin akong pakiramdam sa kanya non… Pero hindi ko pa alam kung ano ba talaga yun. At syempre, hindi pa rin ako sigurado kung serioso nga sya sa akin. Dahil buong buhay ko, neighbors kami. Ako yung medyo shy na lagging straight A’s at medyo geeky na kid. At sya yung lagging lumalabas, lagi sya yung cool kid on the block, at only passing lang yung grades nya. Hindi ko alam na magkakagusto pala kami sa isa’t isa sa future. Dahil nga, galing kami sa iba-ibang mundo. But eventually, mga ilang months ba? I think 6 months sya nanligaw sa akin, tapos sinagot ko sya. It was February 14. Ang sweet lang talaga kasi ng ginawa nya for me that day eh. But I won’t get into that… Sa amin ni Anthony na lang yan.” –Nagulat pareho sila Anna at MayAnn sa sinabi ni Anna. MayAnn: “Ate?” Anna: “Hi-hindi ko alam ang nangyari… Naaalala ko kasi ang lahat… Tapos, nadala ako. Anthony lang ang lumabas sa bibig ko. Naaalala kong Anthony ang lagi kong sinasabi dati. I guess, my past is just, really back…” *Natahimik muna ang kwarto… Then to break the silence…* MayAnn: “Ate, ano ba talagang pinagawayan ninyo ni Mama at Papa?” Anna: “Yun nga… Yung hindi pa rin sila naniniwala na nagchange na sya kahit 2 years na ang nakalipas at kahit isang inom lang, hindi nya tinikman.” MayAnn: “Yun lang?” Anna: “Bakit parang pinabuking mo ako!?” MayAnn: “May sinasabi ba akong ganyan!? Haha!” Anna: “OK! OK!!! You don’t need to beat it out of me! I got really mad at them after that conversation. I pretended I went up to my room, but I actually slipped out through the attic. May dinala akong papeles. It was an ultrasound. –Of the baby.” MayAnn: “[/img]
Anna: “Yan lang ba ang magawa mo? Pero yun nga ang dahilan kung bakit ko pinuntahan si Martin that night…”
MayAnn: “Well how far along were you?”
Anna: “Almost a month na. Hindi ako masyado natakot kung anong masabi ni Martin, dahil pinagusapan naman namin kung ano bang gagawin namin kung sakaling maabuntis nga ako. At alam kong mahal nya ako. Dapat nga kami makasal eh!”
MayAnn: “Teka, sabi mo you were ALMOST one month na. You’re accident was ALMOST one month after he PROPOSED, di ba? Yung night nagpropose sya sa yo, I bet you two were probably just as happy as me and Raphy were. Naconceive ba yung bata sa gabing yun?”
Anna: “Oo.” –Ang tipid sagot ni Anna.
MayAnn: “So, ano na bang gagawin mo ngayon? I-coconfront mo ba si Kuya Martin dahil hindi nya sinabi sa yo? But if you do po, hiniling ni- Uhh, hiling ko lang na sana pahandain mo muna sya.”
Anna: “Hindi ikaw yung humihiling. Sino ba? SI MARTIN?! ANO BANG SINABI NYA SA YO TUNGKOL DITO?!”
MayAnn: “HINDI! Ate, WALA! Hindi si Martin! –Si Raphael. Nakita nya kasi yung box. Sya yung napansin na name pala ni Kuya Martin yung nakalagay dyan. Tinuruo nya sa akin yun. Tapos yun, hiniling nya sa akin na ipahanda ko raw muna si Kuya kung may gagawin ka.”
Anna: “Ohh… I’ll do something alright!”
She storms out the room, very, very upset. Humabol lang sa kanya si MayAnn, trying to hold her back dahil kilala nya ang ate nya at alam nya ang kaya nya pag-galit sya. Pero walang magawa si MayAnn. Bumababa ng stairs na si Anna, with MayAnn running, trying to stop her. Gustong suntokin ni Anna si yung dalawang si Martin at Raphy. Si Raphy, dahil wala sya sinabi kay Anna agad, at si Martin dahil nagsinungaling lang sya the whole time. Pero nung nakaharap na nya yung dalawa...
MayAnn: “ATE WAG!-” –She said holding Anna’s arm.
Martin: “GIRLS! Andito na pala kayo! May surpresa kami ni Raphy para sa inyo.”
Raphy: “Dadalhin ka naming sa Davao para mameet ang parents namin! This weekend girls! We’re leaving tomorrow, THREE DAYS!” –Masaya nila sinabi ito.
*Napanganga si Anna dahil sa sinabi ng boys sa kanila.*
MayAnn: “Aren’t you glad you didn’t?” –She said in a whisper with a little sarcasticsm.
Anna: “Ok! Ok!” –She said trying to shut MayAnn up.
Martin: “Ano? Di ba kayo masaya?”
Anna: “Masaya…” –She said forcing a smile. She continued, “Uhh, teka lang ah?”
*She moves MayAnn back with her to the bottom of the stairs so she could talk to her*
Anna: “ALAM MO?!” –She said raising her voice a bit, but still in a hushed tone…
MayAnn: “NYAY! Na ano?” –Gulat nyang pag-sabi
Anna: “Ano-ano ka pa dyan! Na dadalhin tayo ng mga yon sa pamilya nila!”
MayAnn: “Ahh yun…” –She paused a minute, “Ah, eh kasi... Hindi- Uhh…”
Anna: “Ano?! Sabihin mo!”
*Kita nila Martin na medyo nagfafight yung dalawa, kaya sumulpot sya sa usapan…*
Martin: “Girls, ok lang ba kayo? Parang medyo tense kasi kayo eh…”
MayAnn: “Just go along with me…” –She said in a whisper to Anna…
MayAnn: “Ahh… Ok lang… Hehe, sorry kasi may usapan kasi kami ni Ate… At ahh, this weekend dapat natin gagawin yun.-”
Raphy: “Talaga, eh kung ganon, pwede naman naming sabihin kila Mommy na next weekend-”
MayAnn: “Hindi!! Uhh, hindi naman sya ganon ka-importante eh. We can always hold it off…”
*Anna slickly slaps May on the arm and whispers to her…*
Anna: “Ano bang ginagawa mo?!”
MayAnn: “Hehe…” –And just shoots one of her “oh so cute” smiles at Raphy which he can never resist.
MayAnn: “Shh, tumigil ka. Wait, mamaya ko sasabihin.” –She whispered to Anna; still smiling at Raphael.
*Nahalata ni Martin na parang iba yung kilos ng dalawa, at agad sya nakabahan at nalito sa kanila.*
Mamaya naman sa front patio kung saan nagiinuman ang magkapatid na sila Martin at Raphy…
Martin takes a deep, heavy breath na parang ang lalim ng iniisip nya, before he asks Raphy, “Bro, kanina, may napansin ka ba na parang medyo iba or parang something’s up with the girls? Nung sinabi natin sa kanila na bibisitahin natin sila Mom and Dad.” Nagulat si Raphy sa tanong ni Martin dahil alam nya na kahit minsan, hindi sya nagdududa kay Anna. Pero noon nga pala yun. “Kuya? Nagdududa ka ba kay Ate Anna? Parang hindi yata ikaw yan eh…” sabi ni Raphy. “Noon yun, nung wala ako tinatago sa kanya. Alam mo yun Raph. At ayoko talagang mabuhay pa ng ganito na hindi ko sinasabi sa kanya yung totoo… Kaya, I’ll take which will probably be the only chance for me to tell her the truth, when we go to Mom and Dad’s this weekend.” Ang sinagot ni Martin… Medyo “pinayo” ni Raphy yung Kuya nya nung narinig nya yung sinabi nya… “Naku kuya ah, kilala kita. At sana kaya mo talaga yan paningdigan at tuparin…”
*Raphy downs his last shot real quick and says…*
Raphy: “AGGHH!... That’s enough! Tapos na ako! Kuya, tandaan mo yang sinabi ko ah? Akyat na ako ah? Sasabayin ko na ang akong FIANCE!” –He said a little buzzed, but still managing to get up the stares pretty well.
Martin: “Yun lang naman pala ang gusto mo eh! Inom tapos akyat sa babae mo!” –Makulit sya sumigaw kay Raphy na papunta na sa taas.
Sa kwarto naman ni Mama at Papa, naguusap sila tungkol sa plans ng mga bata…
Mama: “I guess hindi mo pa alam yung plano ng mga bata for this weekend?”
Sinabi nya ito dahil nakita nyang nagrerelax lang si Mr. Reyes, at may binabasa syang libro.
Papa: “Hindi nga, bakit? Anong plano nila Mich at Raphael?”
Mama: “Hindi lang sila Mich at Raphael ang may plano. Sasama rin sa dalawa si Martin at Anna. Pupuntahan nila ang parents ni Raphael at Martin sa Davao.”
Papa: “ANO?! BAKIT MO SILA PINAYAGAN!? Di mo ba naisip na pwede yan maging paraan ni Martin para masabi nya kay Anna yung totoo?!”
Mama: “Wag mo nga akong sigawan! Baka gisingin mo pa yung mga bata! And besides, hindi ako tanga, no! Yun NGA ang iniisip ko! Pero wala kaya ako magawa! Wala ako masabi dahil andon si Raphael!”
Papa: “Eh, ano na ngayon? Anong gagawin natin? Kung kilala ko yang mokong na yan, hindi lang si Anna ang kukunin nya sa atin, sasabihin pa nya yung totoo sa kanya!”
Mama: “Hun, I have a feeling there’s nothing else we CAN do anymore…”
Mrs. Reyes decided to just end the conversation by turning out the light and lying down with her back faced to Mr. Reyes. Pero may binulong pa si Mr. Reyes after pinatay ni Mrs. Reyes yung ilaw…
Papa: “Hindi, hindi ako papayag.”
Mama: “Ha? May sinabi ka?”
Papa: “Hindi, wala. Matulog ka na lang.”
Sa kwarto naman ni MayAnn, nakapasok na si Raphy sa nya, pero wala sya don. Hahanapin nya sana si MayAnn kaya lang nung umupo sya sa kama, nakatulog na agad sya. Pero mas mabuti pa yata na hindi na lang nya hinanap si MayAnn dahil nasa kwarto ni Anna sya at naguusap sila. –Si MayAnn, yung tungkol kay Cedric, at si Anna yung tungkol kay Martin.
Anna: “Hay naku!! Nakakabwisit talaga yang Anthony na yan!”
MayAnn: “Ate?”
Anna: “Ah, si… Si Martin pala… Sorry, ngayon na alam ko na yung nakaraan ko, parang nagcocollide na ang alam ko. Anthony kasi ang tawag ko sa kanya noon eh… Para maiba naman ang tawag ko sa kanya compared sa iba. O minsan nga, Tony pa ang tawag ko sa kanya.”
MayAnn: “So, ‘te, kelan mo sya ibubuking? Bukas na nga tayo aalis for Davao! Teka, BUKAS NA NGA TAYO AALIS! Pero, pano na ba kami ni– Uhmm, pano na ba si Cedric?! Di ko pa sinasabi sa kanya!”
Anna: “SHTTT! Teka!! Tumigil ka!!! Ako pa kaya yata ang nawalan ng 2 years of memory for 5 years at ngayon ko lang naalala kaya problema ko muna ang isipin natin!”
MayAnn: “Ok, ok! Eh, di ba pupuntahan natin ang mga magulang nila this weekend, sa bahay nila? …Yung dating bahay ni Martin?”
Anna: “Uhh, oo nga…”
MayAnn: “Baka parte ito ng plan nya para sabihin sa yo yung totoo…”
Anna: “Eh pano ba kung wala nga syang planong sabihin sa akin?!”
MayAnn: “Hay, BASTA! Ate, antayin mo na lang ng 3 days for him to tell you, at kung walang mangyari after, ibuking mo na sya and I’ll even allow you to go all Kill Bill on him if you want to to. Just remember to keep the blood to a minimum…
Anna: “Hay, sige. Sana may balak nga syang sabihin sa akin yung totoo…”
MayAnn: “Ok, ok na ba?”
Anna: “Ok na ok… :]”
MayAnn: “Good! Ngayon, AKO NA! PROBLEMA KO NA ANG ISIPIN NATIN! TULUNGAN MO NA NGA AKO!”
-Sabay nya sinampal si Anna sa braso nya.
Anna: “ARAY! Ok! Ok!!! Magiisip ako para say o! Basta wala ng sampalan! Pati yung panampal mo, naalala ko… Ang sakit mo pa rin manampal!”
MayAnn: “Why thank you!”
-She said in a cute, and yet sarcastic way…
MayAnn: “Ay, teka nga, YOU’RE NOT HELPING ME!”
-Sasampalin nya ulit si Anna pero nakita nyang nagflinch big time si Ate Anna kaya tumawa na lang sya ng tawa.
Anna: “Ok, Shall we move on?”
MayAnn: “HAHA! I’ll be fine! Ok, sige, sige…”
Anna: “Naaalala kong may sinabi si Cedric. Nakausap ko nga pala sya bago sya umalis. Nagslip sya… Sinabi nya aalis daw sya this Friday, which is tomorrow. Sabi nya his flight is at 12:15 which means dapat wala na sya sa apartment nya ng mga 9 am. Pwede mo syang puntahan before OUR flight. Sabi daw ni Martin na late in the afternoon daw ang flight natin para hindi naman tayo magrurush. Kung gusto mo nga, pwede ko pang i-stall si Raph para sa yo.”
MayAnn: “Naku po, Ate, andami mo ng ginagawa para sa akin. Pati hanggang sa pag-stall kay Raphy, gingawa mo para sa akin! Salamat talaga! I really don’t know what I would do if I didn’t have you as my sister…"
Anna: “Sus, to naman. Ginawa mo pa tong drama series!” –Sabay tawa.
MayAnn: “Hindi! Totoo!”
Anna: “Ok! Ok! Basta, alam na natin ang gagawin natin?”
MayAnn: “Uhh, YEAH! Ikaw, maghihintay ka until the end of the weekend, at ako naman…”
Anna: “Hay naku Mich talaga o!!! Alam kong ayaw mo tong gawin, pero kailangan to! Just like how I need to wait until the end of the weekend di ba? So Mich, pupuntahan mo si Cedric bukas ng umaga, right?”
MayAnn: “Yes, ma’am!” –She said “saluting” Anna ng makulit.
Anna: “Ewan ko nga sa yo! Matulog ka na nga! Baka naghihintay na ang iyong lasing na prinsipe!”
MayAnn: “Haha! Nakisabay kasi sya kay Kuya Martin eh! At alam ng dalawa na hindi nya kaya si Kuya Martin! Hehe! Sige po, goodnight na!”
*At umalis sya at humiga sa tabi ni Raphy sa kama ng kwarto nya.*
Finally, on the front patio, Martin was alone and it was all quiet again. He went out to the steps of the front patio, and slowly started walking down, but stopped at the 2nd to last step, when he looked down and saw a small puddle on the very last step. In this puddle, he sees the reflection of the stars, and looks up to see the true beauty of them…
Martin: “Wow, ang ganda pala ng mga stars ngayong gabi,” he said as he skipped the wet step and just walked around abit in their small garden. “God, Itay ko, pasensya na at ngayon ko lang pala napansin na matagal na palang hindi kita kinausap ng ganito, or minsan nga, at all! Nakalimutan ko rin kung gaano pala kaganda ang mundo, if we would just pause a second or two, to just step back and watch the world around us. Magandang lugar ang mundo na meron kami. We’re so lucky to have such a God like you, and yet, we all take it for granted all the time. Nakakahiya lang talaga sa Creator namin dahil most of the time, nakakalimutan naming pasalamatan ang Dahilan ng mundo na ginagalawan namin. At kasama rin ako sa mga taong yun, dahil I really don’t thank you enough. Minsan sinusubakan kong idaan ang pasasalamat at ang mahal ko para sa yo, through my writing at sa music ko. Pero alam kong hindi yan sapat sa Greatness mo, ‘Tay… Pero ngayon Po, hindi lang pasasalamat at admiration ang binibigay ko sa yo, strength din po ang hinihiling ko sa Yo. Yung sapat na strength na kailangan ko para masabi ko yung totoo kay Anna.”
It’s silent again, and he is about to walk back up the patio steps, when he notices a small black and white dalmation puppy drinking from the puddle on the last step. It looks like it’s in pretty good condition, though it is as if its front left paw is a bit injured. Martin as a soft spot for animals just as Anna does. It was obviously a stray, and he knows Anna loves dalmations. So he takes the puppy to the backyard para malinis nya yung aso at para magamot nya yung paw ng aso. After he bathed and treated the puppy, pinakain nya ito at kinausap habang kumakain…
Martin: “You know kid, you’re just like me when I just got to Los Angeles. Ikaw kasi, you’re injured, and lost, and wala kang pamilya. Ako, when I just got to LA, my heart was broken, I felt like no one would help me, and I had no money in my pocket, kahit para sa pagkain man lang. Hindi ko rin pinaalam kay Raphy na pupunta ako dun, kaya hindi nya ako mapuntahan agad. For at least a week, I was on my own until I met a homeless man sitting at a corner reading. Nagulat ako dahil ngayon lang ako nakitang may homeless na nagbabasa. Sinabi nya sa akin na God taught him how to read. Hindi ko sya maintindihan. How could God teach him how to read? Hindi nga natin makita si God eh, di ba? Sinabi nya, nakakabasa lang daw sya kung yung Bible ang hinahawak nya. Yung homeless man na yun, he “gave” me God. From then on, hindi na ako nagutom, o na-lonesome, at lalo na’t binuksan nya ang pinto para maheal ni God ang puso ko. I hope I can do something like that for you.”
Hindi nya magawang ilabas yung aso sa backyard para dyan sya matulog, kaya dinala nya yung aso sa den, covered it with blankets, at sinabayan nya yung aso sa pagtulog so he could keep an eye on him.
ABANGAN
Antayin nyo po yung Season Two... yung let's say epi 26 to around epi 50 (SANA haha)
BASTA!!! We'll be having a bit of a break na... Isa po, kasi may personal issues ako, and 2, kasi busy rin si Ann...
ganyan ang nagagawa ng kaadikan! lol....