Sarah G. gusto ring magsulat ng sariling kanta (16Mar12)

SHOW-MY Ni Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) Updated March 16, 2012

Sarah G. gusto ring magsulat ng sariling kanta*
Sa kabila pala nang pagiging pop princess ni *Sarah Geronimo*, meron pa siyang wini-wish : “Gusto ko someday, matutunan kong magsulat ng sarili kong kanta, magkaroon ng courage na magsulat ng sarili kong kanta, at maraming collaboration with other artists,” sabi niya sa kanyang website na sarahgeronimo.com.
Minsan din ay nangangarap siya ng international stardom. ‘Yun ay kung mabibigyan daw siya ng chance.
“In *God’s* will, mabigyan din ako ng pagkakataon na bigyan ng honor ‘yung bansa natin or make it sa international music scene kung gusto ni *Lord*,” dagdag ni Sarah.

source: http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=787533&publicationSubCategoryId=96

Comments

Sign In or Register to comment.