Gerald at John Lloyd pagsasabayin ni Sarah? (13May12)

edited May 2012 in 24/SG
Gerald at John Lloyd pagsasabayin ni Sarah?
SHOW-MY Ni Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) Updated May 13, 2012
Malamang na pareho raw mag-apir sa concert ni Sarah Geronimo, SG/24 na gaganapin sa Araneta Coliseum sina Gerald Anderson and John Lloyd Cruz.
Parehong nakasama ni Sarah ang dalawa sa pe*likula pero mas malakas ang kilig ngayon kina Sarah at Gerald bilang balitang magkarelasyon na ang dalawa.
Pero nang huling makausap ng press si Sarah, wala pa siyang kino-confirm na guest sa kanyang dream concert.
Pag nagkataon parehong nasa Big Dome ang dalawa, naku tiyak na kikiligin ang lahat ng mga ma*nonood lalo na nga’t wala na ring sabit si John Lloyd na minsan na ring na-link kay Sarah pero pinag-usapang naging kontra ang nanay ni Sarah dahil inilihim sa kanila ang ginawa nitong panliligaw sa popstar.
May ginagawa sana silang pelikula pero naudlot dahil inuna ni John Lloyd ang The Mistress na balik-tambalan nila ni Bea Alonzo.
Anyway, isa pang balita ng isang malapit kay Sarah na as of last Friday almost three million na raw ang benta ng tickets para sa 24/SG concert. “Ang lakas. Nung first day na lumabas, marami na agad nagbilihan,” say ng baklitang source na taga-Viva.


http://www.philstar.com/Article.aspx...bCategoryId=96

Comments

Sign In or Register to comment.