Relasyon nina Sarah at Gerald mas lumalim na- Philippine Star - May 30
Relasyon nina Sarah at Gerald mas lumalim na
Philippine Star
May 30, 2012
Isang pelikula ang muling pagtatambalan nina Sarah Geronimo at Gerald Anderson. Isang story conference na ang naganap kamakailan para sa bagong pelikula ng dalawa.
Ngayon ay mas inspirado na si Gerald sa muli nilang pagtatambal ng Pop Princess dahil nagkakamabutihan na rin sila sa totoong buhay.
“It’s going to make our working relationship much better than our past movies kasi mas kilala na namin ang isa’t isa. Hindi na kami masyadong mangangapa, mas magiging madali kasi dati hindi naman ako pinapansin ni Sarah,” nakangiting pahayag ni Gerald.
“Grabe ang mga hinanakit ko. Hahaha! Hindi kami masyadong nag-uusap nun. Hindi, na-excite ako kasi mas bonded kami. May alam na rin ako tungkol sa kanya. Alam ko mag-e-enjoy kami at si Direk Cathy (Garcia-Molina) alam kong magaling na direktor, we’re in good hands,” sagot naman ni Sarah.
Ano na nga ba ang tunay na estado ng relasyon nina Sarah at Gerald ngayon?
“We’re good, siguro lately busy si Sarah. Ako rin nag-start mag-shoot kaya hindi ganun kadalas ’yung pagkikita namin pero kapag nag-umpisa na kami mag-shooting ng bago naming movie, mas okay. Basta ngayon, mas close kami, mas madami kaming alam sa isa’t isa. Sapat na sabihin namin na talagang may growth mula nung makilala ko siya at nag-start na ’yung journey namin to get to know each other better, ang layo na talaga. Ako nga minsan hindi makapaniwala na, ‘Wow! I got to know her this much and this deep.’ Siguro sapat na ’yun.
“There’s always something for the fans at ’yung personal, para sa akin, para sa kanya,” paliwanag pa ni Gerald.
Natatawang say naman ni Sarah: “Siguro masasabi ko rin may growth na ’yung friendship namin. Basta happy lang ako kung anong meron kami ngayon at happy ako na magkakatrabaho ulit kami.”
Link: http://www.philstar....ubCategoryId=96

Comments
[font=verdana,geneva,sans-serif]ayieee...#GO GO GO ASHRALD! - - - - - - - - - >> Sarah's Status: Not Single, Not Taken! Reserved For Gerald?![/font]
thanks for sharing