Matapos kumita ng P382 million, pelikula nila Sarah ibabalik sa mga si

Thank you ms. Salve asis for this very nice article. ang tagal mag labas ng figure ng star cinema. I truly agree na ang laki ng chance ni Sarah to get an acting award for this movie.
Comments
Ni Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) | Updated May 1, 2013 - 12:00am
John Lloyd at Sarah
MANILA, Philippines - Babalik daw sa ibang mga sinehan starting today ang It Takes A Man and A Woman, ang pelikula nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo na pinilihan sa mga sinehan nang ipalabas ito noong Sabado de Gloria pa. Marami pa raw kasing mga nagre-request na ipalabas ito uli. Although hindi naman daw ito naalis sa ibang mga sinehan.
Ayon sa report na natanggap ko, as of April 29, umabot na sa P382,670,704.91 million na ang kinita ng pelikula.
So kung babalik ito sa mga sinehan baka umabot na sa mahigit P400 million ang kita nila.
Speaking of Sarah, isang source ang nagkuwento na hold muna ang gagawin sana niyang drama anthology na Sarah G. Presents. Say ng source, hindi kakayanin ni Sarah ang schedule dahil masyadong mahigpit ang taping ng The Voice of the Philippines kung saan isa siya sa mga judges kasama sina Lea Salonga, Apl.de Ap and Bambo.
Kung sabagay mas okey na rin na mag-The Voice muna siya. Wala na naman siyang patutunayan kung kantahan at aktingan din lang naman ang pag-uusapan. Dito nga sa It Takes A Man And A Woman, maraming nagsasabi na malakas ang laban niyang maging best actress dahil pinatunayan niyang kaya niyang umarte sa dramahan man o kakikayan.
ang tagal nga nilang magbigay ng gross update... sana kung kasama pati gross sales ng international screenings, ang laki-laki ng lamang ng ITAMAAW sa ibang mga top grossers na movies of all time....
thanks for sharing ate G.
best actress!!!
congrats sa buong staff & crew, ms, carmi raymundo, direk cathy molina sa napaka gandand pelikula it takes a man & a woman
naiimagine ko na ang pagtanggap ni bebe ng award para sa best actress...ang sarap isipin.