"Boses ni Sarah nakaka-in love"

edited March 2005 in News and Articles
PJI - 26Mar05ANG pagiging karinyoso ni Joross Gamboa ang nagustuhan ni Roxanne Guinoo. Kaya kahit may bad publicities ang SCQ questor ay hindi iniinda ng maganda at napakahinhing dalaga.

"Pilyo man si Joross, pero napakabait niyang tao. Alam ko, he's matured now at nagpapakabait na nang husto," pagtatanggol ni Roxanne sa binata.

Ang palaging magkasama ng dalawa ang nagtulak kay Roxanne para lalong kilalanin ang katauhan ng young actor.

Napatunayan naman niyang kahit lapitin sa mga babae ang kanyang ka-loveteam ay marunong naman daw itong tumanggap ng mga kamalian.

Sa balitang magma-migrate sa U.S. si Joross, sinabi nitong pakikiusapan daw niya ang kanyang mom na dito muna siya sa 'Pinas. Inamin din niyang hindi nito maiiwan si Roxanne lalo na ngayong lumalalim nang husto ang kanilang relasyon.

Napatunayan kasi ni Joross na kahit panay ang tira sa kanya ng ibang press people, eh, lagi daw andiyan si Roxanne na nagbibigay suporta sa kanya. Hindi daw kaagad-agad naniniwala ang dalaga sa mga balita. Tinatanong daw siya nito kung totoo o hindi ang mga lumalabas against him. Kapag nagpapaliwanag siya ay nakikinig ang dalaga. 'Yun daw ang lalo niyang nagustuhan kay Roxanne, ang sobrang pagkamaunawain.

Sobrang development na ang nangyayari sa dalawa. Halos ayaw na nilang magkahiwalay kapag magkasama. Mabuti na lang daw pareho silang may control sa sarili. Malaki kasi ang tiwala ng parents ni Roxanne kay Joross na sinusuklian naman ng alaga ni Jun Reyes nang magandang pakikitungo sa pamilya.

Ayaw kasi ni Joross na may makitang butas ang pamilya ni Roxanne sa kanya. Napakabait at napakamaunawain daw ng parents ng dalaga kaya naman ingat na ingat siya.

By the way, kasama sina Joross at Roxanne sa movie nina Sandara Park at Hero Angeles, ang Can This Be Love ng Star Cinema, showing sa April 27.

Si Sarah Geronimo ang kumanta ng theme song ng Can This Be Love, na ayon kay Joross gusto niyang kapag binigyan din sila ng solo movie ng Star Cinema ay si Sarah din ang kakanta.

"Lalo kasing nakaka-in love once na si Sarah ang kumakanta," habang nakatitig ito kay Roxanne.



PJI - 26Mar05

http://www.journal.com.ph/news.asp?pid=1&s...ay=27&year=2005

Comments

  • ChairCChairC Bungi Fanatic
    edited 2:49AM
    laugh.gif thanks Aeolus! tama si joross.. laugh.gif
  • edited 2:49AM
    agree ako nakaka-inlove talaga ang boses ni SARAH...
  • edited 2:49AM
    :thumbs: hate ko si joross but he's right. once na nrnig mo ang boses ni sarah prang may :thumbs: angel n bmblong sa tainga mo........ :thumbs:
  • edited 2:49AM
    Thanks for posting Aeolus.
  • AshYeLLowAshYeLLow Popster
    edited 2:49AM
    tlaga lang joross ha?! hehe..nway gudluck sa movie na yan..pero feel ko manood kc feeling part din sisrah ng movie since sya nmn kumanta ng theme song..grabeh..kaka in-love tlga!!! lol_1.gif alt=':lolz:' ] wub2.gif
  • msdimagibamsdimagiba Popster
    edited 2:49AM
    "Lalo kasing nakaka-in love once na si Sarah ang kumakanta," habang nakatitig ito kay Roxanne.

    si sarah pa! smile.gif
  • ate Gate G Popster
    edited 2:49AM
    msdimagiba wrote on Mar 27 2005, 04:52 PM:
    "Lalo kasing nakaka-in love once na si Sarah ang kumakanta," habang nakatitig ito kay Roxanne.

    si sarah pa! smile.gif
    Korek korek......galing talaga ng bata.! :thumbs: :thumbs:
  • reesereese Graphic Artist
    edited 2:49AM
    :thumbs:
  • edited 2:49AM
    yeah joross is ryt :thumbs: music.gif alt=':music:' ] inlove.gif
Sign In or Register to comment.