'As a friend grabe, sobrang special siya talaga para sa akin',

edited March 2012 in News and Articles
Pilipino Star Ngayon
March 08, 2012

'As a friend grabe, sobrang special siya talaga para sa akin', Gerald special friend lang ang turing kay Sarah!
Ni Boy Abunda


Kahapon ay nagdiwang ng kanyang kaarawan si Gerald Anderson. Nag-blowout ang aktor sa mga bata mula sa Cancer Warriors at Cottolengo Filipino sa isang fastfood chain noong Martes. “I’m just happy na for 23 years blessed ako ni papa God. Sana mas marami pang blessings na puwede ko rin i-share sa ibang tao na nangangailangan at ito ‘yung mga opportunities na binibigay sa akin ni papa God. ‘Yung makatulong ako sa iba,” pahayag ni Gerald.

Natutuwa ang binata dahil napasaya niya ang mga bata na kanyang naging bisita kahit ilang oras lamang silang nagkasama. “It’s one of the best birthday feelings na puwedeng mangyari sa isang tao. ‘Yung nakikita ko silang kumakain ng Jollibee at nakikita ko silang sobrang natutuwa sa mga games. So ‘yung feeling na ‘yun sobrang panalo. Malapit talaga ako sa mga bata lalo na kapag ‘yung sobrang ka-close ko sobrang stress reliever sila,” paglalahad ni Gerald.

Ayon pa sa binata ay masarap daw talaga ang pakiramdam kapag nakatutulong ka sa kapwa. “’Yun ‘yung pinakamasarap na feeling. Kumbaga inilagay ako ni papa God sa isang posisyon para makatulong ako sa iba at sini-seize ko ‘yung mga opportunities na ‘yun. ‘Yung birthday wish ko is para sa kanila. Sana mas marami pa kaming mga ganito. Sana mas marami pa kaming gagawin na magkasama kami,” dagdag pa niya.

Samantala, isang espesyal na regalo raw ang natanggap ng binata mula kay Sarah Geronimo. “Binigyan niya ako ng Ipad. Sobrang sweet nga niya eh. As a friend grabe, sobrang special siya talaga para sa akin,” pagtatapat pa ng binata.


http://www.philstar....ubCategoryId=96

Comments

Sign In or Register to comment.