Gerald Anderson understands if some fans disapprove of his involvement
Gerald Anderson understands if some fans disapprove of his involvement with Sarah Geronimo
3/14/2012 10:20 AM
by: Bernie Franco
Gerald Anderson confirmed that Sarah Geronimo called him up on his birthday last March 7 to greet him a happy birthday. Apart from that, the Popstar Princess also gave the actor an iPad as a birthday present. “Sobra akong kinilig, sobra akong natuwa, and sobra akong na-touch sa ginawa niya,” Gerald said in an interview last Sunday, March 11 backstage at ASAP.
The actor also reacted on the reports that Sarah allegedly received hate mails from some members of the Kimerald (Kim Chiu-Gerald) fans club. “Ganun talaga eh, meron talagang mga fans na ganun ‘yung paraan ng suporta nila. Wala na tayong magagawa d’yan, dating-dati pa ‘yan. Kumbaga ‘di ko na alam ang pwede kong sabihin na hindi ko nasabi pa tungkol sa isyu na ‘yan. But ako, si Kim and si Sarah, medyo matagal-tagal na rin kami sa ginagawa namin at medyo sanay na po kami at alam po namin na ganun talaga.” However, he clarified that he and Sarah have not talked about this subject.
Gerald admitted that he feels bad about this issue not only because it involved Sarah, but because this issue is unpleasant to any celebrity. “Kahit hindi po kay Sarah o sa ibang tao, siyempre lalo na kung sa pamilya mo. Ganun talaga. Hindi naman kasi normal na sinasabi mo ang masasamang salita sa isang tao ‘di ba? Masasaktan ka talaga.”
Although he tries to be more understanding with some of his fans, he was quick to add that he does not support this behavior. “Naiintindihan ko na ‘yun ang paraan nila sa pagpapakita ng suporta nila, pero hindi ko naman sinasabi na ‘yun ang tamang paraan. Kung ganon klaseng paraan na gagawin mo sa pagsuporta sa amin, siguro po mabuti na huwag na lang. Kasi ayoko pong makakasakit ng ibang tao, huwag po tayong mandamay ng iba na nananahimik lang,” he said candidly.
Ironically, it appears that Kim’s romantic involvement with Xian Lim does not get the same form of bashing from Kimerald fans like that of Gerald and Sarah’s. When asked for his reaction, Gerald replied, “’Yan ay ‘di ko masasagot.”
The 23-year-old actor also seemed cautious not to add fuel to the fire when he refused to give a message to the supporters who dislike his involvement with the Popstar Princess. “Wala naman [akong mensahe sa kanila]. Ayoko na, eh. Alam naman nila kaya sobrang okay na. Thankful na hanggang ngayon andyan pa rin sila, sumusuporta sa amin kasi ganun talaga.”

Comments
Sino ba naman ang ayaw mahalin at magmahal. yun bang nagbibigay ng ngiti sayo sa bawat paggising mo sa umaga. Sa bawat ”good morning” , ”kumain ka na ba?” , ”kumusta ang araw mo” , ”ok ka lang ba” at ”good night” , ”sweat dreams” .
pero wala talagang kasiguruhan sa bawat ngiti na dulot nito. Kung paanong, habang buhay ba o panangdalian lamang.
Sabi nga nila, ‘Good things come to those who wait.’
Ano ba ang IDEAL MAN ko? Simpleng komplikado lang naman. Isang lalaki na kakailanganin din ang pagmamahal ko. Isang lalaking hindi mapapagod ipaalala sa akin kung bakit niya ko piniling mahalin kapag inaatake ako ng mga insecurities ko. Isang lalaking magbibigay lakas sa akin kapag mahina na ako at tutulong magtayo sa akin kapag nadapa ako o nagkamali. Kung tunay ang pagmamahal mo sa isang tao talagang lahat ay magagawa mo para sa kanya kaya hindi po ako natatakot at nanghihinayang na maghintay para sa tamang panahon para umibig because ALL THAT I ASK IS SOMEONE I KNOW I COULD CALL MY SOMEONE FOR ALL OF MY LIFE”
-Sarah Geronimo
http://spoliarium98.tumblr.com/
thanks po for sharing [img]https://sarahgeronimo.com/uploads/ipb/style_emoticons/legacy/smile.png sobrang like ko din yung line na to ni sarah[/img]
ibang klase si bebe sarah geronimo..ang lakas ng impact nya sa ibang tao.sya ung tipong di mo iignorin,pedeng love mo xa o kya naman e insecure sa knya..pero ako dun ako sa love ko sya hehe..ung pagkalink ni xian kay kim,wala ok lng sa kimerald si xian lang yan e..kung walang sasa-gege tandem pde pa rin ang kimerald khit may xian na si kim..pero ngreact sila nung si bebe sarah na ang nalink ky gerald kasi natatakot sila mawala sa eksena si kim na parang nangyayari na nga..observation ko lang po..
Pero di bale na dahil kung marami sila MAS MARAMI TAYO... Mas marami tayong nagmamahal at nagtatanggol lagi kay Sarah... Kaya alam kong makakaya at malalagpasan din ito ni Sarah katulad ng mga iba niyang pinagdaanan noon...
Pero mas maganda sigurong panlaban sa mga taong ito ay ang power ng "DEDMA TO THE WORLD"...
By Melba Llanera03/16/12 03:32 pm
Inulan ng hate e-mail si Bea Alonzo nang maugnay ang ito kay Gerald Anderson.
Ang hate e-mail ay galing sa supporters ng love team ng aktor at ni Kim Chiu na tinatawag na Kimerald fans.
Ngayong inamin na ni Gerald ang panliligaw niya kay Sarah Geronimo, ang Pop Princess naman ang napagbabalingan daw ng Kimeralds.
Hindi lang daw si Sarah ang pinadadalhan ng mga nasabing hate e-mail kundi maging ang ilang showbiz writers at editors.
Tinawag diumano ng Kimerald fans na "pakawalang babae" si Sarah.
KIMERALDS VS SARAH. Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Gerald kamakailan, nagbigay pahayag ang aktor sa isyu na ito ng Kimeralds laban kay Sarah.
"Ganun talaga, e. Mayroon talagang mga fans na ganun yung paraan ng pagsuporta nila.
"Wala na tayong magagawa diyan, dating-dati pa 'yan.
"Ako, si Kim at si Sarah, medyo matagal-tagal na rin kami sa ginagawa namin at medyo sanay na kami at alam na namin na ganun talaga."
GERALD IS HURT. Halatang nasasaktan si Gerald sa mga nangyayari lalo't nadadamay ang mga taong 'di naman dapat madamay.
"Oo naman... Ganun talaga. Hindi naman kasi normal na sinasabi mo ang mga masasakit na mga salita sa isang tao, 'di ba?"
"Naiintidihan ko na yun ang paraan ng pagpapakita nila ng suporta nila. Pero hindi ko naman sinasabi na yun ang tamang paraan.
"Kung ganung klase ng paraan ng pagsuporta ang gagawin mo sa amin, siguro mabuti pa na 'wag na lang kasi ayokong nakakasakit ng ibang tao.
"Sana huwag tayong mandamay ng iba na nananahimik lang."
KIMERALDS PARTIAL TO KIM. Marami ang nagtataka kung bakit negatibo ang mga Kimerald sa kahit na sinong ma-link kay Gerald, pero hindi naman sila umaalma kay Kim kahit ma-link siya sa iba.
Halimbawa na dito ang pagkaka-link ni Kim kay Xian Lim.
"'Yan ay 'di ko masasagot," naiiling at maikling sagot ni Gerald.
May mensahe ba siya sa Kimerald fans?
"Wala naman. Ayoko na, e. Alam naman nila kaya sobrang okay na.
"Thankful ako na hanggang ngayon nandiyan pa rin sila, sumusuporta sa amin."
ENRIQUE AND KIM? Ano naman ang masasabi ni Gerald sa balitang nanliligaw raw si Enrique Gil kay Kim.
"Wala siguro, ewan ko. Mabait naman si Enrique kaya wala akong masasabi."
Hindi itinatago ni Gerald ang paghanga niya kay Sarah at kita naman daw sa Pop Princess na gusto rin naman nito ang aktor.
Nitong nakaraang birthday ni Gerald [March 7] ay niregaluhan daw siya ni Sarah ng iPad.
"Yeah, binigyan niya ako ng birthday gift. Sobra akong kinilig. Sobra akong natuwa.
"Sobra akong na-touch sa ginawa niya. Ginagamit ko na ito."
ALWAYS THERE FOR HIM. Sa kabila ng pagsasabi ni Gerald na malinis ang intensiyon niya kay Sarah, 'di maiwasan na may mga ilan pa ring kumukuwestiyon sa panliligaw niya sa singer-actress.
"Ganun talaga. Hindi mo mapi-please ang lahat. Pero ang pinakaimportante siguro, alam mong wala kang ginagawang masama.
"Life is short, enjoyin na lang natin. Kumbaga mahalin natin yung mga taong mahal natin at alagaan natin sila."
Masasabi ba ni Gerald na papunta na sila ni Sarah sa mas malalim at seryosong relasyon?
Maliban sa Kimeralds, masasabing tanggap naman ng publiko ang samahan nila ni Sarah.
"Hindi ko masasagot 'yan. Kumbaga masaya lang kami na friends kami at laging may contact kaming dalawa."
"Maganda na gusto rin [ito] ng mga tao pero mas importante na okay kami sa isa't-isa.
"I enjoy being in her presence. Sana ganun din siya and masaya naman ang lahat.
"I'm happy na alam kong nandiyan siya para sa akin."
Source : http://m.pep.ph/news/33407/gerald-anderson-reacts-to-kimerald-fans-sending-hate-e-mail-to-sarah-geronimo-says-he39s-happy-with-sarah-in-his-life
SHOWBIZ NEWS NOW NA! Ni Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) Updated March 16, 2012
Tuwang-tuwa si Gerald Anderson nang tawagan siya sa telepono ni Sarah Geronimo noong kaarawan ng aktor kamakailan.
“Sobra akong kinilig, sobra akong natuwa, and sobra akong na-touch sa ginawa niya,” pagtatapat ni Gerald.
Marami ang natutuwa kapag nakikita sina Sarah at Gerald na magkasama pero mayroon din namang ilang tagahanga na hindi gusto ang dalaga para sa aktor.
“Ganun talaga eh, dating-dati pa ’yan. Kumbaga hindi ko na alam ang puwede kong sabihin na hindi ko nasabi pa tungkol sa isyu na ’yan. But ako, si Kim (Chiu) and si Sarah, medyo matagal-tagal na rin kami sa ginagawa namin at medyo sanay na po kami at alam po namin na ganun talaga,” paliwanag ng binata.
Naaapektuhan si Gerald sa ipinapakitang hindi maganda ng ibang tao sa Pop Princess.
“Kahit hindi po kay Sarah o sa ibang tao, siyempre lalo na kung sa pamilya mo, ganun talaga. Hindi naman kasi normal na sinasabi mo ang masasamang salita sa ibang tao, ’di ba? Masasaktan ka talaga,” seryosong sagot ni Gerald.
Kaya may pakiusap ang aktor para sa lahat ng taong hindi boto kay Sarah.
“Naiintindihan ko na ’yun ang paraan nila sa pagpapakita ng suporta nila pero hindi ko naman sinasabi na ’yun ang tamang paraan. Kung ganung klaseng paraan na gagawin mo sa pagsuporta sa amin, siguro po mabuti na huwag na lang kasi ayoko pong makakasakit ng ibang tao, huwag po tayong mandamay ng iba na nananahimik lang,” giit pa ng binata.
I love this line. Ang ganda. [img]https://sarahgeronimo.com/uploads/ipb/style_emoticons/legacy/smile.png Thanks po sa nag-share![/img]
Alam ko tong linyang to ah at sobrang kakakilig ung part na yan nung sinurprise ni Gerald si Sarah sa Sarah G. Live.
Basta ako kung san masaya ang ating prinsesa dun ako. Suportahan natin kung anuman ang magiging desisyon nya at palagi po nating ipagdasal ang mga bagay na mas makakabuti sa kanya.