Jump to content


namaes

Member Since 02 Mar 2004
Offline Last Active Jun 03 2012 05:37 AM
-----

Posts I've Made

In Topic: HAPPY BIRTHDAY KUYA DAN!

13 May 2011 - 08:46 AM

belated happy bday kuya dan... miss ko na ang site na ito.... si arwil magtibay po ito.... ang dating mrharas...salamat po...

In Topic: CMIIL Movie Reviews

23 March 2011 - 07:53 AM

hello mgandang gabi sa lahat, naririto po ako ngayon para ishare ang mga nais kong iparating sa inyo kapwa ko tagahanga ng pelikulang ito... sa mga nag daang pelikula ni sarah ibat ibang venue napanoodan ko, AVSL sa SM dasmarinas, YCML naman sa SM Manila, Hating kapatid sa SM San lazaro,,, dahil tubong batangueno ako, nanabik ako na makasama ang aking mga kababayan na makasama silang manood sa isang sinehan na pinagbibidahan ng inyo at aking prinsesa na si sarah... Sa SM batangas sa unang pagkakataon ay masisilayan ko ang pinakaabangan kong pelikulang ito, at kanina nga bandang alas onse ng umaga sa opening day ay di ako nag atubiling bumili ng tiket para makipagsiksikan sa mga batanguenong nais mahusgahan ang ipinagmamalaking pelikula ng star cinema at Viva at ito nga ang CATCH ME IM FALLEN.... Alam kong hindi ako ang naunang pumasok sa sinehan na iyon kayat napagmasdan ko kung gaano kalakas ang hatak ng tambalang sarah at gerald, wala silang napagsamahang tambalan na masasabing nakapag paalab para kuminang ang kanilang tambalan, at ito nga sa unang pagkakataon ay sa big screen pa... maraming nagtataka, maraming nagbibigay ng haka, pero sa aking impresyon ay tatabo ng malaki ang pelikulang ito...

Nag iisa lang akong manood, gaya ng naunang tatlong pelikula, sapagkat gusto kong bigyang konsentrasyon ang aking panonood at walang kwentuhan para walang masayang na eksena ant makalusot sa mga mata ko... pero sa ibang araw ay may mga kasama na ako para kahit mag ingay ako. ok lang, dagdag kita lang naman ang habol ko...

Pumasok ako sa sinehan, tawanan ang naririnig ko, madilim at di pa makapag adfjust ang mata ko... unti unting lumiwanag at doon ko napagtanto, puno na pala ang itaas na seksyon kaya sa baba na lang ako,... nakakangalay(nakakangawit) sa pwesto ko, malakas ang tunog pero ayos lang, kuhang kuha ko naman ang bawat ngiti ni sarah, kitang kita ko kahit mapuputing ngipin niya, at kung gaano kakinis ang kutis ng braso at binti niya, at higit sa lahat muli kong napatunayan na si sarah pala ay seksi na rin sa kanyang mga short na suot...

Malakas ang tawanan, minsay may pumapalakpak, may tumitili pero ang hindi ko malilimutan na ang isang studyanteng babae na katabi ko ay nagpunas ng luha sa mata niya,nadala siya sa patak ng luha galing sa mata ni sarah... pero nagulat ako ng sabihin niyang, umiiyak din si gerald, sa ilong lang pinadadaan...

Tumingin ako sa bandang likuran at patuloy ang pagpasok ng manood, kapag may tumatayo, may umuupo, upuan ay di mabakante,

Dalawang ulit ko pinanood ang pelikulang ito, masaya sa una, mas sumaya sa pangalawa, lumuha ako sa una, naghanap ako ng luluha sa pangalawa, pako ang ulo ko sa una, paikot ikot ang ulo ko sa pangalawa,

Tumayo na ako, masakit na ang pwet pero busog ang puso ko,

Lumabas na ako, at muling tumanaw sa entrance, naisip ko lang, ilan kaya ang tulad ko na manood ang tatagal ng dlalawang ulit?

ang naisagot ko lang, babalik na lang ako bukas...

In Topic: Batangas Popster

26 July 2010 - 11:07 PM

muzta batangas...

In Topic: Sarah's 22nd Birthday Celebration

25 July 2010 - 02:51 PM

RHECK'S PROD

galing galing mo Rheck! :T



elow sarah happy birthday...

In Topic: Hating Kapatid grosses P10.5 million!

25 July 2010 - 01:09 PM


May nagtweet po nasa 78M na daw po kinita nang HK as per Viva Films! :) :yahoo:

LINK


Hindi ako basta basta naniniwala sa mga figures na ganyan... sana nga totoo.... para kasing imposible lalo na kung pagbabasehan ang 10.5 million opening day... pero sana nga.

Ang 1st week ng AVSL ay 58 million lang... opening niya ay 14 million.

Ang 1st week ng YCML ay 98 million naman... opening day niya yata ay 18 million. (SAT = 25 million SUN = 27 million bihira mangyari ito sa isang local movie.)

So kung tatabo siya ng 20 20 sa SAT at SUN it is possible... pero sabi ko nga bihira mangyari yun.

Kasama ba sa kwenta yung yung mga product intrusions??? :peacecirclesmaller:

malay mo sa mga bihirang mga sinasabi mo eh ang hating kapatid pala ang bihirang yun...hehehe peace...